Chapter 10 - At the Bar

13 0 2
                                    

Althea's P.O.V

Bago ako lumabas ng hotel ay nagsearch muna ako ng Bar na sikat dito sa New York.

Pagbaba ko ng hotel ay agad akong sumakay ng taxi papuntang Bar. Kailangan makalimutan ko ang gagong un, bahala na kung makabalik pa ulit ako ng hotel.

@ The Bar

Jake's P.O.V

Kanina pa ako dito sa bar, actually andito lang ako sa counter umiinom pampalipas oras dahil bored na ako sa hotel. Ilang araw na din kasi ako dito sa New York dahil sa trabaho. Kanina pa din ako nilalapitan ng mga babae dito niyaya nila akong sumasayaw pero wala ako sa mood.

Maya maya may biglang upo sa right ko pero hndi sa mismong tabi ko may isang upuan ang pumapagitan sa amin.

"One Margarita please."order niya sa bartender.

Mukhang bad mood siya at mukhang sanay na sanay siyang uminom dahil hard ang inoorder niya. Ano kaya problema niya? Palihim ko siyang pinagmasdan ng binottoms up niya ang margarita na inoorder niya. At umoorder ulit siya ng isa pa. Grabe siya ang lakas niya umiinom.

Maya maya kinuha niya phone niya sa bag niya saka nilagay sa tenga niya.

"Hello...oh Grace...sa Bar syempre haha....may kwento pala ako sayo....si Gago tumawag sa akin kanina nangangamusta.."sabi niya sa kabilang linya. Hayss chismoso ko naman.

Pero Pinay pala siya hindi masyadong halata sa kanya ah. She's wearing a white long sleeve pero butas sa may balikat, shorts and a pair of heels, maganda siya, mahaba ang buhok, matangos ilong, maganda ang mga mata at ung labi...shit! Ano ba tong iniisip ko ang gago mo Jake.

By the way I'm Jake Montenegro 26 years old, Pilipino. Matangkad, isang photographer, mabait, sweet at caring at syempre Gwapo hahaha hangin ko ba? Sorry but that's the true. Nagulat ako ng may bumagsak na baso sa counter napatingin naman ako kay pinay girl, tequila naman ang iniinom niya. Grabe siya.

Maya maya pa naparami na siya ng inom may nagyaya na din sa kanya na sumayaw at sumama naman siya sa dance floor. Tiningnan ko siya sa dance, hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, at hindi din ako makaalis ng Bar dahil sa kanya kasi sa dami na ng nainom niya I don't think makakauwi pa siya ng maayos. Gentleman kaya to at may pagkaconcern citizen hehe. Maya maya pa bumalik na siya sa upuan niya at umoorder ulit siya ng tatlong shots ng tequila, ng maubos niya ay nagbayad na siya ako din ay nagbayad na at sinundan ko siya pag labas ng Bar. Nakita ko siya sa isang tabi na sumusuka.

"Miss are you okay?"tanong ko sa kanya saka

"Fuck! Nahihilo na ako."saad niya bigla naman siya naurong kaya hinawakan ko siya sa braso niya pero agad niyang inalis un.

"Pwde ba! Kayo, kayong mga lalaki parepareho lang kayo."sabi niya sa akin sabay turo. Lasing na siya.

"Come on Miss, where do you live or where's your hotel para mahatid na kita."tanong ko sa kanya habang inaalalayan ko siya.

"Doooooon sa malayoooo."sagot niya habang tumuturo sa malayo at bigla siyang nawalan ng malay.

Shit! May mabigat din siya ah. I have no choice kundi dalhin siya sa hotel ko alangan naman pabayaan ko na lang to dito baka marape pa to dito. Kaya inakay ko na siya para pumara ng taxi.

Nang may tumigil na taxi sa harap namin ay dahan dahan ko siyang inuupo sa loob.

"Hotel Edison please."saad ko sa taxi driver at tumango naman siya.

Pagdating namin sa hotel ay binuhat ko siya na parang bagong kasal hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Etong babaeng to ang ganda ganda nagpapakalasing tapos di naman pala kaya umuwi. Pagdating ko sa kwarto ko ay agad ko siyang inihiga sa kama ko, nagpunta ako sa mini dining ng kwarto ko para uminom dahil nauhaw ako sa pagbuhat sa kanya. Pagbalik ko sa kwarto ko nagulat ako ng wala siya sa kama, bigla ako nagpanic saan nagpunta un. Narinig ko ng may nagflush sa CR kaya agad akong nagpunta at dun ko siya nakita nakaupo sa isang sulok hawak ang mga hita niya at umiiyak, bigla naman ako naawa sa kanya. Ano ba kasing nangyari sa kanya.

"Hey, why are crying?"tanong ko sa kanya ng hawakan ko ang baba niya para makita ko ang mukha niya.

"Why? *sobs* Why do you have *sobs* *sniff* to make me feel that way? I did everything to our relationship, pero ba-bakit parang kulang pa sayo? *sobs*"umiiyak niyang tanong sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit siya ganito, dahil sa isang gagong lalaki.

"Ssshh tahan na, everything will be alright. Kaya mo yan."saad ko habang yakap yakap ko siya. Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa nakatulog siya na nakayakap sa akin, kaya binuhat ko siya at binalik ko na siya sa kama.

Tumawag ako ng housekeeping na babae para papalitan ko siya ng damit, biglang respeto na din sa kanya.

Nang makalabas ung housekeeping ay naupo ako sa kama pinagmasdan ko lang siya, hinawi ko ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya. Hanggang sa pagtulog ay umiiyak siya kaya naman pinahid ko ang luha nasa pisngi niya.

Napakalaking gago ng lalaking nanakit sa kanya. If I were that guy hindi ko na siya papakawalan pa.


------------------------------------------------------------

Inom pa more Girl haha.

Sino kaya itong si Jake sa buhay ni Althea? Abangan!

Enjoy reading!

Vote and Comment, Thank you!


-MyLovasIsU :*

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon