Damned Hearts 3

468 15 38
                                    

3



"Sid..."

I felt someone touched my back. I'm still sleepy as hell.

"Sid..."

"Mmm... Ano ba... Inaantok pa ako." I tried to speak clearly.

Nagtalukbong ako ng kumot sa pag-asang titigil ang nanggigising sa akin. It was again peaceful for five seconds.

Pero pagkatapos ng limang segundong iyon ay biglang nawala ang kumot na nakatalukbong sa akin.

"What the hell!?" I protested.

Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko at kunot-noong sinubukang bumangon.

Really? It's a weekend! Why would you wake up a college student who's tired from a five-day school torture? Hindi iyon makatarungan!

"Cassiedy may ahas! May ahas! Aaaahhhh! Sa ilalim ng kama mo!"

"Saan!? Saan!?"

Bumalikwas agad ako sa pagkakahiga at halos maibato ko lahat ng unan galing sa kama. My heart was pounding too fast only to find that I've been pranked.

"Chill, young lady..."

Halos lumuhod na si Ate Vidette sa sahig habang patuloy sa pagtawa. Tinuloy ko pa rin ang pagbato sa kanya ng unan sa sobrang gulat ko.

"Very alert. Good job."

Nilingon ko ang nagsalita. My sister was sitting beside me, giggling and shaking her head. Lumiwanag agad ang mukha ko.

"Unnie!" I immediately hugged her. Kumalas ako sa kanya. "Oh my God, you're back!"

Niiyakap ko siya ulit. She chuckled.

I'm eighteen but I don't care. I still act like a kid in front of her. I missed her so much! Ilang buwan din silang nawala ng asawa at anak niya. And now they're back!

"Guys, tara na. Tara na baba na tayo. Gutom na ako, okay? Kumain muna tayo."

Umirap ako kay Ate Vidette. Bumaling ako sa kapatid ko ng nakangisi.

"Unnie, did you buy me stuff? Where's Flerene? Is she downstairs?"

Humalakhak si Ate at tumayo sa kama. Hinila niya ako patayo kaya wala akong nagawa.

"Nasa ibaba na mga pasalubong namin sa'yo. Flerene is sleeping in our room. She's with her dad. Pag-gising niya makkipaglaro iyon sa'yo."

I giggled. Tumango ako sa kanya.

"Yes. I'll definitely play with her. I miss my niece so much. Halos wala akong makasama rito araw-araw. Mom's always out. Nasa Baguio lagi." Sumimangot ako.

She touched my cheeks and smiled. Ang ganda talaga ng ate ko. Kapag mas nagdalaga pa ako, gusto ko ganito ako kaganda sa kanya.

"But we're here now. Hindi ka na mabo-bore mag-isa rito sa bahay."

Tumango ako at ngumiti.

Though I'm used to it, I still get sad whenever that fact hits me.

May mga negosyong kailangan asikasuhin sina Ate at Mama. I can't just complain if they're out often. It's the legacy of our family. The legacy of Luminance Group. At silang dalawa ang nagtutuloy ng legacy na iyon.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon