Damned Hearts 31

403 16 16
                                    

31




Baguio fucking City is too small. That thought kept me awake when the night came.

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung handa ba akong makita siya. Part of me says I am ready. I have Ignite, and I'm a full changed person. From a playful, unserious college girl to a fine lady... I guess I am ready.

Ngunit kaiba sa sinasabi ng parteng iyon, may parteng nagsasabing hindi pa nga ako handa. Am I really equipped to meet him again? Were my principles built strongly enough this time? That, I am not sure.

I am not so sure now after hearing his name.

Pinaghalong kaba, galit, panlulumo, at lungkot ang naramdaman ko nang marinig iyon mula kay Eril. Para bang gusto ko na agad lisanin ang Baguio at huwag na munang bumalik. I don't want to see him while I'm still angry.

Yes, I hate him. I hate Serge Gavin Mendrez Jalbuena.

"I called some of the suppliers. Maganda raw kung kukunin natin iyong mga bulaklak four hours before the wedding..."

Inilapag ni Cleo ang ilang mga papel sa ibabaw ng aking mesa. Tumango ako sa kanya ngunit hindi ko siya nilingon.

"Will you visit the venue later? I can come with you. I'll drop by Session later after we checked the reservation. Pwede rin natin kausapin iyong mga tao roon kung pwede tayong mag-alter ng additional stage..." She added.

Tumango uli ako at nagpatuloy sa binabasa kong requests ng susunod naming kliyente. I'm kind of stressed about this one. Narito sa kanyang request ang iilang imposibleng cake designs. I don't think we can find this one around Baguio City. Not even in Dagupan. Sa tingin ko ay kailangan kong utusan ang mga tao ko na magpunta sa Maynila.

"Sid..." Cleo spoke again.

Sumulyap ako ng isang beses ngunit ibinalik uli sa binabasa ang paningin ko.

"Cley... Have you contacted Tastemade Restaurant? We only have less than two months to prepare for the next wedding. Kailangan ma-confirm na natin iyong mga menu. I already talked to the bride at nag-confirm na siya sa list ng mga pagkain na gusto nila..."

Hinintay ko siyang magsalita ngunit buntong hininga mula sa kanya ang nakuha kong sagot.

Kunot-noo akong nag-angat sa kanya ng tingin. I lifted my eyebrows. Humalumbaba siya sa aking mesa. The ash highlights of her pixie hair glowed because of my office light.

"Narinig mo ba ako, Cleo?" may tigas sa aking tono.

Tinanggal niya ang pagkakahalumbaba at tumayo mula sa cushioned chair. Sinundan ko siya ng tingin habang magka-ekis ang kanyang dalawang braso.

She stood in front of me.

"You need a day-off," she recklessly said.

"What?" Napangiwi ako.

"A day-off, Sid. Pupunta tayo ng salon. Jack's maybe. And then spa after shopping..."

Lalo akong napangiwi sa kanyang gustong mangyari. Is she nuts? We cannot do that. We definitely can't.

"Cleo, we have loads to do... We have a wedding. Gahol na tayo sa oras. We can't just leave everything here..." I said matter of factly.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ngunit hindi siya nagpatinag. She again sat at the cushioned chair in front of me.

"Please, Sid... Weekend na lang if you don't want a day-off. Let's unwind. We're getting too workaholics. Haggard na tayo, o. Lalo ka na..."

Natigilan ako sa sinabi niya at agad siyang tiningnan. My eyebrows hit each other.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon