Chapter 32 - Endure and Ease the Pain

8 0 0
                                    

Althea's P.O.V.

Dahil sa nalaman ko ay walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Ang sakit sakit na hindi niya pala ako minahal ung kami pa. F*ck!

Hanggang sa nagtanghalian ay umiiyak pa din ako pinilit kong kumain dahil kailangan ko ng lakas pag nagharap kami ni Troy.

Pagbalik ko sa kwarto ko ay balik din ako sa pagiyak. Natigilan ako ng biglang tumunog ang phone ko.

From: 0999*******

Mhe pupunta ako dyan ngayon. Magusap tayo pls.

Padabog kong binalik sa kama ang phone ko at muli kong naramdaman ang galit sa kanya. At muli akong umiyak, kailangan maubos na tong luha na to para pag nagkaharap kami wala na siyang luha na makikita sa akin.

Patuloy lang ako sa pagiyak ng muling tumunog ang phone ko, si Jake tumatawag. Paniguradong magaalala un sa akin, hindi ko na itatagi sa kanya ang pagiyak ko.

"J-Jakey?"

"Ally? Are you crying? What happened?"

"Ca-can you come here? *sniff*"

"I'll be there. Stay still."

Ng maputol ang tawag ni Jake ay yumuko ulit ako sa kama ko at umiiyak ulit. Maya maya pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad kong binuksan un at nakita ko si Jake.

Mabilis ang yumakap kay Jake at napaiyak ulit. Pinaupo ako ni Jake sa upuan sa tapat ng kwarto ko at doon ko kinuwento ang dahilan kung bakit ako naiyak. Lahat ng nalaman ko kay Clarisse ay sinabi ko sa kanya pati ung screenshots na sinend niya sa akin ay pinakita ko sa kanya.

Sinabi ko din sa kanya na papunta ngayon si Troy dito sa boarding house, ung una kinontra niya ako pero sabi ko naman sa kanya eto na ung pagkakaton na kumprontahin siya sa mga ginawa niya sa akin noon.

Maya maya pa ay may nagdoorbell na, nagkatinginan kami sa dalawa ni Jake.

"Siya na yan."saad ko at tumango naman siya. Nagpunta na ako sa gate at pinagbuksan ito.

"Mhe anong nangyare? Umiiyak ka ba?"nagaalala niyang tanong hahawakan niya sana ang mukha ko pero umiwas ako at tumalikod sa kanya.

"Pasok ka."sabi ko sa kanya at nagpunta ako sa lamesa at naupo sa isang monoblock chair. Natigilan siya ng makita niya si Jake.

"Wag mo siya pansinin. Ano ba gusto mo pagusapan?"tanong ko sa kanya.

"Tulad ng sabi ko sa text. Gusto ko maayos tayo, babawi ako sayo."sagot niya, mukha siyang tuta na nagmamakaawa na ampunin siya. Tss di na uubra yan sa akin.

"Talaga? Hindi ka na lalapit sa mga babaeng pinagseselosan ko?"tanong ko sa kanya at biglang nagliwanag ang mukha niya.

"Oo hindi na. Hindi na din ako magaadd ng kung sino sinung babae sa fb."sagot niya. Huhulihin lang kita sa sarili mong bibig. Huhulihin lang kita kung magsisinungaling ka ulit sa akin.

"Good. Hindi ka na makikipagusap sa mga ex mo?"tanong ko. Kita sa mukha niya ang pagtataka sa naging tanong ko.

"O-oo ang ibig ko sabihin hindi naman ako nakikipagusap sa mga ex ko eh."huli ka na Troy.

"Talaga?"paninigurado ko sa kanya. Akala mo ba Troy naniniwala pa ako sayo? Hindi na alam ko na ang baho mo.

Tumingin ako kay Jake at hiningi ang phone at agad naman niya ito iniaabit sa akin.

"Oo."sagot ni Troy.

"Sinungaling."saad ko. Muling nagbakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Huh?"

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon