Chapter 27 - Tuloy Pa Rin

8 0 0
                                    

Althea's P.O.V.

After ng paguusapan namin ni Troy ay hindi naman siya bumalik sa boarding house ko. Kinuwento ko din un kay Jake at okay daw un atleast wala na daw manggugulo sa akin. Okay naman kay Jake naiintindihan naman niya ung pagkakausap namin un ni Troy, may tiwala siya sa akin at alam niyang wala na akong feelings para kay Troy dahil siya na ang mahal ko.

Jake's P.O.V.

Nagreready ako ngayon dahil pupuntahan ko si Althea, surperise to. Ng okay na ako ay bumaba na ako sa parking bago ako magderecho kay Althea ay dumaan muna ako sa flower shop para pinagawa kong bouquet of roses. Naalala ko ung pinadadalhan ko siya ng mga bouquet ung umalis na siya ng New York papuntang London at Italy, sinundan ko siya un pero hindi niya alam, actually dapat ang sunod ko ng destination noon ay Paris na. Pero sinundan ko siya para subay bayan, gusto ko kasi siyang bantayan para masiguro ko na ligtas siya lalo na kasi magisa lang siya noon at baka magbar na naman siya at malasing na naman siya walang maguuwi sa kanya.

Kaya palihim ko siyang sinusundan noon kahit siya pumunta, sa hotel kung saan siya nakacheck-in ay dun din ako nakacheck-in. At bago matapos ang araw ay magvivideo call ako sa kanya para kamustahin siya, ganun ang naging routine ko habang nasa London at Italy siya, susundan maghapon kung saan siya pumunta, at magvivideo call sa gabi. At ung papunta na siyang Paris ay pinauna ko na siya para hindi niya ako mahalata, at pagdating ko ng Paris ay agad kong pilano ang balak kong gawin sa pamamasyal namin ni Althea at pati na din ang pag amin ko sa kanya.

Alam ko na hindi maganda ang pinagdaan niya sa past niya kaya naman handa akong maghintay. Hanggang sa bumalik na ako ng Japan isang araw bigla siyang sumipot sa Ai ng hindi namin alam nasa iisang companya pala kami nagtratrabaho at doon ko pinagpatuloy ang pagaalaga ko sa kanya hanggang ngayong kami na.

Pinaramdam ko sa kanya na mahalaga siya, dapat irespeto lahat ng dapat binibigay sa isang babae ginagawa ko.

Andito na ako sa harap ng apartment niya at kinuha ko na ang bouquet ng rose at inaayos ang sarili ko. Nagdoorbell ako nilagay ko sa likod ko ung flowers at maya maya pa ay bumukas ang gate at lumabas si Althea.

"Jake?! Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka?"gulat na tanong niya medyo natawa naman ako.

"It's a surprise baby."nakangiti kong sagot sa kanya.

"Sabagay. Ano ba yan hindi pa kaya ako nakakaligo."maktol niya.

"Haha, okay lang yun baby kahit na anong amoy mo? Mahal pa din kita."saad ko at napayuko naman siya, I know kinikilig niya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at nilabas ko ung flowers mula sa likod ko.

"For you."nakangiti kong saad sabay abot ng flowers na ikinagulat niya at ikinablush niya.

"Nakakainis ka."biro niya akong hinampas sa braso at tinanggap ang flowers.

"Haha bakit baby?"natatawa kong tanong.

"Kinikilig ako eh, haha. By the way thank you baby. Tara na nga sa loob baka langgamin na tayo dito eh."saad niya at pumasok na kami sa loob.

Agad naman akong sumunod sa kanya sa loob ng kwarto niya. Don't get me wrong ah sa pag sama ko sa kanya sa loob ng kwarto niya ah, may respeto ako sa kanya. Hindi naman un ang habol ko sa kanya kaya niligawan ko siya. Okay baka OA na ako, hahaha.

"Naku baby pasensya ka na medyo makalat pa, naglinis kasi ako eh."saad niya ng nakaupo ako sa kama niya, kumuha siya ng vase at nilagay ung flowers na bigay ko.

"Okay lang baby. Kumain ka na ba?"saad ko.

"Oo kanina pa baby."sagot niya at nagayos siya ng buhok niyang medyo magulo saka siya tumabi sa akin.

Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay eto ung pagiging simple niya sa mga bagay bagay, sa pag kain, kahit na may pag kamaarte siya pagdating sa mga make-up niya pero okay lang yun kasi parte un ng pagiging babae niya. At mahal ko siya kahit ano pa siya.

Nagkwentuhan kami ng kung ano ano, ng maboring kami ay niyaya ko siya lumabas para magmall at pumayag naman siya kaya agad na siyang naligo. Habang naliligo siya ay lumabas na ako ng kwarto niya para makapagbihis na siya mamaya.

Althea's P.O.V.

Paglabas ko ng Cr ay nakita ko si Jake na nasa upuang kahoy sa labas ng kwarto ko. Always gentleman. Gustong gusto ko ung pagiging gentleman niya sa akin kasi ramdam kong pinahahalagahan niya ako.

So eto ako nagaayos dahil pupunta kami ni Jake sa mall. Actually sinurprise niya ako sa pagdating niya dito sa apartment with matching bouquet of roses pa ah? Haha kilig na naman ako haha.

Ng okay na ako ay lumabas na ako dala ang bag ko at nilock ko na ang kwarto ko saka kami sabay nagpunta sa kotse niya.

Pagdating namin sa mall ay kumain kami sa tokyo tokyo namiss kasi namin ang japanese food. Kwentuhan ulit kami ng kung ano ano. Kinamusta ko sina Tita, Tito at Ella, okay naman daw sila at si Ella daw gusto daw ako makabonding ulit. Sabi ko naman sa kanya sabihin kay Ella na isched namin yung bonding namin.

Habang nagmamasyal kami sa mall ay ramdam ko ang saya na parang walang bukas, ung feeling na parang wala kang naramdamang sakit noon. Ang sarap sa feeling na maging masaya at in love ulit.

Ika nga sa kanta:

"Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko Nagbago man ang hugis ng puso mo Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin"

---------

Mukhang tuloy tuloy na ang pagiging masaya ni Althea ah.

Enjoy reading!

-MyLovasIsU :*

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon