Damned Hearts 6

409 16 35
                                    

6



Huminto kami sa isang gusaling kulay abo ang kulay. It's located at the center of the city. Nadaanan namin kanina ang Grips kaya alam kong hindi pa kami nakalalayo sa mismong syudad ng Alaminos.

The building has a medium size car park. May mga altered garden sa bawat gilid pero ang karamihan sa mga halaman na naroon ay nalalanta na.

Withered leaves are all over the place. Kumunot ang noo ko.

"Get your things. Huwag kang mag-iiwan ng gamit dito sa sasakyan," utas niya bago bumaba.

Hindi niya ako hinintay sumagot kaya ginawa ko na lang ang sinabi niya. I brought my large sling bag with me. Pati ang dala kong photography portfolios ay kinuha ko na rin.

"Papasok ba tayo dyan?" tanong ko sa kanya.

Tiningala ko ang gusali. Nasa mahigit sa sampung palapag iyon. The protruded roof of the entrance has words engraved on a metal.

"Prestigio Records?" I murmured.

This is a building of a recording label? Pero bakit ganito? Nakapagtatakang walang halos tao na naglalabas-pasok at iisang guard lang ang nakikita ko sa bukana nito. It's not that late, though...

Nami Records suddenly entered my mind.

Ang recording label ng Luminance ay hindi ganito. As far as I know, Nami Records is a busy place. Or maybe because it's located in Manila? In a more urbanized place?

Pagkabaling ko kay Gavin ay naglalakad na siya papunta sa direksyon ng entrance. Dala ang kanyang Rotring t-square bag at isang maliit na body bag na nakasabit sa kanyang leeg.

Wait... Do I really need to go with him? But I need photos! Pero weird... Bakit sa isang gusaling mukhang abandonado? Hay! Hindi naman siya mukhang rapist kaya bahala na!

Tumakbo ako para habulin siya.

Sumalubong ang gwardya na nagbabantay sa harap ng building.

"Ser..." bati niya kay Gavin.

Tumango lamang ang kasama ko sa gwardya. The guard looked at me as if he's surprised that I'm with Gavin. Nginitian ko na lamang at hindi pinansin ang reaksyon niya.

Dumiretso si Gavin sa elevator ng lobby kaya sumunod ako. We waited for the lift to open. Inilibot ko ang paningin sa buong lobby.

It's clean. Pero halos wala nang kagamitan. There are just big jars at the corners. Nakita ko ulit ang mga salitang "Prestigio Records" sa modern wood wall ng lobby. Mukhang maayos pa naman at maliwanag pa ang ilaw.

So is this really abandoned? Non operational? O sadya kayang maaga lamang umaalis ang mga empleyado?

Habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator ay sumulyap ako sa kanya.

"Gavin... Ano bang... gagawin natin dito?" Halos nahiya ako sa pagtatanong.

I pursed my lips. Hindi niya ako sinagot hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator. Pumasok siya kaya sumunod ako.

Pumwesto ako sa gilid niya. I was about to press the close button but he suddenly moved his hand and pressed it. Binawi ko agad ang kamay ko.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon