Tinititigan
ALAM na alam na ni Ernest ang gusto ng boss. Walang magsasalita hanggat mainit ang ulo ni Ezekiela. Kung ano ano kasi ang nasasabi nito kapag nagagalit. Napangisi si Ernest nang maalala ang tawag ng boss sa abogado kanina.
Big fat liar.
Matapang talaga si En sa harap ng mga tao. Lalo na harap ng korte. Pero minsan ay lumalabas ang pagiging isip bata nito. Lalo na kapag sila na lamang dalawa.
"Ernest." Ani nito saka yumakap sa kaniya. Para tong bata na nagsusumbong sa kuya niya. Napabuntong hininga siya ng malalim saka hinimas ang ulunan ni En. "Nakakainis yung mataba na yon! Ginawa pang kabuhayan ang pagiging abogado. Yes, you'll get money. Pero hindi naman maganda ang gusto niyang mangyari."
Lumayo bahagya si Ezekiela kay Ernest nang magsalita ito. "Well, hindi naman maiiwasan ang ganun. At hindi lahat ng abogado ay kagaya mo. When they feel the power, they think less about the people that surrounds them." Sabi ni Ernest para mapagaan ang kalooban ng boss.
"Your such a good secretary, Ernest." Aniya habang ngumingiti na mas nagpagaan ng nararamdaman niya. "Just like a brother." Pero nawala ang init sa puso niya nang banggitin nito ang mga ayaw niya. Ngumiti lamang siya ng bahagya saka ginulo niya ang buhok ni Ezekiela.
She hissed at him saka lumayo dito para paluin niya sa braso. Tumawa lamang siya at pumunta na sa desk niya para magsimula na sa kanilang trabaho.
Samantalang si Ezekiela. Hindi naman makapag-trabaho ng maayos dahil sa bumabalik sa isip niya ang usapan nila ng Lolo niya. Hindi naman niya kaagad masabi kay Ernest dahil ang sama sama ng plano nila. Nahihiya siya.
Hindi biro ang gagawin nila ng Lolo niya. Hindi din kasi biro ang pamilya ng Alejandro. Malakas at maimpluwensya kahit wala na ang mga mismong nagtatag nito.
Nalaman din ni Ezekiela na may isang apo lamang ang mga Alejandro. Buhay pa ang mga magulang nito ngunit nakatira sa ibang bansa dahil sa mga kabuhayan ng mga ito doon. Ang apo ang natitira dito sa Pinas na namamahala sa mansyon at mga farm nito sa probinsya.
They're so damn rich!
"Are you okay, Eze?" Tanong ni Ernest sa kaniya kaya napaangat siya ng tingin dito. Bahagya pa siyang napatalon dahil sobra ang pag-iisip niya. Eze din naman ang tawag nito sakaniya. "Ang lalim ng iniisip mo."
"Nothing, may sinabi lamang sakin ang Lolo ko." Aniya. Hindi naman siya nagsinungaling ngunit di rin naman niya sinabi ang lahat. Nahihiya kasi siyang malaman nito kahit alam niyang kahit papaano ay maiintindihan nito.
Tumango lamang si Ernest na parang naiintindihan ang lahat. Pero hindi! Nakakainis dahil hindi niya masabi rito ang problema niya.
NANG maghapon ay agad inayos ni Ezekiela ang kanyang gamit. Nagpaalam na rin siya kay Ernest at binilinan ng nga kung ano ano tungkol sa mga scheduled clients niya. Agad naman nakuha nito kaya umalis na siya para makapunta sa basement ng building nila.
"Yes cous. I'm coming. Wait me out there, aryt?" Aniya habang kinakausap ang isa sa pinsan niyang si Jaya. Nagyaya kasi ito sa isa mga bar na malapit sa bahay ng mga ito. Malayo naman sa kaniya. Pero okay lang since madalang na silang magkikita kita sa mga susunod na araw.
Pinatunog niya ang sasakyan niya at agad na pumasok doon. Napabuntong hininga na lamang si Ezekiela saka tinext ang Lolo niya na gagabihin niya. Hindi naman kasi ito mahigpit lalo na dahil sa matanda na rin si En. Ang tanging request na lamang nito ay ang pagtira niya sa mansyon kasama ang matanda. Nalulungkot rin naman kasi ito dahil busy na rin ang mga anak ng Lolo niya at siya na lang ang tanging malapit sakaniya. Dahil na rin sa lumaki siya kasama ang mga ito.
