Teaser

2K 41 5
                                    


"You're joking, Lo. Right?"



Matamang tinitigan ni Ezekiela ang matanda habang nanlalaki ang mga mata. Eh parang nagloloko naman kasi ang lolo niya dahil ngumingiti pa ito habang nagkkwento sakaniya.



"No, apo. Huling habilin 'yon ng Lola mo. You wouldn't let her down, would you?" Ngumiti lang ito nang bahagya at bumulong ng maiksing panalangin para sa yumao nang asawa nito.


"Eh parang ang dali dali lang ng hinigingi niyo, Lolo eh!" Napapalatak sa inis si Ezekiela. Abogado na 'to at naglalaro na sa 26 ang edad nito pero ugaling bata pa rin.


Mas lalong nairita si Ezekiela. "I'm a lawyer, Lolo. I should be a role model. Pero anong gusto niyong gawin ko? Kunin ang artifact na 'yon para lang ma-i-accomplish ang huling habilin ni Lola? Lolo naman eh! Eh di sana hindi na ko nagpakahirap sa Law School ng apat na taon kung ganito lang po gagawin ko. Pagiging manggagatso na lang sana inatupag ko! Iba na lang po ang utusan niyo!" Gulo gulo na ang buhok niya sa kakakamot nito habang iritang irita siya sa sinasabi nang Lolo niya. Na para bang mababago n'on ang gusto nang matanda.



"Mahal, nagrereklamo ang mahal mong apo." Pang-inis sakaniya nito kaya agad naman siyang kinilabutan sa pananakot ng Lolo niya. Simula bata ay takot na takot siya sakaniyang Lola dahil palaging tinatakot nitong papaluin siya. Hanggang pagtanda niya yata'y nadala pa rin niya ang takot dito.



"Oo na po. Sige po!"



Kahit na nagpaplanuhan na nila ng Lolo niya ito.  Kinakabahan pa rin siya. Oo ang Lolo niyang kunsintidor. May mga binayaran ang lolo niya para malaman ang blueprint ng bahay. May apat na gwardiya sa likod nitong malaking gate. May sensor din ito para malaman lang ang mga kotseng may linsensyadong plate number na maaring makapasok sa loob. In short, buti na lang wala siyang sasakyan kung hindi una pa lang ay bulilyaso na sila. 


Hindi niya alam kung paano makakapasok. Kung hindi lang sa tulong nang mga binayaran ng matanda hindi na nila mayayari ang plano. Binayaran nila ang isa sa mga gwardiya na kasamang nagbabantay sa loob. Kaya sa saktong ala-una ng umaga ay paniguradong papatulugin nito ang mga nasa loob na iba pang guwardiya. Ito na ang bahala kung paano mangyayari 'yon.



KAYAYARI lang ni Junex sa kaniyang mga report tungkol sa mga pinakai-imbestigahan sa kaniya, na isa-submit niya kinabukasan. Nasa Library siya n'on nang kanilang Mansyon kaya lumabas na rin siya kaagad nang mayari ang mga ito.


Pagkasaradong pagkasarado niya sa pintuan ay bigla ang pagbunggo sa kaniya ng isang tao. Tatalikod na sana ito. Pero reflexes na siguro nang isang Agent ay bigla niyang hinila ang taong ito at dinaganan sa sahig.


"Ahh."



Napaungol sa sakit nakabunggo niya. Pero ang mas kinagulat niya sa nangyari ay-- babae ang boses ng pangahas.


Babae na ba ngayon ang bagong strategy nila?


Kitang kita ni Junex ang sakit na bumalatay sa mata ng babae. Hindi niya makita ang kalahati nang mukha dahil rin sa mask na suot nito pero alam niyang maganda ang babae. Ang kulay tsokolateng mga mata nito ay tila nanghihigop--


"Sino ka?!!" Sigaw ni Junex pero hindi gaano kalakas sa inaasahan ang lumabas sa boses niya. 

Humina yata ito ng kusa dahil ramdam na ramdam niya ang dibdib ng babaeng nakadikit sa katawan niya. Nakadagan siya rito at hawak hawak niya ang dalawang kamay ng babae sa taas ng kaniyang ulo.


Bumaba ang tingin niya  mula leeg hanggang cleavage ng babae. Hindi naman niya sinasadya 'yon. Sadyang curious lang ang mga mata niya. Sumisilip ang ipit na dibdib ng babae dahil sa  mababa ang zipper nang hapit na itim na damit nito. Pero ang ikinagulat niya ay ang nakasinggit sa gitna ng dibdib ng babae. Ang artifact! Ang kwintas ng Abuela niya!


Ngunit bago pa man siya makaangal ay nasipa na ng babae ang kaniyang kayamanan. Ang sarili niyang artifact! Kaya agad niyang nabitawan ang babae. Tumakbo naman ito at nawala na sa paningin niya.



"Fucking hell!" Sigaw niyang umalingawngaw sa buong mansyon.

Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon