Almost 6:30 ng gabi na ako nakabalik ng apartment. Lahat ng pinamili ko ay nilagay ko sa dinning table para maiayos ko na, lahat ng frozen foods ay nilagay ko na sa ref at ung mga noodles at delata ay nilagay sa isang container sa taas ng ref. Hindi na ako namili ng snacks kasi di naman ako masyadong mahilig saka may malapit lang na convientent store dito sa apartment.
After ko maayos ang mga pinamili ko ay naupo ako sa kama, kinuha ko ang laptop ko at slr ko saka nilipat lahat ng nakuha kong picktures kanina, gagawaan ko na din to ng presentation para bukas. Sipag ko noh? Haha, syempre para sa ikakabuhay ko at sa ekonomiya :D Nang matapos ako sa presentation eh naglog in ako sa skype chineck ko kung online ang mga atengs ko pero hindi pa sila online, mukhang nasa trabaho pa sila. Kaya pinatay ko na muna ang laptop ko at nahiga saka ko kinuha si Tabby at niyakap, iidlip muna ako napagod ako sa paglalakad eh.
Nagising ako sa tunog ng phone ko kaya naman agad kong hinanap ang phone ko sa side table pero wala, kinuha ko ang bag ko at kinuha ko ang phone ko. Namiss ko ung tawag chineck ko kung sino si Grace pala, bakit kaya natawag to? Maya maya pa nagring ulit ang phone ko.
Grace calling.....
"Hello Grace?"
(Althea kanina pa ako tumatawag sayo bakit ngayon mo lang sinagot?)
"Sorry Grace kagigising ko lang eh."
(Ahh.)
"Bakit pala napatawag ka?"
(Yayain ka sana naming kumain sa labas at magbar hihi.)
"Ahh sige go ako. Saan tayo magkikita?"
(Actually girl andito na kami sa pinto ng apartment mo kanina pa.)
"oh my gosh! Wait lang."
Agad ko ng binaba ang tawag at dali dali na akong nagpunta sa pinto, at pag bukas ko andun na nga sina Grace.
"Guys sorry ahh. Pasok kayo. Gaano na kayo katagal naghihintay?"tanong ko sa kanila pagkapasok nila sa living room.
"Mga 15 minutes na girl."sagot ni Grace.
"Hala sorry talaga. Aalis na ba tayo? Anong oras na ba?"pagsosorry ko sa kanila.
"Okay lang girl sanay na kaming maghintay."sagot ni Carmen.
"Hugot lang Carmen? Haha"natatawang sabi ni Sheila at natawa naman kami lahat.
"7:30 na girl."sagot ni Grace sa akin.
"Medyo matagal din pala ako nakatulog. Wait? Yan na mga suot niyo?"tanong ko sa kanila, bonga kasi OOTD talaga, sexy pa. Hehe.
"Oo girl kaya bihis ka na ung sexy din ahh."nakangiting saad ni Sheila at nagpaalam muna ako sa kanila na mgbibihis lang ako, tinanong ko sila kung gusto nila maiinom pero wag na daw.
Kaya naman agad akong nag punta sa kwarto ko at naghanap ako ng maiisuot ko. Mukhang dito ko pa maiilabas ang nararamdaman ko ah, at first time ko magbar this is so exciting hihi. Nang matapos akong magbihis ay nagapply ako ng light make up at sinuot ko ung heels ko, at ng okay na ako ay lumabas na din ako dala ang handy bag ko. Habang papunta ako sa living ay chinecheck ko ang bag ko kung andito na ang phone at kung wala na ako naiwan na importante.
"Wow girl kinabog mo kami ah, ang sexy sexy mo labas na labas ang figure ng katawan mo."puri ni Sheila sa akin.
"Hehe. Thanks, okay lang ba tong suot ko?"medyo nahihiya kong tanong. Baka kasi over ung nasuot ko eh.
"Oo naman girl sexy mo nga eh. Pero kinabog talaga kami lalo na si Carmen haha. Pag nagbabar kasi kami lagi labas kaluluwa haha. Single kasi eh."saad ni Grace.
BINABASA MO ANG
Captured
RomanceHi guys!! ^_^ I'm back hihihi. So this is another love story of mine, tungkol to sa isang girl na nagmahal ng sobra at totoo pero sinaktan, binalewala at niloko lang siya ng taong mahal niya. Ngayon na break na sila, dahil alam niyang masasaktan lan...