Chapter 11 - A day with the Stranger

10 0 2
                                    

Althea's P.O.V

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko, pag mulat ko umaga na pala dahan dahan akong bumangon at nasapo ko ulo ko.

"Fuck! Ang sakit ng ulo ko."bulong ko sa sarili ko ng mapatingin ako sa damit ko.

Bigla akong nataranta ng makita kong iba ang suot kong damit. Nakaputing tshirt na lang ako ngayon, ano bang nangyari kagabi?! Napatigil ako sa pagiisip ng biglang lumabas ang isang lalaki sa CR at dun ko narealize na wala ako sa hotel ko!

"Hi you're awake already, you should drink your coffee para mawala ang hangover mo."saad niya sabay turo sa coffee na nasa side table. Nagtagalog siya so means pilipino siya.

"Anong ginawa mo sa akin?! Bakit iba na suot ko?! At saka nasaan ako?!"histerical kong tanong sa kanya habang ung kumot hawak ko na nakatabing sa katawan ko. Inisip ko ang mga nangyari kagabe, nagpunta ako ng Bar umorder ako ng margarita tapos tequila tapos nakipagsayaw ako tapos ung last 3 shots ng tequila tapos hindi ko na alm ang sunod na nangyari. Oh no nawala naman. Napayuko na lang ako sa naisip ko at napaiyak.

"Hey what's wrong?! May masakit ba sayo?"tarantang tanong niya sabay hawak sa braso ko.

"Wag mo akong hawakan! Ginalaw mo ako kagabi noh!"sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"Wait lang ah, walang nangyari sa atin kagabi at hindi ako ang nagpalit ng damit mo noh. Nagpatulong ako sa housekeeping na palitan ka ng damit."paliwanag niya kaya naman napatigil ako sa pagiyak.

"totoo?"paninigurado ko sa kanya at saka siya tumango. Nakikita ko sa mata niya na seyoso siya.

"So stop crying na, cge ka papanget ka."biro niya habang pinapahid ang luha ko sa pisngi ko, napasimangot naman ako at natawa naman siya.

"Inumin mo na yang coffee mo para makapagbreakfast na tayo, may kukunin lang ako."saad niya saka ng isa pang kwarto. Agad kong kinuha ang coffee saka ininom.

Habang iniinom ko ang coffee ko hinanap ko ang handy bag ko at nakita ko sa kabilang side table kaya agad kong kinuha at chineck kung may mga message ako at meron ngang isa, si Grace tinatanong niya kung nakabalik daw ako ng hotel. Mamaya ko na lang siya rereplyan. Nang maubos ko ung coffee ko bumalik na ung lalaki, ewan ko kung anong pangalan nito, may dala siyang paper bag.

"Eto oh binili kita ng damit, ang baho na kasi ung suot mo kagabi eh."saad niya sabay abot ng paper bag sa akin.

"Salamat, ahh ano pala pangalan mo?"tanong ko sa kanya.

"Jake. Jake Montenegro, ikaw?"sagot niya.

"Althea Rodriguez."saad ko.

"Cge Althea magpalit ka na, dun ung CR."sabi niya at tumango naman ako.

Pagpasok ko sa CR ay nagshower ako saglit pero katawan lang mamaya na ako maliligo ng ayos pagbalik ko sa hotel. May nakaready ng towel dun at toothbrush kaya naman un na ang ginamit ko. Kinuha ko ung paper bag na binigay niya pagkuha ko ng laman ay isa itong dress, royal blue na dress.

Nang masuot ko ung dress ay inayos ko ang buhok ko, saka ako lumabas ng CR para kunin ang handy bag ko, nagapply ako ng light make up at ng okay na ako lumabas na ako ng CR nakita ko si Jake na nakaharap sa view sa labas ng hotel.

"Ahh Jake ung heels ko?"tanong ko sa kanya.

"andyan sa may sofa."nakangiti niyang sagot at tumango naman ako.

Umupo ako sa sofa saka ko isinuot ung heels ko. Ng tapos na ako ay tumayo na ako at kinuha ko ung paper bag na may laman ng damit ko kagabi. Napatigil ako sa may kama, naisip ko hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa salamin.

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon