Chapter 26 - Closure

6 0 0
                                    

Althea's P.O.V

Nilock ko na ung kwarto ko dahil pupunta ako sa condo ni Jake movie marathon daw kami eh, ng biglang may nagdoor bell kaya naman sinakbit ko na ang sling back ko at binuksan ko ang gate at gulat na gulat ako sa nakita ko sa labas ng gate.

"Troy? Anong ginagawa mo dito?"

"Pwde ba tayong magusap Blaze?"

Sa gulat ko sa kanya ay tumango na lang ako at pinapasok ko na lang muna siya. Biglang nanlamig ang kamay ko hindi ko alam kung excited ba ako o kinakabahan ako sa maaring mangyari at hindi ko alam kung ano ang gusto niyang pagusapan namin.

Pinaupo ko siya sa sala ako naman ay inaabutan siya ng isang basong tubig at tinaggap naman niya un. Naupo ako sa table at siya naman ay nakaupo sa upuan namin na kahoy.

"Anong gusto mong pagusapan natin?"tanong ko sa kanya.

"Tungkol sa ating dalawa Blaze."mahinahon niyang saad, tiningnan ko siya at kita ko na may inom siya. I know what he wants, at may desisyon na ako dito.

(Play the video here)

"Your saying you want me back? Let's say pumayag ako, balik tayo sa dati, same routine lahat. Pero what if maulit na naman lahat ng nangyare dati? Balewalin mo ko, hindi pansinin o kausapin na naman ng ilang araw o linggo? What if kailangan mo na naman manahimik, walang ibang iniisip na iba? At ako na naman ang susuko, iiwan mo ko tapos after ilang months babalik ka ulit saying you want me back again? Hindi ako gamit Troy na pwde mong iwan sa baggage counter, basta may number ka pwde mo na ulit ako kunin. May damdamin din ako, tao din ako na nasasaktan tulad mo."saad ko at tumayo siya at lumapit sa akin.

"Sorry Blaze sa mga nagawa ko sayo noon. Hindi mo ba ako namiss?"saad niya at tumayo naman ako.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi I admit namiss ko siya ang mukha niya, ang mata niya, ang ilong, ang buhok, ang labi, ang ngiti niya at ang makulit niyang tawa. Teary eyed na ako kasi ang tagal ng panahon na gusto ko siyang mahawakan ng ganito, makita ng malapitan, makausap at malaman ang dahilan. Tuluyan ng dumaloy sa pisngi ko ang mga luha na pinipigilan ko sa matagal na panahon.

"I miss you. Sobra, ung nasa Japan ako walang araw na hindi kita naisip pero dahil nasasaktan ako sinabi ko sa sarili ko nakailangan na kita kalimutan. *sobs* Sobra akong nasaktan sa lahat ng ginawa mo, sa lahat ng pangbabalewala mo sa akin, sa hindi mo *sobs* pagpansin sa akin *sobs* kayang kaya mo akong tiisin. Tinatanong ko noon ang sarili ko kung saan ako nagkulang kasi *sobs* dba? Hindi ako nagkulang sayo, lahat ginawa ko, lahat ng ayaw mo sinunod ko, lahat ng gusto mo ginawa ko, binigay ko sayo lahat *sobs* kahit wala ng natira sa sarili ko. Ganun kita kamahal *sobs* binigay ko lahat sayo. Pero bakit ganun ang binalik mo sa akin? *sobs* nagsawa ka ba sa akin? Narindi ka ba sa akin sa tuwing magseselos ako at natatalakan kita? *sobs* Akala ko ba hndi ka magsasawa sa akin? *sobs* akala ko ba kaya mo ako intindihin tulad ng pagintindi ko sayo? *sobs* akala ko ba magbabago ka at ikaw naman ang mageeffort sa atin? *sobs* nagbago ka nga pero iniwan mo ako *sobs*"

Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ko habang sinasabi ko ang lahat ng un sa kanya, kitang kita ko sa mata niya na nasasaktan siya pero mas masakit ang nararamdaman ko kumpara sa kanya. Sobrang sakit pa din.

"Oo napaka-gago ko noon pero magbabago na ako, babawi ako sayo, ako naman ang mageeffort sa atin, gagawin ko lahat ng mga ginawa mo. Mhe please gusto ko maayos tayo, I'm sor--"pinupunasan niyang ang mga luha sa pisngi ko ng pinutol ko ang sinasabi niya.

"Tama na ang sorry mo please *sobs* ang sakit sakit na everytime maririnig ko ang sorry mo *sobs* o kahit sino na magsorry sa akin feeling ko ikaw un *sobs* parang ilang beses akong sinasaksak. *sobs* durog na durog ako sa sorry mo *sobs* dyan mo tinapos ung relasyon natin sa sorry *sobs* araw ng anniversary natin noon sorry ang natanggap ko *sobs* sobrang sakit kasi un dapat un ang pinakamasayang araw pero umiiyak ako *sobs* dahil imbes na "happy anniversary" ang matanggap ko "sorry" ang natanggap ko *sobs*"

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon