29
Nang araw na iyon ay maghapon kong inisip ang mga napag-usapan namin ni Cleo bago kami tumulak ng Ignite. It's been years and damn, I shouldn't be affected. Why am I thinking too much about it?
I checked my e-mail before heading to the office. Three times kong binasa ang mga detalye ngunit ang tanging naroon ay ang location na gusto ng bride, ang bilang ng prospected guests, ang designs at motif na gusto nilang pag-usapan, at ang pangalan ng nagpa-appointment.
Laura Daenna Estanislao.
Sumasakit ang ulo ko sa tuwing naaalala kong nabasa ko ng kumpleto ang pangalan na iyon pagkatapos ng limang taon. What if they're back? What if this isn't just the ghost of the past?
What if her groom is... No. To hell if he's the groom. Why would his bride wants Ignite to plan for their... God! This is totally insane!
It's already three in the afternoon. Sa sobrang frustration ay hindi ko na natapos lahat ng dapat i-finalize para sa birthday ni Iana. I'm again overthinking. The last time I was into this kind of state was when... Crap. Ayaw ko nang maalala. This shouldn't be.
I tried to bury my attention to the pile of folders once again. Sa wakas ay nakuha ko ang momentum ngunit hindi ko talaga maiwasang mapatigil na lang bigla. Pinilit ko pa ring magtrabaho.
I was determined to finish what's needed to be finalized when the door opened. Sa isang marahas na pagkakabukas. Sa gulat ay nahulog ko ang lahat ng nasa mesa. Maging ang laptop ay muntik pang madulas sa glass table.
"What the..." I muttered.
"Sorry..." It's Cleo. I should know.
Hindi ako nag-angat ng tingin ngunit sa gilid ng mga mata ko ay umupo siya sa couch at nagbasa ng magazines na national.
Mabilisan kong pinulot ang mga nahulog na papel. Inilapag ko iyon sa mesa at muling inayos sa tamang pagkakasunod. I started to look at the pages again.
I wonder if the prepared cake and venue designs will satisfy Ate Vidette? Ano kaya kung ako na lang mismo ang maghanap?
"Cleo, tingin mo? Okay na itong mga cake designs? Baka kasi ipakita rin nila roon sa bata. Baka may mas magaganda pa tayong mahanap. Sa Sweet Bites kaya? Ako na lang kaya ang pumunta?"
"May mga tao tayo para gawin iyan, Sid. Kaya nga may runner tayo sa paghahanap ng designs na kailangan, hindi ba? Tsaka may designs galing sa Sweet Bites. Check mo kaya lahat ng folders..."
Sinuyod ko agad ang laman ng mga folder. Voila! Nahanap ko ang designs na galing sa Sweet Bites. Nangiwi ako dahil mukhang hindi siya pumasa sa mga mata ko.
The hell. Magaganda naman lahat pero ewan ko ba.
"We started really young with our business. Noh, Sid..." It sounded like she wants to talk about it.
"Ah-huh. Eighteen..." I answered without looking at her.
"Exactly. Eighteen... Second semester of our third year in college. Binuo mo ang Ignite ng kara-kara dahil sabi mo noon, gusto mong maging established ng maaga. Gusto mong makabuo ng pangalan kahit pa wala pa tayong degree. Naalala ko noon, nagstart tayo online. Hanggang sa dumami bigla ang clients noong nag-fulltime tayo after graduation. Mula sa maliit na opisina sa Abanao Square, may sarili na tayong gusali rito sa Quezon Hill. At kahit mahirap hagilapin, nahahanap pa rin ng mga kliyente..."
BINABASA MO ANG
Damned Hearts #Wattys2016
Chick-LitCassiedy Floren was one of the two daughters of the Cua's. She was destined for riches. She was bound to take over the half of Luminance Group. She was expected to be prim because she will one day carry out the legacy of their family. Or maybe not...