Althea's P.O.V.
Ngayong araw na ang balik namin ni Jake sa Japan back to work na ulit kami dahil sobrang natambak na ang trabaho namin. At ang tatlo namin kaibigan ay excited na sa mga kwento ko. Andito na ako sa Airport hinihintay ko na si Jake. Hindi na kami nagsabay dahil after ng barkada outing namin ay sa amin na muna ako umuwi para malubos na ang bonding naming pamilya, ganun din siya.
Hindi na din ako nagpahatid sa pamilya ko dahil mapapagod lang din sila saka baka magleave ulit sa trabaho ko after 2 or 3 months, bakasyon ulit syempre mamimiss ko ang pinas.
Tinext ko na si Jake kung nasaan na siya at agad naman siyang nagreply papasok na daw siya ng Airport pero sobrang traffic kaya sabi ko hintayin ko na lang siya sa Starbuck dahil nagcracrave ako sa frappe, matagal na kasi ulit ako hindi makakatikim ng frappe.
Kaya naman nagpunta na ako sa Starbucks at ng order. Habang hinihintay ko ang order ko ay may lumapit na babae sa akin.
"Ate Althea?"tanong ng babaeng lumapit sa akin. Kinilala ko muna siya at ng makilala ko siya ay agad ko siyang niyakap.
"Jhang! Kamusta ka na? Ang tagal natin di nagkita ah?"sabi ko sa kanya.
"Okay lang naman ate. anong ginagawa mo dito? Saan ka pupunta?"sunod sunod niyang tanong sa akin. Wala pa din to pinagbago madaldal pa din at petite pa din haha.
"Pabalik na kami ng boyfriend ko sa Japan."sagot ko sa kanya.
"Japan? Anonng gagawin niyo sa Japan?"gulat niyang tanong.
"Ay naku bes ang dami ng ganap sa buhay ko, di ka na updated hehe. 8 months na akong nagtratrabaho sa Japan, sa isang event management. Umuwi lang kami ng boyfriend ko dito para magpasko at bagong taon."kwento ko sa kanya.
"Eh ikaw saan ka pupunta?"tanong ko sa kanya.
"Sa Singapore ate, bakasyon grande ang peg ko dun haha."sagot niya at natawa din naman ako.
Nang dumating ang order namin ay naupo muna kami habang hinihintay namin si Jake. Nagkwentuhan kami ng mga ginagawa ko sa Ai, maya maya pa ay dumating na si Jake.
"Ally sorry na late ako sobrang traffic eh."saad ni Jake sabay halik sa pisngi ko.
"Ayiiiee ang sweet naman. hehe."saad nio Jhang.
"It's okay Jake. By the way this is Jhang friend ko, Jhang si Jake boyfriend ko."pakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hi Jhang nice to meet you."saad ni Jake at nakipagshake hands siya kay Jhang.
"Nice to meet you din po kuya. Naku kuya wag mong paiiyakin si ate ah, gogombagin kita haha, syempre joke lang."saad ni Jhang at nagtawanan naman kami.
"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight AJ143 to Tokyo. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."
Parepareho kaming natigilan ng iaanounce na ang flight namin ni Jake.
"Oh paano ba yan Jhang flight na namin un. Mauna na kami sayo. Chat chat na lang ah? Mag-iingat ka."saad ko at bumeso na ako sa kanya. Nagpaalam na din sa kanya si Jake.
Nagcheck in kami ni Jake at nagderecho na sa eroplano, doon na lang kami kakain.
After ng mahabang oras ng byahe ay nakarating na din kami ng Japan. Sa apartment ko na kami nagderecho dahil ang lolo niyo ay tinatamad pang umuwi sa apartment niya. Ngayong nakabalik na kami dito sa Japan siguradong tutok na naman kami sa trabaho at wala ng gugulo pa sa aming dalawa.
------------------
Sorry long wait ang UD ko. Busy kasi eh.
Jhang bhesy kasali ka XD
1 or 2 more chapter matatapos na to.
Enjoy reading, sorry for typo and grammar error.
Thank you. :)
-MyLovasIsU :*
BINABASA MO ANG
Captured
RomanceHi guys!! ^_^ I'm back hihihi. So this is another love story of mine, tungkol to sa isang girl na nagmahal ng sobra at totoo pero sinaktan, binalewala at niloko lang siya ng taong mahal niya. Ngayon na break na sila, dahil alam niyang masasaktan lan...