12
Naramdaman ko agad ang kirot sa aking batok nang subukan kong gumalaw.
Ininda ko ang sakit ngunit hindi ko nagawang idilat ang mga mata ko. My neck hurts so bad. Hindi ako makagawa ng kahit isang maliit na galaw.
I tried to calm down one second. Huminga ako ng malalim at iminulat na dahan-dahan ang mga mata ko.
Puting kisame ang bumungad sa akin. Tumingin ako sa may paanan at naabutan ang puting pader.
Inilibot ko pa ang paningin. Kumunot ang noo ko sa sakit na naramdaman nang subukan kong lumingon.
I'm in a hospital? And dang... I lifted my right arm and touched my neck only to find out that I'm wearing a neck brace. Ang kaliwang kamay ko ay may nakasaksak na suwero. Suot ko ang kulay berdeng hospital gown.
"Shit..." bulong ko sa sarili nang pinilit kong tumayo.
Eksakto ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko agad nagawang magsalita at umangal nang daluhan ako ng isang nurse. Maybe she's the one assigned here.
"Mahiga ka muna. Huwag mong pwersahin iyang leeg mo..." mahinahon ang kanyang boses.
All I could see right now is the back part of her body. She's fixing the lower sheets of my bed.
Pinili kong humiga ulit. I could even barely talk.
Nasaang hospital ba ako? Gusto kong tanungin sa nurse na ito kung anong nangyari at kung bakit ako narito ngayon.
But how can I forget that stupid driver? He hit me!
But more than that, how can I forget an even more stupid version of myself?
Napakatanda ko na pero hindi ko pa rin alam ang mga risks kapag tumatawid sa kalsada? You are one hopeless human being, Cassiedy. Ayan tuloy!
"Sinong nagdala sa akin dito?" tanong ko sa nurse habang inaayos pa rin niya ang beddings.
Nang matapos siya roon ay agad niya akong nilingon. Sinalubong niya ako ng ngiti.
Nanlaki ang mga mata ko sa nurse. Mas nahirapan akong lumunok. I don't even know if it's about the neck brace and my neck hurting.
Is this... Laura?
"Si Gavin. Kilala mo siya hindi ba? Ang inilagay kasi sa hospital record... kaibigan mo siya." She gave me a sweet smile.
Napalunok ako at mas lalong namangha sa mga sinabi niya.
What the effing hell? Gavin? Why Gavin? Was he there when I got hit?
God. He was! Malamang ay nandoon siya dahil siya nga ang nagdala sa'kin rito! But we are nothing but classmates! Right? We are not even friends. He doesn't even like me! Why did he bother to bring me here?
Ugh, Cassiedy. Kahit sino ay gagawin iyon! Lalo na at magkakilala kayo! What kind of logic is that?
Hindi ko alam ang isasagot sa kanya nang gumalaw siya at naglakad papunta sa dextrose. Mayroon siyang pinihit doon.
"I'm Laura, by the way... Kaibigan din kami ni Gavin. Dito ako nag o-OJT ngayon." Bumaling siya sa akin at muling ngumiti. "Sa SJU rin ako..."
BINABASA MO ANG
Damned Hearts #Wattys2016
ChickLitCassiedy Floren was one of the two daughters of the Cua's. She was destined for riches. She was bound to take over the half of Luminance Group. She was expected to be prim because she will one day carry out the legacy of their family. Or maybe not...