Damned Hearts 25

327 15 18
                                    

25



"Ganda yata ng gising natin ah?" Jack suddenly appeared beside me.

Ngumisi ako sa kanya at umiling. Ibinalik ko ang tingin sa malayang dagat. Kalmado pa at dadampian pa lamang ng sikat ng araw.

It's only six in the morning. Maaga kaming nagising ni Cleo at Beth. Now they're preparing for our breakfast.

"Si Gav?" I asked Jack offhand.

Sumimsim ako sa aking kape. Jack puffed from his cigarette. Bahagya siyang dumistansya sa akin dahil siguro sa usok ng kanyang sigarilyo.

"Tulog pa si loko. Masayang masaya siya kagabi ah?" He laughed. "Parang hindi yata sa alak nalasing iyong gagong iyon..." He puffed again.

Nakaramdam ako ng pinaghalong init at lamig. Parang bumuhos iyon sa loob ko. The scene at the seaside last night suddenly flashed.

We kissed. Again.

Gusto kong ulit-ulitin ang mga pangyayari kagabi. I was certain. I know and I'm sure because I felt it, too.

I love him. I knew I love him from the moment I started to run away from this. Now I can't move any more further.

Natatawa ako sa tuwing naiisip ko kung gaano ka-imposible para sa akin ang magmahal noon.

I'm eighteen. I know I shouldn't take this one on its serious note. True love isn't for teenagers. Iyon ang madalas kong marinig mula sa mga nakakatanda.

But love picks people and it isn't according to plan. Right? Everything is unplanned when it comes to love. And just as the same manner, you don't just pick someone, try your luck, and wish for it to work out.

It is always fate, I guess. Iyon ang dahilan para sa lahat ng bagay. Hindi mo pwedeng itakda ang oras mo. Hindi mo pwedeng piliin kung kanino mo iyon mararamdaman.

When you meet them, you just kind of click and the chemistry share lingers.

You kind-of stare too long into their eyes, follow the moves of their lips, and the next thing you know? You're either lucky or screwed up.

Hindi ko alam kung hanggang saan ako kayang dalhin ng nararamdaman ko ngayon.

Everytime my conscious self slaps me with the fact that this is wrong, that what we are doing will hurt people, I want to just feel numb.

Gusto ko na lang mamanhid dahil ganoon ko kagustong ituloy ito. Ganoon ko kagusto si Gavin. I want him so bad I want to just throw away the logical part of my head.

"Stop."

Nagsalita siya sa kalagitnaan ng tahimik na paligid. Gusto kong mag-angat sa kanya ng tingin ngunit humigpit lalo ang kanyang yakap.

"What is it?" tanong ko habang nakahiga pa rin sa kanyang dibdib.

"Whatever it is that you're thinking. Stop it..."

Hinaplos niya ang aking braso at marahang pinisil iyon. Bahagyang gumalaw ang duyan kasabay ng pag-ihip ng hangin mula sa dagat.

"Just until we are here, Sid... Ako lang. Tayo lang ang isipin mo..." His husky, sleepy voice resounded in my head.

Napapikit ako ngunit nagmulat din ng mga mata. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Tama siya. Hindi ko muna aabalahin ang isip ko sa mga bagay na makakapagpabigat ng loob ko.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon