Damned Hearts 8

369 18 34
                                    

8



True enough, he went back after almost fifteen minutes.

May kung anong isinalta ang mga tauhan ng bahay nila sa compartment ng sasakyan. Naramdaman ko iyon dahil umuga ng bahagya ang kotse. I was too busy fixing my DSLR that I didn't notice it.

Nang pumasok siya sa sasakyan ay agad niyang dinampot ang kanyang golf cap sa dashboard. Isinuot niya iyon.

"Alis na tayo?" tanong ko bago niya buhayin ang makina.

Sumulyap siya sa akin at tumango ng isang beses. Tumango na lang din ako. I don't want to ask further questions. Baka kasi mag-sungit na naman.

Naging mabilis ang byahe namin na napagtanto kong papunta sa People's Park. Kung saan kami pangalawang beses na nagkita.

He parked his car near the lighthouse. Karatig ng lighthouse na iyon ang biking range kung saan makikita ang iilang mga tao na nagbi-bisekleta. It's like the range Burnham Park in Baguio City has. Only that this one's smaller.

Nilingon ko siya nang itaas niya ang handbrake at nagkalas ng seatbelts. His broad chest is really noticeable since he wears fitted shirt today.

Nag-iwas ako roon ng tingin. I bit my lips as I also take off my seatbelts. Bumaba siya kaya bumaba na rin ako. Bitbit ko pa rin ang malaking sling bag kung nasaan ang dalawang camera na dala ko.

Sinundan ko siya ng tingin pagkababa. Doon ko lang nalaman na dalawang mountain bike pala ang nasa nakabukas na trunk. Ibinaba niya iyon pareho.

"Magba-bike ka?" I asked him while he's fixing the bikes.

Sumulyap lang siya sa akin. Why so grumpy!? Ugh!

"Pakikuha iyong helmet at knee pads sa backseat," pakiusap niya.

Tumugon ako agad. I saw one helmet and two knee pads there.

Dalawa ang bike pero isa lang ang set na naroon. Malamang ay mayroon pa nga siyang kasama. I wonder who's with him today. Ayos lang kaya na sumama ako at kuhanan ko siya ng mga litrato ngayon?

Pagkasikop ko ng helmet at knee pads ay nagmadali na akong bumalik sa kinatatayuan niya.

"Ito oh..." I handed him the stuffs.

Nilingon niya ako.

"Isuot mo na iyan." Walang ka-rea-reaksyon niyang banggit.

Umawang ang bibig ko sa kanya, pero bago pa ako magsalita ay tumalikod na siya sa akin.

Magba-bike ako? I don't even know how to!

I'm bad at driving. Really. Mom suggested if she can get me a car when I turned eighteen months ago. Tumanggi ako dahil mahina ang loob ko sa pagmamaneho.

And even bikes don't favor on me. I tried once when I was still a kid. Pero hindi talaga. Hindi ko kaya.

Tinitigan ko ang knee pads na nasa palad ko saka ko siya nilingon. May kung ano siyang inaayos sa kanyang bike.

Sumulyap ako sa isa pang bike na nasa harapan ko at agad napabuntong hininga. Now how will I tell him?

"Uhm... Gavin..." I called him. Napakagat ako sa labi.

Nilingon niya ako. His eyebrows shot up.

"Ikaw na lang ang mag-bike. Kukuhanan na lang kita ng mga litrato. Susundan na lang kita. I'll just follow you 'round while you ride." I added. I pursed my lips.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon