Damned Hearts 19

275 17 23
                                    

19



"Did your brother send you?"

"No." Agaran siyang umiling. "He didn't. This has nothing to do with him."

Lumipat ang mga mata sa akin ni Gavin ngunit nakaharang pa rin ang malapad na katawan ni Kuya Vince sa kanya. Only the right side of Gavin's face is visible to where I stand.

Lito ang aking mukha. Hindi ko rin alam ang iisipin at sasabihin ko sa mga nangyayari.

"Paris, take Flerene."

Gumalaw agad ang ate ko mula sa aking likuran. She carried my niece and went back to where I am. Sinalubong ko siya ng isang tingin na bakas ang maraming katanungan.

"Unnie... Anong nangyayari?" Lumipat ang tingin ko kay Kuya Vince. "Oppa... Bakit mo siya hinaharangan?"

"Please, just let me talk to her. Ipapaliwanag ko."

My eyes shifted to Gavin. Nakaigting ang mga panga niya at papalit-palit ang tingin sa akin at sa kuya ko.

Bumagsak ang mga mata ko sa aking braso nang maramdaman ko ulit ang palad ng ate ko roon. Hindi ko alam pero sumisikip ang dibdib ko.

What the hell is happening? What am I really missing? Kilala nila si Gavin maging ang kuya niya pero wala akong ideya roon. Where was I the whole time that I didn't know our family had an idea about the Jalbuena's?

"Sid... Let's go home. We can't stay here with this Jalbuena."

Malumanay ang pagkakasabi ng ate ko roon. Marahan niya akong hinila. Nagbigay iyon ng mas malawak na kalituhan sa akin.

"Why can't we stay here?" tanong ko at nilingon muli si Gavin. "Gavin, what are they talking about? Kilala mo ang ate ko? Si Kuya Vince?"

Naghintay ako sa isasagot ni Gavin. Nagtagal ang mga titig niya na parang may mga salitang gustong sabihin ang mga iyon. Napapikit at umiwas siya ng tingin.

Bumalik din agad sa akin ang mga mata niya at hindi kalaunan ay dahan-dahan siyang tumango.

"Our families... Were business rivals."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Bahagyang umawang aking bibig. Loads of thoughts rushed in my head.

So the Jalbuena's knew our family? What's the case then? So what if our families are business rivals? What does it have to do with us? After all, it's all just business. At wala dapat personalan iyon!

And then it hit me... Prestigio Records.

Was that it? Hell... Ano? Pinaglalaruan ba kami ngayon ng tadhana? Gusto kong labanan ang reyalidad na imposible ang mga nasa isip ko ngayon.

Because yes... it wasn't just business. It wasn't just a simple rivalry. Kitang-kita kong personal ang bagay na iyon sa pamilya ni Gavin. Nakita ko iyon sa mga mata niya nang masaksikan ko siyang tumugtog sa loob mismo ng Prestigio.

We have Nami Records. We have a recording company under Luminance and it is damn possible! At ayaw kong isiping nagsara ang Prestigio Records dahil sa amin!

"Sumunod ka na sa ate mo, Sid... Uuwi na tayo." Matigas ang pagkakasabi ni Kuya Vince.

Aalma sana ako sa gusto niyang mangyari ngunit humigpit ang hawak ng ate ko sa akin. Nilingon ko siya at naabutan siyang umiiling. Like she's telling me to just follow and go home.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon