Hacienda de Catalina(10)

11 2 0
                                    

***

Pagkarating namin sa manggahan ay agad na bumati kay Teo ang mga tauhan ng Hacienda na naroon.

"Mang Berting, ito nga pala si Isabella, kaibigan ng Mamita." Pagpapakilala nito sa akin. " Si Mang Berting ang taga pamahala nitong manggahan."

"Maayong aga mam!"
Nakangiting bati sa akin ni Mang Berting gamit ang kanilang salita, kaya nginitian ko rin ito.

"Maayong aga din po sa inyo, Mang Berting!" Masayang bati ko rin dito. "Sabi po kasi sa akin nitong si Teo ay pinakamasarap daw po ang mga manggang nanggagaling dito,"

"Ay huo, mam! Ang totoo nga niyan, eh... indi paman nahihinog ining mga bunga ay gina agawan na sang mga buyer!"
Nagmamalaking wika ng matanda. Naaaliw akong pakinggan ito dahil sa punto ng kanilang salita. Halata kasing hindi ito sanay magtagalog pero sinusubukan parin nito upang magkaintindihan kami.

"Pwede ko po ba'ng matikman?"

"Ay huo, mam! Dali kita didto!"

Naglakad kami ni Teo kasunod ni Mang Berting. Hitik sa bunga ang bawat puno ng mangga at napakadali lamang nitong pitasin dahil abot kamay lamang ang mga ito.

Bawat manggagawang madaanan namin ay bumabati sa amin. 'Yung mga may edad nang mga babae ay nanunukso ang mga mata sa aming dalawa ni Teo. Ang mga kadalagahan naman ay kinikilig kapag natapunan ng tingin ni Teo.

Napapailing naman ako habang pinagmamasdan ang ginagawang pagbati nito sa mga tauhan. At ang bawat kadalagahang kakikitaan ng paghanga sa lalake ay ginagantihan nito ng matamis niyang ngiti. At iyong iba ay kinikindatan pa nito.

"Babaero!"

Bulong ko pero narinig parin nito. May sa dwende yata itong si stranger kasi kahit binubulong ko na eh naririnig parin nito.

"I am not, angry girl! Ganun talaga pag friendly!"

Bulong nito malapit sa tainga ko. Nanayo ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga nito sa aking balat. Mabilis akong umabante para hindi nito mahalata ang pagkailang ko.

Tumigil kami sa bandang gitna kung saan nakalagay ang mga hinarvest na mangga. Itsura palang ng mga ito ay nakakatakam na. Malalaki ito at mikinis ang balat kaya nakakatuksong tikman.

Kumuha ng isa si Teo at binalatan saka iniabot sa akin. Agad ko itong tinanggap saka kinagatan at talaga nga'ng napakasarap nito.

Sunod-sunod akong kumagat dahil sa sarap ng lasa niyon. Pinunasan ni Teo ng isang daliri ang gilid ng aking bibig dahil sa kumalat na katas ng mangga at parang nakuryente ako sa ginawa nito kaya napaatras ako bigla.

Naapakan ko ang isang bunga na marahil ay nahulog sa sobrang kahinogan nito kaya na out of balance ako.

Mabilis ang pangyayari kaya napapikit nalang ako sa pag-aakalang babagsak ako sa lupa. Pero isang matigas na braso ang agad na sumalo sa beywang ko.

Pagdilat ko ay ang gwapong mukha ni Teo ang sumalubong sa mga mata ko. Parang bumagal ang lahat habang magkaniig ang aming mga paningin.

Nag-init ang aking mukha nang bigla itong ngumiti. Itinulak ko ito para makatayo ako ng maayos, naramdaman ko kasi ang mga matang nakatutok sa aming dalawa.

"Okay na ako! Mang Berting mukhang maganda sa banda do'n puntahan po natin!?"

Hindi ko na inantay pang sumagot si Mang Berting mabilis na akong naglakad papunta sa gawing itinuro ko. Narinig kong natawa si Teo kaya nilingon ko ito.

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon