Damned Hearts 16

332 14 27
                                    

16



"Tagal ni Jalbuena, ah?" Jack said before sipping on his glass of Malibu.

Nagkibit balikat ako ngunit hindi na yata niya iyon nakita dahil sa biglang pang-aasar ni Cleo sa kanya.

"Nakakahalata na talaga ako.You're always looking for our guy friends. Last week, si Eril ang prospect mo. Ngayon, si Gavin. Seriously, Jackal Cerezo?" Cleo laughed.

Agad nagtawanan ang iba naming kaibigan. Nakisali na rin ako dahil mukhang napipikon na rin si Jack. Minsan lang siya mapikon kaya dapat, sulitin!

"Tang ina, Jack. Lalayo na ako sa'yo pre!" ani Dave.

"Iba na, e! Baka hindi namin alam ginagapang mo na kami." segunda ni Mike.

Lalo kaming tumawa. Umiiling-iling si Jack habang nginunguya ang onion rings na kasusubo lang niya. Nang manguya nang tuluyan ay saka siya sumagot.

"Mga ulol. Kung bakla ako hindi ko kayo papatulan. Re-reypin ko na lang si Yago Sebastian ng COE."

"Yuck, Jack!" Nandiri si Cleo.

"Wow, Cleo Patra! Baka gusto mong ikaw ang—"

"Ano ano?" Cleo leaned on the table. Just enough to get close to Jack's face.

Tila nabulunan si Jack sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. Napasipol kaming lahat.

"Ano ka ngayon, Jack?" pang-aasar ko.

Tumayo si Jack sa kinauupuan niya sa hindi malamang dahilan. Parang balisa at kitang-kita ko ang butil ng pawis sa kanyang patilya.

"Lalabas lang ako. Yosi lang," aniya sabay mabilis na tinahak ang exit ng Zoerey's.

Humalakhak kaming lahat. Nagbatuhan ng throw pillows si Beth at Cleo. Mike and Dave are both busy with their glass of Malibu and while browsing photos on their cameras.

Tahimik kong sinusulyapan ang entrance. I wonder what's taking him so long.

Inilabas ko ang aking DSLR. I turned it on and decided to just browse on my photos. Busy naman silang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Gusto ko sanang makipagtawanan din pero iniisip ko si Gavin. Nasaan kaya siya? Nasaan naman kaya sila ni Laura?

It's been almost two hours and God, I'm starting to act like a sick worried girlfriend.

"Magandang gabi po sa inyong lahat."

Nagsipalakpakan ang mga tao sa bati ng bokalista ng bandang magpeperform sa stage. An acoustic guitar played.

"Sa wari ko'y, lumipas na

Ang kadiliman ng araw. Dahan-dahan pang

Gumigising at ngayo'y babawi na."

Zoerey's is like the mini version of the restaurant slash bar managed by Kuya Vince, Maxine by the Sea.

Nga lang ay nasa gitnang bahagi ito ng syudad at nasa tuktok ito ng isang malaking puno. Yes, it's built on top of a big ass old tree along Mabini Road. I have no idea how they did it.

Sa loob ay sasalubong ang medyo solemn na ambiance. Sa unang bahagi ay makikita ang hindi kalakihang lounge para sa restaurant. Sa dulo ay doon madadatnan ang bar.

At narito kami ngayon sa bar kung saan nga namin naisipang magchill.

Napaisip tuloy ako kung naalala ni Gavin na narito kami sa bar side at wala sa restaurant. Lumabas kaya ako para i-check? But Jack is already outside. Imposible namang hindi sabihin ni Jack kay Gavin.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon