10
Hahakbang na ako para lapitan siya ngunit agad kong pinigilan ang mga paa ko.
A tall, model-like girl suddenly popped out beside him. Ipinulupot niya ang kanyang braso kay Gavin. Like a snake tied around Gavin's arm. I could just tell how tightly she was holding it.
Nakaramdam ako ng kakaiba sa loob. I can't fathom it.
"Ay... May kasama pala. Iyan iyong Miss COE last year. So, sila talaga ni Gavin?" bulong ni Cleo sa gilid ko.
Kumunot ang noo ko ngunit hindi ko maalis ang mga mata ko sa higpit ng pagkakahawak ng babaeng iyon kay Gavin. What? Is she some kind of a kid frightened to be lost?
"Hindi ko alam at wala akong paki." That sounded bitter, Sid!
Tumalikod ako at dumiretso sa table ng mga organizers. Hindi ko na nilingon pa kung anong reaksyon ng mga blockmates ko. I even saw some girls staring at Gavin and that girl. Siguro ay nakikiusyoso rin kung ano ba talaga ang real score sa dalawa.
"Nakita mo na? Dami mong pictures sa stage." One of the senior organizers laughed. "Siguro ay apat na kalahok ang nag-entry na ikaw iyong subject," dagdag niya. Umiling pa siya sabay ngisi.
Inilapag ko ang mga gamit sa long table at nilingong muli ang stage. Naroon nga talaga ang mga nakaw na kuha ng mukha ko.
Stolen shots while I was walking through the grounds of SJU. Habang patakbo akong bumababa ng building. And damn, while I was eating jollihotdog like a wild pig. My fat ass was showed there and that's insane. Kung basketball ito ay pipituhan ko ang kumuha no'n.
Napasinghap ako at dinala ang sarili kong mga entries sa taas ng stage. Binigyan ako ng double adhesive tape at gunting ng isa sa mga coordinators.
Humugot ako ng malalim na hininga habang isa-isang idinidikit ang sarili kong mga entries sa naka-assign na wall sa akin.
"Miss Cassiedy..."
Nilingon ko ang nagsalita. Tumaas ang dalawa kong kilay sa tatlong lalaki.
Ang isa ay malapad na nakangiti sa akin. Parang pilit ngunit nakangiti pa rin. Ang dalawa ay halos hindi makatingin ng diretso.
I couldn't be wrong. These are freshmen guys from Arts and Sciences.
"Yes?" I asked them.
Siniko ng isa ang lalaking nasa gitna. Napakunot ako ng noo.
"Kami nga pala iyong mga nag-entry na ikaw iyong subject..."
"Sana huwag kang magalit sa amin, Miss Cassiedy."
"Ang ganda mo kasi at kahit saang angle, photogenic ka..."
Sabay-sabay silang napakamot ng ulo at napahawak sa batok. Nagsikuhan pa sila at hindi na makatingin sa akin ng diretso. Napangiti ako at napailing. Tumango ako sa kanila bilang pag-payag.
"No problem. Your shots are great. Not the one where I was eating like a pig but... over all, they were all good. And I honestly admire your stalking skills, by the way." I laughed.
Tumawa rin sila. Pagtapos ng saglit pang pag-uusap ay nagpaalam na sila sa akin. And I was right, they were freshmen.
Napangiti na lang ako ng wala sa sarili. At least the contest is finally over. Well it's not yet "over" over but at least, wala nang stress bukod sa mga susunod na exams at quizzes para sa semester na ito.
BINABASA MO ANG
Damned Hearts #Wattys2016
ChickLitCassiedy Floren was one of the two daughters of the Cua's. She was destined for riches. She was bound to take over the half of Luminance Group. She was expected to be prim because she will one day carry out the legacy of their family. Or maybe not...