Nag-drive siya papunta sa bar na sinabi ng pinsan niya. Hindi naman siya mahilig sa ganito. Pinagbibigyan niya lamang ang mga pinsan niya sa mga kapritso nito. They're also her friends, after all.
Malakas ang tunog na nanggagaling sa bar. Isang sikat na pop music ang tumutugtog na hinaluan rin ng mga iba pang beat na mas nakapagpagana sa mga tao roon. Hindi naman isang hamak lanh ang nasabing bar. Ang mga pinsan niya ang namili, paniguradong high class ito!
Sinabi niya sa bouncer ang pangalan at gulat siya dahil sa VIP section siya dinala ng lalaki. Ang mga bruha talaga. Agaw eksena!
Tumili ang pinsan niyang si Jaya Lou Candelaria Mercado habang sinasalubong siya ng isang mahigpit at mainit na yakap.
"You're here! Come on." Hinila siya nito kaya agad siyang natawa nang makita ang isa niya pang pinsan na si Noemi Fabros Mercado.
Tatlong Mercado ang mga Papa nila Noemi, Ezekiela at Jaya. Hindi biniyaan ng anak na babae ang Lolo at Lola niya kaya ganon naman ang pagpapahalaga sa kanila ng mga pamilya nila. Mga unica ihas.
Ngayon niya lang napansin na salamin ang mga nakapalibot sa kanila. Kita niya kung sino ang nasa labas at nasa mga katabi nilang room. Sa kaliwa nila ay nandoon ang isang maliit di g grupo ng mga babae na may kasamang kalalakihan. Sa kanan naman ay bakante.
"Hi, Eze! Buti di mo naman kami inindian ngayon?" Ani ni Noemi saka niyakap rin siya ng mahigpit. Minsan kasi ay hindi niya napupuntahan ang mga ito dahil sa mga kliyente niya.
"Sorry na, cous'. Bumabawi naman ako sainyo ah!" Natawa na lamang sila saka nag-umpisa ng nagkwentuhan.
Hindi naman nawala sa kanila ang pag-inom. Mahina siya sa ganito. Kaya kadalasan ay dinadaya niya ang mga ito. Sa huli, siya rin ang mag-uuwi sa mga pinsan niyang lasing dahil siya na lamang ang may ulirat sa kanila.
Pinapak niya ang mga pagkain habang kita na ang pamumula ng dalawa niyang pinsan. Tumayo naman si Jaya at agad hinila sila ni Noemi. "Let's dance!" Kumembot pa to kaya natawa naman sila habang lumalabas sa VIP room.
May sarili rin naman dance floor ang VIP section pero kaunti lamang ang sumasayaw doon. At alam ni En na hindi makukuntento ang mga pinsan niya roon kaya agad silang pumunta sa mismong center ng dance floor.
Arrgh, these two!
Kumawala naman si Ezekiela sa hawak ni Jaya. Hindi na rin siya napansin ng dalawa dahil sa excitement ng mga ito. Kinausap naman niya ang bouncer na malapit saka agad na pinaubaya ang mga pinsan niya. Alam na ng bouncer ang gagawin. Madalas ang mga ito dito. Binigyan niya ng malaking tip ang lalaki dahil dalawa ang babantayan nito.
Bumalik siya sa VIP room at sumandal kaagad sa sofa doon. Napapagod siya kaya napapikit siya.
Napadilat lamang si En nang maramdamang may parang nauntog sa salamin na pinagpapahingahan ng ulo niya. Hindi na sana niya papansinin pero naulit yon na parang sinasadya.
Tumalikod siya para silipin ang pangahas at nakitang ulo rin ang nag uuntog doon. Sinasadya nga! Itsura ng lalaki ay parang ginigising nito ang sarili kaya inuuntog nito ang ulo. Nakahilata rin ito sa sofa.
Ang nakita na lamang ni En ay isang pares na asul na mata na nakapaglunok sa kaniya sa kaba. Na parang nahuli siya sa isang kasalanan! Napakurap siya at umawang ang bibig ni En nang makita niyang kinagat nito ang sariling labi na parang pinipigilan ang sarili na ngumiti.
Oh fvck! Di kita tinititigan ah!
°•○☆○•°
Another chapter done,
another one to write.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...