Hacienda de Catalina(13)

18 1 0
                                        

***
Isang maputi at ubod ng gandang babae ang lumabas sa passenger seat ng sasakyan ni Teo. Inalalayan niya ito na makababa mula sa sasakyan.

Halos kasing tangkad lang niya ito at maihahalintulad sa isang beauty queen na kinoronahan ang babae base sa tindig at pisikal na itsura nito. Napakakinis ng kanyang balat. Medyo maalon ang nangingintab nitong buhok na sumasabay sa kintab ng suot nitong kwentas na may malaking makinang na bato. At ang mukha nito ay napakaperpekto ng pagkaka-ukit. Sa madaling salita ay ubod ito ng ganda. Halos wala itong make-up kung titingnan, dahil tanging manipis na nude lipstick lang ang nasa labi nito. Maging ang kilay at mga pilikmata nito ay natural na natural.

Pakiramdam ko ay bigla akong nanliit sa aking sarili  pagdating sa pisikal na aspeto. Hindi ko naman ugali ang ma-insecure pero sa mga oras na 'to ay talagang nilalamon ako ng insecurities ko.

Umatras ako at tumalikod upang umiwas na makita nila ako pero parang huli na dahil dinig na dinig ko ng tanongin nito si Teo kung sino ako.

"Who is she?" Tanong ng babae. Pati ang boses nito ay napakasopistikada ng dating.

"She's just, Mamita's, private nurse. Let's go." Walang ka emo-emosyong wika ni Teo.

Napahinto ako sa paghakbang pagkarinig sa mga sinabi ni Teo. Mabilis na nag-unahan ang aking mga luha at pakiramdam ko ay nanigas ang kabuuan ko at ipinako ako sa aking kinatatayuan kaya hindi ko na magawang maihakbang ang aking mga paa.

Ilang beses pang nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang patungkol sa akin ni Teo.

"She's just, Mamita's, private nurse..."

"She's just, Mamita's, private nurse..."

"She's just, Mamita's, private nurse..."

Shit! Bakit ganito ka sakit?

Pakiramdam ko ay inapakan ako ng paulit-ulit. Kung kanina ay nilalamon na ako ng insecurities ko sa pisikal na anyo, ngayon ay pakiramdam ko buong pagkatao ko na ang nilalamon nito.

Isa lang akong private nurse. Yun lang ang tingin sa akin ni Teo. Sabagay ano nga ba ang aasahan kong maging tingin niya sa akin, eh, private nurse lang naman talaga ako ng lola niya. Isang private nurse na nangangarap na mapansin ng kanyang amo.

Isang pangarap na napakaimposibleng makamit.

Masakit tanggapin ngunit tama siya... Sino nga ba naman ako kung ikukumpara sakanya at sa babaeng kasama niya...

"Kaya gumising ka, Isabella! Masyadong mataas ang pinapangarap mo!" Mapait ang ngiting usal ko habang pinapahid ang mga luhang hindi maampat sa pagtulo.

Hindi ako makatulog sa kadahilanang hindi parin mawaglit sa aking isip ang mga binitawang salita ni Teo. Para itong nakarecord sa utak ko na nagpapaulit-ulit. Na sa kakaulit nito ay lasug-lasog na ang puso ko sa sobrang sakit. At pakiramdam ko ay nalulunod na ako kaya bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas sa aking kwarto.

Tumungo ako sa bahagi ng mansyon kung saan naroroon ang malaking swimming pool. Hinubad ko ang sapin sa paa at umupo sa gilid ng pool. Inilubog ko ang aking mga paa at pinaglaro sa tubig. Itinukod ko ang aking dalawang palad sa simento sa aking likuran. At dinama ang malamig na samyo ng hangin sa aking balat saka ipinikit ang aking mga mata at itiningala ang aking mukha. Nakaramdam ako ng kapayapaan sa ginagawa kaya ipinagpatuloy ko lamang ito.

~TEO POV~

Nakaramdam ako ng pagkaalinsangan kaya napagdesisyonan kong magbabad na muna sa pool.

Palabas na ako sa pinto ng mansyon sa bahagi kung saan naroon ang swimming pool nang mamataan ko si Isabella na naglalakad patungo doon. Huminto ako at sumandal sa gilid ng pinto at pinanood lamang ang gagawin nito.

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon