Kinukulong
NAKITA ni Ezekiela kung paano nag-flex ang mga braso ni Junex nang itulak nito ang buong katawan para lamang makatayo sa pagkakahiga nito. Kita niya ang perpektong biyak sa mga braso nito na alam niyang pinaghirapan sa training. Hindi niya nga lang alam na may ganoong epekto ito sa kaniya na daig niya pa ang natuklaw ng ahas para matulos sa kaniyang kinakaupuan. Hindi pa rin siya nakakaayos ng tayo dahil sa pagkatitig sa binata.
Bumangon si En na parang di nanakit ang mga kamay. Ayaw niyang ipakita sa lalaki na nasasaktan siya gawa ng pagpatid nito sa kaniya.
Naipon kasi ang bigat ng katawan niya sa dalawang mga kamay kaya hindi na rin nakakapagtakang sumakit ito. Hindi rin kasi biro ang tigas ng sahig ng training hall.
Pinagpag niya ang mga kamay at napaigik nang kumirot iyon. Bahagya niyang sinilip at nanlaki ang mga mata ni En nang makitang namumula iyon na kala mo inihampas sa pader.
Nanggigigil na tinignan niya ang lalaking may sala. Wala pang nakakapagpataob sakaniya simula nang matuto siya ng mixed martial arts at taekwondo. Hindi biro kasing makalaban ang dalaga lalo na at bihasa na siya dahil sa maraming pwedeng magturo sakaniya.
Kumbaga sa ordinaryong babae, hindi dapat siyang maliitin.
"What?" Ngingising pang-asar ng lalaki sakaniya saka may binulong sa katabi nito na mukhang hindi pa makapaniwala sa sinabi ng captain nila. Ngunit dahil wala ring magawa ay kaagad namang naintindihan ang sinabi saka sumenyas sa mga taong nakapalibot sakanila.
Hindi sana maiintindihan ni Ezekiela ang balak nito nang magsimulang umikot sakanila ang mga trainees. Na akala mo gumagawa ng isang fighting arena.
Shit! Mapapasabak yata ako dito! This is a bad idea. Coming here is a bad idea!
Nagpupuyos na talaga ang damdamin ni En dahil talagang sinusubukan nito ang kakayahan niya bilang isang babae. Naiinis siya lalo na dahil kaya nitong pumatol sa babae!
"Are you mad at me, Miss? Then, let's see what you can do about it."
Kinalma ni Ezekiela ang sarili dahil alam niya sa sarili niya na walang mabuting maidudulot ang init ng ulo. Kaya naman sinabayan niya rin ang pang-iinis ng lalake. "Are you gay or what?"
Nakita niya kung paano umigting ang panga ng binata. Nasingisihan naman ang mga trainees at iba sa kanila ay may mga humiyaw at sumipol pa. Kaya nagsimula ng makaramdam ng kakaibang kaba si En. Nagsimula na ring magsisi ang dalaga sa nasabing salita.
Nasa magkabilang dulo ang dalawa at malayo sa isa't isa. Ngunit nagulat na lang si En nang itulak siya ng kung sino kaya siya napalapit siya sa lalaki. Lihim na lamang siyang napalunok at agad naging alertong itinaas ang mga braso para protektahan ang mukha niya.
Hindi naman nagpaligoy-ligoy ang binata at agad kumilos ang katawan palapit sakniya.
Shit! I'm gonna die! Papatulan yata talaga ako nito!
Umagkos ang kamay nito kaya agad siyang napapikit sa takot na makaramdam ng sakit ngunit ang tanging naramdaman lamang niya ay isang pitik sa noo.
"Your position is off. Masyadong stiff ang balikat mo kaya isang suntok lang sayo ay mararamdaman mo lahat lalo na sa mga muscles mo."
Napamulagat si En dahil sa mga sinabi nito. Agad niya ring napansing wala na ang mga taong nasa paligid at bumalik na sa kaniya kaniya nitong posisyon at nagsimula na sa mga ginagawa.
Humawak sa balikat niya ang binata kaya agad naman siyang naging alerto muli. Hinawi niya ito ngunit naibalik rin ng lalaki ang kamay ngunit sa halip na sa balikat ni En ay pumalibot iyon sa bandang leeg niya na para na siyang sinasakal.
"You should learn everything para makasurvive sa mission na 'to. If not. You should quit."
Masyadong malapit ang katawan ng dalawa kaya agad naramdaman ni En ang mainit na hininga ng lalaki malapit sa kaniyang tenga. Kinilabutan siya sa dumantay na init na iyon kaya agad namang nagwala ang mga kung anong kulisap sa tiyan niya. Nag-aamok ang mga ito na akala mo gustong kumawala sa pinagkakakulungan nila.
"Let go." Mariing sabi ni Ezekiela na may halo na ring pagbabanta. Kung hindi siya nito papakawalan ay gagawin niya ang unang ginawa niya sa binata.
"Make me."
Nanginig ang kalamnan ni En nang maramdaman humaplos sa leeg niya ang mainit na kamay ng lalaki. Daig niya pa ang kinuryente sa elektrisidad na naramdaman.
Ambang iaangat niya na ang binata upang patumbahin ay hindi na niya magawa. Hindi niya ito mabuhat! Inulit niyang muli ngunit ayaw pa rin.
"It won't work twice on me, baby." Malambing nitong sabi saka siya naman ang hinila nito upang patumbahin.
Malaki ang pasasalamat ni En dahil sa rubber mat ang pinagbagsakan nila. Oo nila dahil ang damuho ay dumagan pa talaga sakaniya.
"I said let go! You stupid jerk, let go off me!"
Naiinis na pagwawala ni Ezekiela. Mariing inipit ni Junex ang mga hita niyang nagpupumiglas saka kinulong ang dalawa niyang kamay na pumipigil sa binata para makalapit rin sa katawan niya.
"You're so weak, baby. Pano kita papasabakin sa misyong ito kung sa mga basics na self-defense ay di mo makuha?" Ani ng lalaki saka mas humigpit pa ang kapit sakaniya.
"Because you always left me unguard! Madaya ka! Pano ako makakalaban kung kinukulong mo ako ng ganito?"
"May mas malala pang pwedeng mangyari sayo baka hindi mo alam. Muderer, drug users and pushers, convicts and kung ano ano pa ang pwede mong makita doon. Tingin mo ba ay ganito lamang ang gagawin nila sayo? They might rape you or kill you, baby! And I won't let that happen lalo na't under ka sa pangalan ko."
Biglang nalito si En sa kung ano ang unang idi-digest sa sinabi ni Junex. Nag-amok na naman ang mga maliliit na kulisap sa tiyan niya.
Mariin pa ring nakatitig sa kaniya ang lalaki na para bang tinatantya siya nito. Daig niya pang hinigop ang kalukuwa dahil sa mariing pagtititigan nila ng binata. Mukha ring naghihintay ito ng mga salita galing sakaniya ngunit tanging pag-awang lamang ng labi ni En ang nagawa niya. Walang lumabas na salita dahil sa pagkagulat.
Mas humigpit ang hawak sakaniya ni Junex. "At tama lang talaga sayong ikinukulong."
Ngunit di lang pala pagpigil sa kaniyang pagsasalita ang kayang gawin ng binata kundi pati rin ang pabilisin ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung anong dahilan nito. Dahil sa gwapo ba nitong mukha. Sa kisig nito. O sa iba pang dahilan.
Pero kung ano pa man ang dahilan na iyon, alam ni En na delikado ang kakahinatnan niya. Kung baga sa kahuhulugan, baka sa kumunoy pa.
Mahirap umahon kapag nahulog na.
He's an enemy, En. Hindi pwede yang iniisip mo dahil may plano pa kayo ng Lolo mo. Hindi ikaw ang mambubulilyaso nito!
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
AksiyonAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...