Damned Hearts 4

437 15 29
                                    

4



Hindi ko maintindihan kung bakit hindi kami pwedeng maging magkaibigan. I think his reasons are lame. Why wouldn't you want to befriend someone?

Naniniwala akong lahat ng tao ay may karapatang kaibiganin at may karapatang humanap ng kakaibiganin.

Gusto ko talagang maging magkaibigan kami. I don't know. There's a push inside me. If I want him to be my subject then we need to be at least in good terms.

Eksaktong alas-nuebe ng umaga nang dumating si Gavin sa classroom. He's thirty minutes early. Inagahan ko rin talaga para abangan siya.

"Hi, Gavin!" I greeted him.

I know. Feeling ko close na kami kahit hindi naman niya ako kinakausap.

Nilampasan niya ako at dumiretso siya sa armchair sa likuran ng upuan ko. He didn't even give me any reaction.

Sumipol ang iba kong blockmates. Siguro ay mangangantyaw dahil hindi ako pinansin ng Jalbuena na ito.

"Dinedma lang si Cua, oh!" panunuya nila.

Umiling ako kay Dave, Jack, at Mike na ngayon ay nagtatawanan. Pinigilan ko rin ang pagtawa. Sanay na ako sa mga pang-aasar nila kaya wala na lang iyon sa akin.

Binalingan ko uli si Gavin at malapad na ngumiti. Hindi pa rin niya ako pinapansin.

Inisip ko na lang na dahil sa earphones na nasa kanyang tainga kaya hindi niya ako marinig. Ano kayang music ang naka-play doon?

"Uy... Gavin." I called him again.

Still no response. Diretso lang ang kanyang tingin sa librong binabasa niya. Kumunot ang noo ko at tiningnan din iyon.

I leaned a little closer so I could clearly see what is the book he is reading.

"Fundamentals of Civil Engineering..." I murmured.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay lumaki ang mga mata ko. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin.

Ang lapit na pala ng mukha ko sa kanya! Holy hell, Cassiedy!

"Sorry..." Nag-peace sign ako at ngumisi.

Ibinalik niya ang tingin sa kanyang libro at nagpatuloy sa pagbabasa. Sumimangot ako pero ngumiti pa rin.

I fixed my chair. Nakabaling pa rin ako sa kanya kahit para akong hangin sa kanyang harapan. Really, what is his problem? Ayaw niya ba talagang maging magkaibigan kami?

"Tabihan mo na, Sid!" sumigaw si Jack.

Nilingon ko sila at ang mga sulsol, sumisenyas pa para patayuin ako at tabihan nga itong si Gavin. Umiling ako at sinulyapan uli ang lalaki sa likuran ko.

"Sige na!" pag-uulit ni Jack.

I bit my lips. I've never really wanted someone's attention until today. I badly need this guy as my subject.

Hinawi ko ang mahaba kong buhok at saka tumayo. Pumihit ako at naglakad papunta sa bakanteng upuan sa tabi mismo ng kanyang armchair.

Nakarinig uli ako ng mga sipol pagkaupo ko.

"Lakas mo talaga, Sid!" They giggled.

Sigurado ako ngayon, iniisip nilang may gusto ako sa lalaking ito.

Well not bad. He's attractive. Abnormally attractive, I must say. I can get attracted to him, actually. But maybe not today. Kailangan ko muna siyang mapapayag para maging subject ko.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon