Damned Hearts 32

323 16 5
                                    

32

Hindi ko alam kung may nagbabasa pa nito. This was long overdue but finally! Nagkaoras na rin! Sana nakapaghintay kayo kahit sobrang tagal! Tatapusin ko itong story na ito kahit paunti-unti. Enjoy reading!




And just when I thought that the ghost of the past, and that terrifying scene, as for me, had finally come to life, Cleo started to make soft slaps on my face.

"Sid..." Soft slap. "Hey, Sid..." And another one.

Gising na ang aking diwa ngunit pinili kong manatiling nakapikit. Pinili kong pumikit dahil gusto ko pang i-proseso ang laman ng panaginip na iyon. Several minutes after Cleo pulled something from my closet, she walked out of my room.

Doon ko iminulat ang mga mata ko. Agad na sinalubong ng mga iyon ang maninipis na sinag ng araw na tumatagos sa mga bintanang salamin. The powdered blue curtains are glowing because of the sunrays.

Kinapa ko ang aking cellphone sa side table at kunot noong tiningnan ang oras. It's almost 8 in the morning. Ibinangon ko ang sarili sa kama at tamad na nilingon ang mga paperbags ng mga pinamili namin kahapon sa SM.

Yesterday, it all happened but the last part was a dream. And damn it, that was one clear dream.

I slowly bended my toes and hugged my knees. Ibinaon ko roon ang aking ulo habang pinapakinggan ang marahan at tahimik na tibok sa kaliwang bahagi ng aking dibdib.

I'm overthinking again. I couldn't lie. Kahit sabihin kong hindi ako nag-aalangan sa mga maaaring mangyari nitong mga susunod na araw ay hindi ko magawa. I am worried. I am deadass worried.

Pagkarating ng bahay kagabi ay pagod kong inihiga ang aking katawan sa kama. And just as I was preparing myself to bed, nakatulog ako ng mabilisan.

And then bam... My worries turned into bad dreams. No, scratch that. Those worries turned into a nightmare.

"Good morning po, Miss Sid."

Tipid akong ngumiti sa guard at ibinigay sa kanya ang susi ng aking sasakyan. Dumiretso ako sa entrance at sinalubong din ako ng bati mula sa ibang empleyado.

From Dave:
Miss Sid, nagpadala ng brochure ang Nikon para sa mga bagong cameras. I'll send it to you later.

I slightly rolled my eyes with how Dave addressed me. Kahit pa sabihin kong huwag na siyang magbigay ng formal address sa akin, ayaw niya. Aniya'y kahit magkaklase kami noon, kailangang may pag-galang dahil boss niya ako ngayon.

Dahan-dahan kong ibinubukas ang pintuan ng aking opisina habang binabasa iyong text niyang iyon.

Every release ng Nikon ay updated ang Ignite dito. They make sure we get first their newest camera models before it goes out the market. Sa tingin ko ay kailangan kong ma i-check iyong mga bagong cameras agad-agad dahil maraming nakalinyang projects ang Ignite ngayon.

A knock from my door got my senses back just when I finished finalizing some of the details of an upcoming wedding event. Yes, it was Laura's wedding.

"Come in!" I said.

Bumukas ang pintuan at ang ulo ni Daze ang sumungaw, my secretary.

"Miss Sid, may delivery po ng Zio's Pizzeria. Naka-address po dito."

Kumunot ang noo ko sa kanya at ibinaba ang hawak kong folder at ballpen. I stood from my swivel chair and reached for a glass of water.

"Kanino raw galing?" Maagap kong tanong pagkatapos ay uminom ng tubig mula sa baso.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon