Damned Hearts 2

536 18 33
                                    

2


"Hindi nga pwede, Sid. Huwag ka na ngang sutil."

Sinubukang agawin sa akin ni Eril ang make-up at isang piraso ng uling. Hinawi ko ang kamay niya.

"Kulit-kulit mo!" Umiling siya sa akin.

Sumipol ang iba naming ka-group. Thank God, Cleo's not part of our movie team. Kung hindi ay pati iyon, nakisawsaw sa pang-aasar.

"Bakit ba kasi? I want that role." I looked at him and pulled my puppy eyes. "Gagalingan ko. I promise." I raised my right palm.

Narito kami ngayon sa Multimedia Room for Video Editing. Unang project namin ngayong sem ang gumawa ng isang short film para sa nalalapit na Chronicles Fest dito sa unibersidad.

Inuuna ko munang asikasuhin itong film na ito bago ko simulan ang paghahanap ng prospect subject para sa photography contest.

And these frigging people, they don't want me to have the role I want! Dumagdag tuloy iyon sa stress ko.

"Sid... Kasi ganito iyan. Hindi. Ka. Mukhang. Pulubi." Sumegunda si Beth.

"Sa puti mong iyan? Kailangan natin ng isang sakong uling para paitimin ka at para magmukha kang palaboy." Nagsalita uli si Eril.

Humalakhak ang iba naming kasama. Sumimangot ako.

"Please, Eril?" I pleaded.

Loob niya lang ang kailangan kong kunin dahil siya ang direktor.

Well, I was supposed to be the director but I refused. Sana pala ay tinanggap ko na lang ang ini-appoint ni Ma'am Tina. Wrong move!

"Pleeeaaase?" I repeated. I am super pleading now. "I want this role, Eril. Dalawa naman kami ni Jack, hindi ba?"

Nilingon ko si Jack. He saluted. Pagkatapos ay bumungisngis siya. Pinigilan ko ang pagngiti at nilingon uli si Eril.

"Fine. When can I ever resist your charm?" Bumuga siya ng hangin.

"Yes!" Napatalon ako sa ere. "Thanks, Eril!"

Hindi ko pinansin ang makahulugang sagot niya sa akin.

Let's not go around the bush. He's been hitting on me since first year college. Wala pa sa isip ko iyan. I have too much on my list.

Too many things to accomplish. Too many places to go and too many jollihotdogs to eat.

Kahit gaano pa siya kagwapo, kakisig at katalino, walang lugar ang mga ganyang bagay ngayon sa priorities ko sa buhay.

Or maybe there is. It's just that, he's not my type.

Sa Lucap People's Park ang tungo namin ngayong araw. Doon kukuhanan ang huling scene at kaming dalawa ni Jack ang aarte bilang mga pulubi. I'm excited for it!

I teased my hair to make it appear fuller. Sa haba ng buhok ko ay inabot ako ng bente minutos.

Sinabitan din iyon kanina ni Beth ng mga tuyong dahon para magmukha na talaga akong pakawala sa kalye. This is fun!

"Ganito, just walk around the place. Tapos, Mike and Hana will stand near that post. Mamalimos kayo sa kanila. And then itataboy nila kayo." Eril gave me the script before we start.

Eksayted akong tumango sa kanya. I don't know why this extra character excites me.

Siguro kasi last year, ang subject ng portfolio ko para sa isang photography exhibit ay mga palaboy? Siguro nga. I don't know. I'm just excited.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon