Damned Hearts 1

1.1K 23 44
                                    

Sweet Lies readers (kung meron man dito), baka hindi ko na ipa-publish ang story ni Vidette at Ecker. Dito sa Damned Hearts, magkaka-anak na sila. Lul. Papahapyaw na lang ako sa ViCker scenes. Deal? Deal. May mga kwento talagang hindi na dapat ilahad sa publiko. Basta sila ang end game at masaya na sila. Tigilan niyo na sila guys. Hehehe. 143.

1


You know what's good about photographs? They remind you that even just for a heartbeat second, everything was perfect.

Kaya gustong-gusto ko ang pagkuha ng mga litrato.

Ng mga masasayang pangyayari, ng mga batang naglalaro, ng mga taong nag-uusap, ng mga magkasintahang naglalakad sa gilid ng dagat, ng mga paru-parong dumadapo sa halaman at talulot ng mga bulaklak, at ng mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.

Anything candid. Anything natural. Anything that looks... happy.

Pero naubos lahat ng gana ko ngayong araw.

Kasi kung dadalawin ka ng katangahan, wala kang magagawa.

"Huy, Sid, ano? Tatayo ka ba dyan o iiwanan na kita?" Sinundot niya ako sa balikat.

Lalo kong isinubsob ang mukha ko sa mesa. Am I really born this stupid to carelessly sit on my camera?

Take note; favorite camera. Favorite polaroid camera. Spell "tanga" again? C... A... S... S... I... E... D... Y...

"Cassiedy! Huy!"

Tamad kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob. I shooed her away using my hands.

"Go. Get lost. I'm mourning. My camera just died. Leave me alone." Sumubsob uli ako.

She laughed at me like I'm the most ridiculous human being ever existed.

Fine. Today, I am. Fucking carelessness.

"Nagluluksa ka para lang sa isang camera? E, sa yaman niyo kayang kaya mong bumili ng apat na ganoon!" She laughed again.

"You know nothing, Cleo. Just leave." Hindi ko siya nilingon.

"Fine. Kapag ako bumalik dito na may dalang jollihotdog, burger steak at jollifries huwag na huwag kang hihingi sa akin ha!"

Agad akong bumalikwas. That's freaking Jollihotdog! Who would say no!?

"Jollibee ka pupunta? O, sige na sige na! Sasama na ako!"

"Ha! Sabi ko na nga, e. Basta jollihotdog, hinding-hindi ka tatanggi."

I just rolled my eyes and followed her out of the room. Fine. Alam na alam niya ang kahinaan ko. Jollihotdog.

Napakababaw ko pagdating sa jollihotdog na iyan. Ewan ko ba. Kaya kong itakwil ang steak galing sa Kangaroo Jack basta jollihotdog ang usapan.

Kita mo? Halos makalimutan kong nagluluksa ako sa polaroid dahil sa jollihotdog. I'm such a horrible person.

Pagdating sa Jollibee sa San Jose Drive ay pumwesto talaga ako sa tapat ng aircon.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon