Troy's P.O.V.
*Flashback*
"Shit!"usal ng babaeng na nabunggo ko kita kong nalaglag ang niya at lumabas ang laman nito kaya agad niya tong pinulot at tinulungan ko naman siya.
"Sorry miss."saad ko.
"Hindi okay lang ako dapat ako dapat ang mags-"hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi nagulat siya ng tumingin siya sa akin pati ako ay nagulat din.
"Althea? Anong ginagawa mo dito?"tanong ko ng inaabot ko sa kanya ang gamit niya at agad naman siyang tumayo.
"Andito kami ng barkada ko, ikaw?"tanong niya din habang nilalagay sa bag niya ung mga gamit iniaabot ko.
"Andito din kami ng mga boys."saad ko at napatitig na titig ako sa kanya, malaki kasi ang pinagbago niya lalo siyang gumanda kumpara dati, hindi ko naman sinasabi na panget siya dati pero mas gumanda siya ngayon.
"Hmm, may dumi ba ako? At titig na titig ka sa akin?"tanong niya at pasimple ko naman iniling ang ulo, ano ka ba Troy.
"Ah wala naman. Ahh Althea?"tawag ko sa kanya.
"Oh?"sagot niya habang inaayos niya ung bag niya.
"Pwede ba tayo magusap?"tanong ko at napatigil naman siya sa pagkalikot sa bag niya. Simula kasi ung magkita kami sa mall hindi na siya naalis sa isip ko, simula ung nakipagbreak siya sa akin di ko siya kinontak, alam ko nasaktan ko siya sa mga pinaggagawa ko sa kanya dati sa pangbabalewala ko.
"Naguusap na tayo Troy."pangbabara niya sa akin.
"Althea ung maayos."saad ko.
"Maayos naman to ah? Ano bang gusto mong pagusapan natin?"tanong niya.
"Tayo."sagot ko. Hindi ko maexplain ung reaction niya, ang hirap niya na basahin ngayon.
"Walang "tayo" Troy. Matagal ng wala."nakangisi niyang saad at naglakad na siya pabalik sa table nila pero pinigilan ko siya.
"Althea please!"saad ko habang hawak niya ang braso ko.
"Ano ba Troy?! Ano pa bang gusto mo?!"galit niyang tanong sa akin at tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya.
"Tayo. Gusto kong bumalik tayo sa dati."mahinanong kong sabi. Kita ko sa mata niya ang galit niya. Gusto kong maging kami ulit para maitama ang mga mali kong nagawa sa kanya dati.
"Haha nagpapatawa ka ba Troy?! Gusto mong bumalik tayo sa dati?? Sa lahat ng pangbabalewala mo sa akin? Gusto mong bumalik tayo sa dati?!"galit niyang sigaw sa akin at napapansin niya na pinagtitingan na kami ng mga tao.
"I'm sorry Althea. Patawarin mo ako, oo napakagago ko noon pero babawi ako sa ngayon. Please give me another chance."pagmamakaawa ko sa kanya.
"Another chance talaga ha? Napakadaming chance ang binigay ko sayo noon Troy! Ang dami kong pagtitiis noon para intindihin ka pero ano ginawa mo? Ha? Lalo mo ako binaliwala, wala kang pakialam sa akin."sigaw niya sa akin at lalo kami pinagtitinginan ng mga tao. Parang nagbago din ang ugali niya pero alam ko sa loob pa din niya ang Blaze na nakilala ko.
"Sorry Althea sor-"pinutol niya na ang sasabihin ko sa kanya.
"Ayokong marinig ang sorry mo! Sawa na ako sa sorry mo! Ano bang magagawa ng sorry mo?! Nasaktan na ako, ano pa magagawa ng sorry mo?!"galit na galit na siya sa akin, ngayon ko lang siya nakitang ganito at pinalibutan na kami ng mga tao.
Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Totoo un sa mga ginawa ko sa kanya hindi sapat ang sorry lang. Pero gagawin ko ang lahat bumalik lang ulit siya sa akin.
"Alam mo tama na tong drama na to, nakakahiya na pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito."saad niya at tinalikuran na niya ako pero hindi pa siya nakakahakbang ng bigla ko siyang yakapin mula sa likod.
"Mhe please patawarin mo ako. Magbabago na ako. Please Mhe."pagmamakaawa ko sa kanya.
"Ano ba Troy bitawan mo ako!!"saad niya habang pinipilit niyang kumawala sa yakap ko.
"Hindi Mhe. Patawarin mo ako. I'm--"hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang may humila sa kanya at sinuntok ako.
"Jake!"sigaw niya habang inaawat niya ung lalaki. Biglang nagdatingan ang mga bouncer.
"Tigilan mo na ang girlfriend ko. Hindi lang yan ang aabutin mo pag hindi mo siya tinigilan."pagbabanta ung Jake sa akin at hinila na siya ni Balze pabalik ng table nila, pero bago pa sila makaalis dun ay dumating sila sa Sammy.
*End of Flashback*
Dalawang araw na ang nakalipas ng magkausap kami ni Blaze sa Bar at ng sapak ako ng boyfriend niya. Tulad ng sabi ko simula ung nakipagbreak siya sa akin di ko siya kinontak, alam ko nasaktan ko siya sa mga pinaggagawa ko sa kanya dati sa pangbabalewala ko. Saka ko lang siya kinontak ung nalaman kong nangibang bansa siya kaya naman nakiusap ako sa kapatid niya para makuha ang number niya.
At ng tumawag ako sa kanya ay nasa New York daw siya, namiss ko marinig ang boses niya at syempre pati siya miss ko na din. At ngayon na andito na siya sa Pilipinas ulit gagawin ko ang lahat magkabalikan ulit kaming dalawa, oo nagpakagago ako noon pero ngayon handa akong mgbago para sa kanya. Totoo na to magbabago na talaga ako, hindi ko na siya itatake for granted ulit. Unang linggo na nagbreak kami akala ko kaya ko pero ung naging buwan na hindi pala, namimiss ko ung may nangungulit sa akin pag oras ng trabaho, ung bigla ka na lang niya imemessage sa fb tapos babanat lang pala, ung biglang siyang dadating sa shop. Nakakapanibago hindi niya katulad ng girlfriend ko ngayon, hinahanap ko pa din ang alaga ni Blaze, haysss.
Nagiinom ako ngayon dito sa shop ng lapitan ako ni Sammy.
"Oh Pre inom na naman?"bati niya sa akin at naupo sa harap ko.
"wala eh."sagot ko. Iniisip ko pa din kasi si Blaze.
"Si Blaze na naman ba yan?"tanong niya tumango lang ako.
"Ilang buwan na ba kayong hiwalay?"tanong niya at kinuha ang isang bote ng alak.
"6? Oo 6 months na."sagot ko at uminom ako ng alak.
"Ang tagal na din pala ah? Wala ka ba balak magkabalikan kayo?"tanong niya
"Meron."tipid kong sagot.
"Eh ano pang ginagwa mo dito? Pumuntahan mo siya."saad niya napatingin naman ako sa kanya.
"Ung nasa Bar tayo nadinig ko doon sa mga kaibigan niya na dalawang buwan pa lang sina Blaze at ung boyfriend niya. Sa tingin mo ba mahal na agad ni Blaze ung boyfriend niya?"pagkwekwento ni Sammy.
"Ewan ko."sagot ko.
"Alam mo Troy kung ako sayo, pupumuntahan ko ngayon si Blaze at hihingi ako sa kanya ng tawad at isa pang chance."saad ni Sammy saka umalis sa harap ko habang dala ang isang boteng alak. At natauhan ako sa sinabi niya kaya naman ay agad agad kong kinuha ang gamit ko at umalis na ng shop.
Paglipas ng kalahating oras na byahe ay andito na ako sa harap ng boarding house ni Blaze sana mapatawad niya ako at bigyan pa ng isa pang pagkakataon. Lumapit ako sa gate nila at nagdoor bell, makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang gate at niluwa un si Blaze na nakaayos mukhang paalis siya at gulat na gulat siya ng makita ako.
---------
Abangan.
Enjoy reading.
-MyLovasIsU :*
BINABASA MO ANG
Captured
RomanceHi guys!! ^_^ I'm back hihihi. So this is another love story of mine, tungkol to sa isang girl na nagmahal ng sobra at totoo pero sinaktan, binalewala at niloko lang siya ng taong mahal niya. Ngayon na break na sila, dahil alam niyang masasaktan lan...