Damned Hearts 14

386 18 51
                                    

13


Hindi ko agad nahagilap ang mga salitang sasabihin. Parang tinakasan ako ng sarili kong katinuan.

I don't know what kind of reaction I am flashing right now but one thing's for sure... My heart is beating way too fast.

Pakiramdam ko ay libu-libong mga kabayo ang nag i-stampede sa loob ng dibdib ko. Na parang kahit anong oras, sisirain ng mga kabayong iyon ang baga ko at tuluyan na akong hindi makakahinga.

"Cassiedy? Okay ka lang ba?"

Hindi.

Hindi ko rin alam kung okay ako sa narinig ko sa kanya. Sa reyalidad niya ba talaga sinabi iyon? Totoo ba lahat ng narinig ko?

Kahit gusto kong sumagot ngayon ay parang lusaw lahat ng salitang gusto kong sabihin.

"Sid..."

I felt his finger. He gently pressed my right cheek and holy shit... This is damn real! He is real and every fucking thing around me is real right now!

"Oo! O-Oo naman okay ako. Okay lang ako."

Ilang beses akong kumurap habang nakangiting aso sa kanya.

Bakit ang lapit niya sa akin? Bakit biglang nasa harapan ko na siya ngayon? God! This is...

"Sigurado ka ba?"

I almost felt his breath. Hindi ito maganda. Ramdam ko ang pangangatog sa magkabila kong mga tuhod.

"Oo, G-Gavin. Oo naman. Ano bang sinasabi mo dyan? Okay ako..." Ngumiti at mukhang balisa akong tumango.

Napayuko siya ngunit ilang sandali lang nang nagtama uli ang mga mata namin. Malalim siyang suminghap.

Iyong mga sinabi niya kanina... Hindi ba ako nagkamali ng rinig?

"Gavin... Ano kasi—"

"Narinig mo ba? Iyong sinabi ko? Doon?" Tinuro niya ang kabilang bahagi ng glass wall.

His husky voice sent me chills. Kumurap ako ng ilang beses. Napalunok ako.

Hindi ko alam ang kung ano ang pipiliin ko sa ngayon. Ang magpalunod sa mga mata niyang titig na titig o ang tumayo na lang sa kinauupuan ko.

His eyes were dominating. I can't even move a single bit.

"K-Kasi..." I stuttered. Hindi ko alam ang susunod na salita.

Buntong hininga ang nakuha kong reaksyon sa kanya. Para bang bigo siya sa sinagot ko.

Napakagat ako sa labi. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok sa loob. Even the bits of water running down my forehead.

"Wala ka bang gusto sabihin... o tanungin?" tanong niya.

Pumungay ang mga mata niyang tila nagsusumamo.

Tumagal ang tingin ko roon. I don't know what got into me when I involuntarily looked at his lips. Lalong kumabog sa loob.

How those thin lips get me distracted right now. I just couldn't.

"A-Anong gusto mong tanungin ko?" Ugh, Sid.

Umiwas ako ng tingin at diretsong tumayo papunta sa kanyang likuran. He's still sitting on one of the swivel chairs.

Humarap ako sa kanya. Nag-angat siya sa akin ng tingin at wala nang nagawa dahil sa pagtayo ko mula sa pagkakaupo.

Bilasa lang akong ngumiti. Inilagay ko sa aking likuran ang magkabila kong mga kamay at mahinang pinipisil ang mga iyon. Here comes the fidgeting.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon