15
Tandang-tanda ko pa noong unang beses kaming nagkita sa Grips. Tandang-tanda ko kung paano ako kinain ng kahihiyan noon dahil kinuhanan ko siya ng nakaw na litrato. At kung paano rin ako nainis sa sobrang kasungitan niya.
I admit, alright? I was attracted that day. But not in a romantic sense. It's like how a photographer is attracted to his subject. Ganoon.
Hindi ko naisip na pwede ko siyang magustuhan. I even despised how he laughed at me at the People's Park. And when unexpectedly, he got our block for Tech Writing class, I got pissed how he pushed me away everytime I tried to approach him.
And until the day he confessed his feelings, until this very moment... I'm still skeptic. Still skeptic how everything went so fast.
Sa isang iglap, nabago lahat ng senaryo sa pagitan namin. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.
Gusto ko siya. Totoo iyon. Hindi ko itatanggi. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito kaya gusto kong maging tapat sa sarili ko.
I'm not really sure about this before. Halu-halo ang emosyon na naranasan ko simula nang magkakilala kami.
Isa lang ang sigurado, sa kanya ko lang naranasan iyon.
Ang mainis at manabik, ang humilab ang tiyan sa sobrang saya, ang sumakit ang dibdib sa lungkot. Lahat iyon ay sa iisang bagsakan.
Pero hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko.
Let me just enjoy it until it's here. Until he's here. Bata pa kami at may mga mas prayoridad sa buhay. At alam kong naiintindihan niya kung bakit hanggang dito na muna ang namamagitan sa amin.
"Eril, hindi ka sasama? Dadaan muna kami sa Grips. Tapos didiretso kami sa Zoerey's. Ano, pre? Sama ka na," aya sa kanya ni Mike.
Nagtinginan kami ni Cleo at nagpalitan ng tipid na ngiti. Ibinalik ko ang tingin kay Eril.
"May gagawin pa ako sa bahay. Kayo na lang muna..." sagot niya.
Bumalik siya sa pag-aayos ng mga gamit sa kanyang armchair. Naramdaman kong bahagya akong siniko ni Cleo kaya napalingon ako sa kanya.
Kinunutan ko lang siya ng noo.
"Grabe, pre. Ilang linggo mo na kaming tinatanggihan. Ipagpaliban mo muna iyan. Sama ka na kahit ngayon lang," segunda sa kanya ni Dave.
Napalingon muli ako kay Eril. Napunta sa akin ang mga mata niya.
"Hindi na." Sa akin siya umiling. "Babawi ako sa susunod..."
He gave me us a weak smile before leaving the room.
Buntong hininga ang nagawa nina Jack, Mike, at Dave. Si Beth at Cleo ay nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tumaas ang dalawa kong kilay.
"Siguro kaya ayaw niyang sumama kasi alam niyang kasama natin si Gavin." Cleo said.
Nagkibit balikat siya at bumalik din sa pagaayos ng mga handouts niya.
Napakagat ako sa labi.
BINABASA MO ANG
Damned Hearts #Wattys2016
ChickLitCassiedy Floren was one of the two daughters of the Cua's. She was destined for riches. She was bound to take over the half of Luminance Group. She was expected to be prim because she will one day carry out the legacy of their family. Or maybe not...