***
SabadoKatatapos ko palang asikasuhin si Doña Catalina ng ipatawag ako ni Senorita Amelia. Nasa malawak na sala ito kasama si Eufem. May kasama ang mga ito, marahil kabilang sa mga bisita sa party mamaya.
Grabe, ang aga naman! Mag alas-9 palang ng umaga.
Sabi ko sa isip pagkakita sa oras ng relong pambisig na suot ko.
"Ah, excuse me po Señorita Amelia, ipanatatawag raw po ninyo ako?" Agaw ko sa atensyon ng mga ito.
"Oh, here she is! Come here, hija!" Tawag sa akin ni Señorita Amelia. Tumayo naman si Eufem at lumapit sa akin. Ikinawit pa nito ang kamay sa aking braso marahan at akong hinila palapit kay Señorita Amelia at sa kanilang bisita.
"Isabella, I want you to meet, Jaja Escobar. Jaja, this is Isabella. She's your project for tonight. And she's also your big fan!"
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang taong nasa aking harapan.
"Oh my gosh!" Hindi ko napigilang sabihin sa excitement pagkakita kay Jaja Escobar. Natawa ang mga ito sa naging reaksyon ko.
Hindi talaga ako makapaniwala. Napakaganda pala nito sa personal. Bukod sa pagiging make-up artist bagay rin siya mismong maging modelo.
"Nice meeting you, Isabella!" Masayang bati nito sa akin na bumeso pa.
Hindi ako nakagalaw pero nanginginig ako sa sobrang saya na makita ito ng personal. Nakakastar struck talaga siya.
Daig ko pa ang naengkanto. Hindi talaga ako makapaniwala. Ang iniidolo kong tao ay nasa harapan ko ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, kung tatawa ba ako magpapadyak o titili..oh di kaya iiyak. Sobrang saya ko!
Hindi ko akalain na noon ay napapanood ko lamang siya sa reality show, ngayon nasa harapan ko na siya!
"Oh my God! Panaginip ba to? Totoo kaba?" Nahihiwagaang wika ko. Hinawakan ko pa si Jaja sakanyang mukha.
Hindi talaga ako makapaniwala. Nasa harapan ko si Jaja Escobar.
Si Jaja Escobar na naging inspirasyon ko para matapos ko ang aking pag-aaral kahit na sobrang hirap ako.
Si Jaja Escobar na nagsilbing inspirasyon ko bukod sa aking mga magulang na ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga dagok na dala nito.
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na mapaiyak sa kagalakan. Walang pasintabi na niyakap ko si Jaja. Bahala na si batman! Lulubusin ko na 'to.
Ganito pala ang pakiramdam na makita ng personal ang iyong iniidolo.
Nagtawanan ang mga ito. At tulad ng napanood ko sa reality show. Mabait nga si Jaja. Pinagbigyan niya akong yakapin siya ng mahigpit at hindi lang yun ginatihan pa nito ang yakap ko.
"Thank you, Ja!" Sambit ko pagkatapos naming magyakap. Hawak ko parin ang dalawa niyang kamay. Parang ayaw ko iyong bitiwan. Napakatamis naman ng ngiti nito sa akin.
"Ja, salamat..kasi kung hindi dahil sayo baka wala ako dito ngayon. Ikaw ang pinakanaging inspirasyon upang matapos ko ang pag-aaral kahit na sobrang hirap. Salamat, dahil nung mga panahong gustong-gusto ko nang sumuko ay nakilala kita. Salamat!" Lumuluhang wika ko.
Hindi ko alam mukha na yata akong baliw kasi walang humpay ang mga luha ko. Paminsan pa akong napapahikbi.
"Wag ka sa akin magpasalamat, Isabella..magpasalamat ka sa iyong sarili. Kasi kahit ako pa ang naging inspirasyon mo, ikaw parin ang nagsumikap upang maabot mo kung anuman ang meron ka ngayon. Marami kang pwedeng maging inspirasyon, but if you did not pursue your self your inspiration will be useless. Nagiging daan lang ng diyos ang inspirasyon para hindi sumuko ang isang tao. It is your faith and determination that keeps you going. Kaya be grateful to God and to your self."
