7
"Ohh. Look what I'm holding here in my fire! This is for you! So! Since you wanna be with me! You'll have to follow through! With every word you say!"
I was pouring out my heart singing when Cleo, Eril and Jack suddenly came in. Nag-peace sign ako sa kanila bago itinuloy ang pagkanta.
"And I! All I really want is youu! You to stick around!" nagpatuloy ako sa pagkanta.
"Sid! Utang na loob!" reklamo ni Cleo.
I didn't stop from singing. I don't know but I got hit hard by this last song syndrome. Kahapon ko pa iyon napakinggan kay Gavin pero kinagabihan ay nag-search agad ako sa internet. Inalam ko talaga ang lyrics.
And to my surprise? The original artist of the song Gavin sang was a singer named Gavin DeGraw. Naisip ko tuloy kung kaya ba niya kinakanta ang kantang iyon ay dahil sa kapangalan niya ang singer. But that's a lame thought again.
Nagpatuloy ako sa pagawit.
Umiling lang si Eril habang nakangiting nag-aayos ng mga gamit. Lalong tumawa si Jack habang si Cleo ay nakatakip na ang dalawang tainga. Tuloy pa rin sa kanyang mga reklamo.
"Napaka mo talaga, Cua! Sana alam mong sintunado ka, hindi ba?" She is still ranting.
Lalo ko lang nilakasan ang boses ko.
"All I really want is youu! You to stick around! See you everyday!"
"Hayaan mo siyang kumanta, Cleo. Para marinig siya hanggang Dean's Office at ipatawag siya sa Guidance." panunulsol ni Jack.
Napatigil tuloy ako at ibinato kay Jack ang hawak kong hand-out. Inirapan ko silang dalawa nang tinawanan nila ako. Ibinato sa akin pabalik ni Jack ang hand-out.
"Magreview ka na. Long quiz mamaya sa Lit pagkatapos ng Tech Writing." Nagsalita si Eril sa katabi kong armchair.
Ngumuso ako sa kanya. "Kailangan ba talagang i-review ang Literature? Just a bunch of fictional stories and poetry from the past. Nakakatamad. Basta makapasa okay na."
Naghalumbaba ako sa mesa ng sarili kong upuan at tamad na binuklat ang handouts sa Philippine Literature.
I hummed the same song. God, I was singing that song since I got home last night.
Narinig kong tahimik na tumawa si Eril kaya nilingon ko siya. Nagtaas ako ng dalawang kilay.
"What?" tanong ko sa kanya.
Bumaling siya sa akin bago umiling. Isang ngiti ang kasunod no'n. His white teeth showed.
"Two weeks akong nawala. Namiss ko talaga iyang pekeng procrastination mo."
"Anong peke?" Halos matawa rin ako sa sinabi niya.
"Iyan..." He giggled again. "Kunwaring hindi mag-aaral pero isa naman sa magha-highest." He shook his head.
Ngumiwi ako sa kanya. Tumawa siya pero hindi ko na siya ulit pinansin. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa handouts.
Tinatamad akong magbasa dahil may ibang tumatakbo sa isip ko. Maybe it's the song yesterday. Or I don't know. Siguro ay iniisip ko rin kung anong klaseng pang i-stalk ang gagawin ko mamaya kay Gavin. Kakausapin ko na lang siya mamaya para makumpirma kung pwede ko talaga siyang kuhanan ngayon.
BINABASA MO ANG
Damned Hearts #Wattys2016
ChickLitCassiedy Floren was one of the two daughters of the Cua's. She was destined for riches. She was bound to take over the half of Luminance Group. She was expected to be prim because she will one day carry out the legacy of their family. Or maybe not...