Damned Hearts 21

309 17 29
                                    

21



"Jack! Ang ingay mo!" suway ni Cleo sa kanya.

Hindi ko na hinintay pang lingunin ng nasa stage ang direksyon namin. Awtomatikong tumayo ang dalawa kong binti at tumakbo palayo ng venue.

Aligaga ako habang sinusuyod ang grounds na punung-puno na ng tao. Hindi ko na ininda ang siksikan doon. Ang mahalaga ay mabilis akong makaalis.

Damn these chances. Napakalait ng mundo! Ang hirap umiwas!

"Teka, Sid!" Someone shouted.

"Cua! Uy bumalik ka!" I heard another voice. It's Jack's.

Hindi ko iyon nilingon dahil kapag ginawa ko iyon, siguradong mababalingan ko ang stage kung saan naroon si Gavin. Hell, I don't want to see his face. Not today, not ever. Hirap na hirap akong lumimot.

At alam ko sa sarili kong kapag nagtagal ang paningin ko sa kanya, mawawalan ng silbi lahat ng subok ko. Mawawalan din ng silbi lahat ng oras na binuno ko sa pagiging abala sa kung anu-anong bagay. Ganoon kalaki ang epekto niya sa akin at hindi ko iyon itatanggi.

"Sid! Hintay sabi!"

Natauhan lang ako nang makilala ko ang boses ng tumatawag sa akin.

Eksaktong nasa labasan na kami ng SJU hallway papunta ng exit kaya't nilingon ko siya. I wasn't surprised when I saw who's running towards me.

"Eril..." pagod kong banggit.

Wala sa sarili kong pinalis ang luha sa pisngi ko. Hindi ko alam at hindi ako sigurado kung bakit pero kanina pa pala akong lumuluha. Ang korni ng sistema ko pagdating kay Gavin. Minsan ay napapangiwi ako dahil sa mga luhang ito.

"Umiiyak ka?" salubong niya sa akin.

"Hindi..." Umiling ako agad. "Bakit ka sumunod?"

I sniffed. I talked like nothing is going on inside me. Ganoon talaga dapat. Hindi ko pwedeng ipakita na mahina ako dahil napakaliit na bagay nito.

His eyebrows puckered. Naglakbay ang dalawa niyang palad sa bulsa ng kanyang maong na pantalon.

"Bakit ka umalis?"

Sumulyap siya sa daan papunta mismo sa fountain kung saan nakatayo ang stage. He looked at me again with his eyebrows shot up.

Kumabog ang dibdib ko.

Mali. Mahina nga pala ako. Kahit ayaw kong ipakita na mahina ako pagdating sa mga bagay na ganito ay hindi ko pwedeng itanggi. Mahina ako.

"W-Wala..." Nag-iwas ako ng tingin. I bit my lower lip. "M-May... May babalikan kasi ako sa room natin." Nag-ngising aso na lang ako saka ko siya nilingon.

Umiling siya sa akin at batid ko ang pag-angat ng dulo ng labi niya.

"Babalik ka sa room pero dito ka dumaan sa hallway papuntang exit? Babalik ka ba ng room o may iniiwasan ka lang?" He shook his head again.

Napanguso ako. I pursed my lips before letting an air out.

Wala akong kawala. Alam niya ang lahat ng nangyayari ngayon. I've already mentioned this to them. Kahit hindi nagko-comment si Eril noong mga panahong nagku-kwento ako tungkol dito ay alam kong pinakinggan niya lahat ng sinabi ko.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Matic na iyon. Alam na niya ang rason at hindi ko na kailangang sagutin.

Nagkasundo kaming umalis ng SJU at magpunta sa isang coffee shop sa tapat mismo ng university. Hindi na ako tumanggi nang sabihin niyang ililibre niya ako ng meryenda. Naisipi kong kaysa magmukmok ako sa bahay ay dito ko na lang hihintayin sina Cleo at iba naming kaibigan.

Damned Hearts #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon