Hay nako nakakainis naman ang araw na to. Andito na ako ngayon sa apartment ko sa Japan, at nagmamadali na akong naligo at nagpalit ng damit dahil late na ako kaya agad ko ng kinuha ang bag ko at laptop ko. At dali dali na akong lumabas ng apartment ko papunta ng office.
"Girl! Late ka na saka kelan ka pala dumating?"salubong sa akin ni Grace agad naman ako bumeso sa kanya at lumapit din sa akin sina Shiela at Carmen pagdating ko sa table ko.
"Ay nako girl kararating ko lang ngayon delayed ang flight ko, at inaabot pa ako ng traffic sa labas ng airport. Hay nako."kwento ko sa kanila.
"Nako mamaya ka na namin chichickahin at hinahanap ka na ni Sir Kenji, nasa Conference room sila."saad ni Shiela.
"Sila?"tanong ko habang hinahanap ko ang files ng mga collections ko.
"Oo, may kasama siya eh lalaki at gwapo."kinikilig na pahayag ni Carmen at napailing naman ako. Namiss ko silang lahat.
"Hay nako Carmen haha. Oh sya cge maya na lang girls."paalam ko sa kanila at agad na akong nagpunta sa conference room.
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok.
"Good morning Sir Kenji, I'm sorry. I'm late."bati ko sabay yuko.
"Good morning Althea, have a seat first."saad niya. At naupo na ako.
"How's your flight?"tanong niya.
"It's so terrible sir my flight was delayed I was just arrived here in Japan this morning."exhauste kong sagot kay Sir Kenji habang nilapag ko ang laptop ko sa table at humarap sa kanya pero laking gulat ko ng makita kong katabi ni Sir Kenji si Jake.
"Wh-what are you doing here?"gulat kong tanong kay Jake.
"I'm working here, how about you?"sagot niya.
"I'm also working here."sagot ko, nagugulohan ako.
"Wait are the both of know each other?"singit na tanong ni Sir Kenji
"Yes."sabay naming sagot ni Jake.
"Actually Sir we meet in New York."pahayag ni Jake.
"Well that's good to know. By the way Althea he's also a photographer, a long time employee here in Ai. He just had his vacation that why you didn't see him before."paliwanag ni Sir Kenji at tumango naman ako.
Maya maya ay lumabas na si Jake ng conference room at pinagsimula na ako ni Sir Kenji magpresent ng mga collection from New York, London, Italy and France. Almost lunch na ako matapos magpresent sa kanya, tuwang tuwa siya kasi ang gaganda daw ng kuha ko. Humingi ng kopya ng presentation ko si Sir Kenji para ipakita daw sa kaibigan niya sa Europe. At pumayag naman ako sinabi ko sa kanya na isesend ko na lang sa email niya ito at nauna na siyang lumabas habang ako inaayos ung mga ginamit ko saka ako lumabas ng conference room.
Pagdating sa table ko ay nagcheck ako ng mga papers sa table ko at mukhang wala naman silang iniwan dito ito pa din ung mga iniwan ko dati, kaya nagcheck na din ako ng mga emails ng biglang.
"Hi Ally."napatunghay ako sa nagsalita.
"Jake if it is about what you said last wednesday in Paris, please let's not talk about it here."medyo mataray kong sabi kay Jake.
"Wag ka naman mataray. I'm just going to invite you for lunch, and like what I told you in Paris, I can wait Ally."saad niya umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"So?"tanong niya.
"So Althea lunch na tayo? Oh girls look oh I smell something here?"saad ni Grace.
"Hi Jake."bati nina Shiela at Carmen.
"Tara na girls gutom na ako at may jet lag pa ako."saad ko kina Grace tumayo na ako at kinuha ang wallet at phone ko.
"Hindi mo ka ba papayag sa alok ni Jake?"tanong ni Carmen. So narinig nila hayss.
"Fine. I'm going with you pero kasama sila kasi namiss ko sila ng sobra."saad ko habang natingin kay Jake saka siya tumango at ngumiti.
"Okay let's go then girls."saad ni Grace at nauna silang tatlo bumaba ng canteen.
Hindi na ako magtataka kung bukas o sa isang araw ay manligaw to sa akin dahil sa sinabi niya sa Paris at naguguluhan ako sa sarili ko, kailangan ko pagisipan to ng mabuti.
Nang makaorder na kami ng lunch namin ay naupo na kami sa favorite spot namin sa canteen.
"So paano kayo nagkakilalang dalawa Jake?"tanong ni Grace magsasalita na sana si Jake pero inunahan ko na siya.
"Grace do you still remember pagdating ko ng New York na nag Bar ako at nakwento ko sayo na tumawag sa akin ung gago kong Ex?"tanong ko at tumango naman siya.
"Un ang araw na nagkita kami sa labas ng bar."at kinukwento ko sa kanila lahat ng nangyari base sa kwento sa akin ni Jake dati at natawa naman sila sa akin.
"Bakit ka ba kasi umiiyak sa Cr ni Jake sa hotel?"natatawang tanong ni Carmen.
"I don't know, maybe naramdaman lang ulit ng puso ko ang sakit na pinaramdam ng ex ko."saad ko sabay subo ng pagkain.
"Hmm if you don't mind pwde ko bang malaman ang dahilan?"tanong ni Jake at tumango naman ako no worries for me dahil nakamove on na ako sa kanya un nga lang bigla pa nagparamdam si gago.
"What happen?"tanong niya ulit magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Carmen.
"Kasi ganito un Jake one week before ng anniversary nila, take note 1st anniversary nila ha? Naging cold sa kanya ung Ex niya, hindi nagtetext, hndi tumatawag, ilang weeks na din sila hindi nagkikita, then hindi na nakatiis si Althea sinugod niya to sa tinitigilan niya at kinausap kung bakit hindi siya kinakausap, kesyo daw na naiinis siya kay Althea, eh hindi naman kasalanan nito (sabay turo sa akin tuloy lang ako sa pagkain, bahala ka dyan haha.) nabigla na lang dumating sa boarding house nitong si Althea sina Emma at Cyril na kaibigan niya. Pinagseselosan kasi ng Ex nito si Cyril eh matagal na naman magkaibigan tong si Althea at Cyril. At ung hindi na talaga kaya ni Althea she let go of him kahit mahal niya ito NOON, she ask him kung merong iba ung Ex niya, he said wala ang gusto lang daw niya ay manahimik ung walang ibang iniisip kundi trabaho lang. Like what pa!#&G?!5!"
"Kumain ka nga muna. Ikaw ba ang Ex at apektadong apektado ka?"natigil ang pagkwekwento ni Carmen ng subuan siya ni Shiela ng pagkain hahaha. Hay nako kung wala lang akong jet lag yayain ko silang mag Bar eh.
"Un talaga ang dinahilan niya sayo?"tanong niya at tumango naman ako habang umiinom ng milkshake ko.
"Eh gago pala talaga siya eh. Fuck!"saad niya at hinampas niyang table na ikinagulat ko.
"Jake chillax lang. Althea already have her revenge on him."nakangising saad ni Grace.
"What?"naguguluhang tanong ni Jake.
"Look at her. Ibang iba na siya sa dating Althea na nakilala namin she can manage to smile again malaki na ang pinagbago niya, malaki ang naitulong ng Japan simula ng dumating siya dito."dagdag pa ni Grace sabay ngiti at tumingin sa akin.
Totoo ang sinabi ni Grace malaki na ang pinagbago ko nakakangiti na ako ng hindi napipilitan. Ayoko kasing mabaon sa lungkot at sawa na akong malungkot at masaktan. Bigla akong napatingin kay Jake naalala ko ung sinabi niya sa akin sa Paris.
"I like you Althea.... Hindi ako nagmamadali, I can wait."
Napansin siguro niya na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin na nagtataka, umiling lang ako saka ngumiti sa kanya.
I hope hindi ako magsisi pag binigyan kita ng chance sa puso ko Jake.
Ayoko na kasi ulit masaktan.
BINABASA MO ANG
Captured
RomanceHi guys!! ^_^ I'm back hihihi. So this is another love story of mine, tungkol to sa isang girl na nagmahal ng sobra at totoo pero sinaktan, binalewala at niloko lang siya ng taong mahal niya. Ngayon na break na sila, dahil alam niyang masasaktan lan...