Kiya's P.O.V.
Andito kami ngayon sa bahay nina Tita Isabel at Tito Matt, silver wedding anniversary kasi nila ngayon. Madami silang bisita, lahat ng mga patners nila sa company nila ay imbitado, at isa na kami dun.
Kasama ko ang boyfriend ko ngayon, tapos na kami kumain. Napadaan dito sa table namin sina Tita Isabel at Tito Matt kinamusta nila kami, at natanong ko naman sila Ella at Jake, si Ella daw nasa kwarto niya at si Jake naman daw ay wala pa sinusunod daw ang girlfriend niya. Ano nga ba itchura ung girlfriend niya mukhang hindi naman bagay un sa mga ganitong klase ng party. Mean.
Nagpasama ako sa boyfriend ko na pumasok sa loob ng bahay nila Tita Isabel para magCr. Saglit lang ako nagCr dahil nagretouch lang naman ako, pabalik na kami sa garden ng makasalubong namin si
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Jake kasama ang isang babaeng naka black na tube dress na lalong lumitaw ang pagiging maputi nito."Althea."bulong ni Troy na agad naman akong napatingin sa kanya. Nagulat ako sa sinabi niya, si Althea talaga ba to? Argh! But wait paano niya nakilala si Althea?
Jake's P.O.V.
Nagyaya si Aly na puntahan namin si Ella sa kwarto niya, hindi pa daw kasi ito nababa simula pa kanina baka mapipilit niya daw. Habang papaunta kami sa loob ng bahay nila ay nakasalubong namin sina Kiya at Troy?! Ano ibig sabihin nito?
"Hi Jake."bati ni Kiya
"Hi Althea."bati niya kay Aly pero iba ung ngiti niya.
Tumingin ako kay Althea magsasalita na sana siya pero inunahan ko na siya.
"Hello sa inyo Kiya at Troy."saad ko na ikinabigla ni Kiya.
"H-how did you know?"takang tanong ni Kiya.
"Because he's my ex-boyfriend."sagot ni Althea na lalong ikinagulat ni Kiya si Troy naman ay parang naiilang.
"Eh siya? Ano mo siya Kiya?"tanong ko.
"He's my boyfriend."sagot naman niya.
"So siya pala ang ipinalit mo noon kay Jake."
"At siya pala ang dahilan kung bakit ka nanlamig sa akin dati? Well that's all in the past now. Excuse us pupuntahan pa namin si Ella. Let's go baby."saad ni Aly.
Natawa ako sa pagtataray ni Aly kay Kiya, ngayon ko lang siya nakitang magtaray at ang cute niya. Nilingon ko sina Kiya at nakita ko na parang galit na galit siya.
Althea's P.O.V
"Hahaha talaga kuya? Sana andun ako para nakita ko ang mukha niya."natatawang saad ni Ella.
"Jake okay ka lang?"tanong ko kay Jake medyo tulala kasi siya after niya magkwento kay Ella. Andito na nga pala kami sa kwarto ni Ella.
"Yeah. Nakakagulat lang na ung mga taong nangiwan sa atin ay sila ang magkasama ngayon."saad ni Jake
"Oo nga eh. But you know what is the best thing to do?"saad ko.
"What?"tanong niya.
"Ipakita sa kanila kung ano ung sinayang nila."nakangiti kong sagot sa kanya at nginitian niya din ako.
"Ay grabe ang langgam oh! Tara na nga sa baba ate kuya, haha."natatawang saad ni Ella at inakbayan naman siya ni Jake.
Sabay sabay na kami bumalik sa garden at sinamahan namin kumain si Ella. Nakita namin sila Kiya sa kabilang table at iritable itong nakatingin sa amin. What's wrong with her? Hay naku hindi ikakaganda ng gabi ko kung itutuon ko sa kanya ang atensyon ko.
Nang lumalim ang gabi ay nagpaalam na ako kina Tito at Tita dahil baka wala ng magbukas sa akin sa apartment, hindi nman ako pwde matulog sa condo ni Jake dahil wala akong damit doon pinalaundry daw niya.
Kaya nagpahatid na ako sa apartment.
"Thanks for the night Jake."nakangiti kong sabi.
"Nagenjoy ka ba?"tanong niya.
"Oo naman noh. Oh sya cge na papasok na ako, magiingat ka sa pagdridrive ah."sagot ko.
"Opo. Goodnight Ally."malambing niya sabi.
"Goodnight Jakey. Text me pagdating mo."sagot ko sa kanya at humalik na siya sa akin, smack lang naman.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagpahinga lang ako sandali at nagshower na ako. After ko magshower ay nagsuot na ako ng PJs ko at facebook habang pinatutuyo ko ang buhok.
Nang biglang may nagtext.
From: 0999*******
Sana pagbigyan mo ulit ako, pangako magbabago na ako. Please mhe.
Mukhang alam ko na kung kanino galing tong text na to ah.
To: 0999*******
Dba sabe ko sayo tama masaya na ako ngayon.
Pagkasend ko ng text ay balik ako sa pagfafacebook, chineck ko profile ni Grace at nakita ko may bagong upload na naman siya na nasa bar sila.
*toot*
From: 0999*******
Alam ko magbabago pa ang isip mo. Papatunayan ko sayo na magbabago na ako.
To: 0999******
Pwde ba Troy!! Tigilan mo na ako, isipin mo na lang ang mararamdaman ni Kiya.
Dahil nabadtrip ako kay Troy ay inaayos ko na ang kama ko para matulog, paghiga ko ay nakatanggap ulit ako ng text galing naman kay Jake nasa condo na daw siya, dumaan muna daw siya sa bahay nila bago nagderecho sa condo. Nag-goodnight ulit siya saka ako natulog.
---------
Talagang makulit tong si Troy ah?
Spoiler hehe.
May malalaman si Althea from the past.
Abangan.
Enjoy reading!
-MyLovasIsU :*
BINABASA MO ANG
Captured
RomanceHi guys!! ^_^ I'm back hihihi. So this is another love story of mine, tungkol to sa isang girl na nagmahal ng sobra at totoo pero sinaktan, binalewala at niloko lang siya ng taong mahal niya. Ngayon na break na sila, dahil alam niyang masasaktan lan...