Kabanata X

658 22 2
                                    

Pusong makulit

NAGMAMADALI sa pagbaba si Ezekiela sa kaniyang sariling pick-up. Sunod sunod din kasi ang tawag na ginawa sa kaniya ng kaniyang assistant na si Ernest na hindi niya alam kung bakit.

Although, may hint na rin naman siya kung tungkol saan.

Tungkol na naman ito sa mga makukulit niyang kalaban na kahit talo na at walang paroroonan ang kaso ay sige pa rin. Isa pa rin ang mga kliyente niyang hindi rin makapaghintay!

Napakagat na lamang sa labi si Ezekiela sa inis sa sarili.

Ikaw ba naman kasi ang matutulala ng mga halos trenta minutos sa loob ng sasakyan mo ay hindi mabaliw ang mga taong naghihintay sayo. Given the fact that she's so busy with those waiting clients!

Tumunog na naman ang kaniyang cellphone. Kaya iritable niyang hinugot yun habang hirap siyang bitbitin ang case niya at mga iilang folders na hawak.

"Ernest, I told you I'm in front of the-" napahinto na lamang sa pagsasalita si Ezekiela nang maring ang pamilyar na boses ng lolo niya.

"En, what happened?"

Napairap na lamang siya sa ere. Sa lahat ba naman ng oras ay ngayon pa napili ng lolo niyang magpakwento? Habang nagmamadali talaga siya? Nakakaloka!

"Lo, can you call me lat-" pinutol na naman ang mga salita niya ng matanda. Frustrated siyang napapindot sa up ng elevator.

"No. Tell me first if you saw that kid?" Napakunot naman ang noo ni Ezekiela kung sino ang batang tinatanong ng lolo niya.

Wait a minute! I haven't asked that one yet!

Sa sobrang pagkatuliro ni Ezekiela sa presensya ng lalaki kanina ay hindi niya na nabigyan pa ng oras na isipin kung anong sadya doon maliban sa pagbisita sa Ninong niya. Yes. Meron nga pala siyang dapat alamin at yun ay kung sino ang apo ng mga Alejandros!

Eh hindi naman nagpakilala ng buong pangalan ang mga lalaking iyon! Hindi rin naman din pinakilala ng Ninong niya!

"Not yet, Lolo-"

Napatalon si En nang tumunog ang elevator at the same time ay dahil sa pagalit sakaniya ng lolo niya. "Eh bakit hindi pa, Ezekiela? You have the time kanina. Why didn't you ask your Ninong?"

"Lo naman eh. Patapusin niyo nga po muna ako." Nagtatrantrums na sabi ng dalaga. Saka bumuntong hininga. "Hindi ko po natanong kanina kasi nagmamadali din ako. I have seen those guys pero hindi ko alam kung sino ang Alejandro doon. Hindi ko pa alam ang family name ng mga yon. I can't ask Ninong since nasa harapan po namin sila kanina."

"Oh. Okay, then. I won't bother you anymore. Take care, En. I love you."

Napaawang ang bibig ni En dahil parang ininis lang siya ng lolo niya! Tumawag tas biglang papatayin? Without me saying I love you too?

Namatay na ng kusa ang tawag ng matanda nang hindi na siya nakapag-ba-bye man lamang dito. Stress siyang binulsa ang cellphone at naglakad na lamang.

Kaso ay agad siyang napahinto nang makita niyang nakakunot noo ang assistant niyang si Ernest sakaniya. Habang nangingiti ang mga empleyado niyang parang kanina pa nanunuod sa ginagawa niyang pagtatantrums.

SA KABILANG banda naman ay may mga taong lihim na nagmamatyag sa mga bakod ng mansyon ng mga Alejandro. Walang mga guwardiya rito kundi sa harapan lamang ng gate nila. Ang mga CCTVs naman ay madali lang iwasan since hindi naman sakop noon ang buong labas ng mansyon.

Maayos at kalkuladong nagsulat ang isang binata sa kaniyang notebook.

Nagdrawing ito na parang sinusulat ang bawat detalyeng nadagdag sa blueprint na nakuha nila. Hindi rin naman kasi sila sigurado kung tama bang ang blueprint na yun ang siyang totoong itsura ng loob ng bahay.

Mahirap sumugal lalo na at maaring silang mahuli kapag nabulilyaso ang lahat.

Malaki ang tiwala sakaniya ng nag-utos sa misyong ito. Malaki ang utang na loob niya kaya hindi niya kayang isawalang bahala ang lahat ng tulong na ginawa ng amo.

"Yes. Any news?" Baritonong sagot ng nasa kabilang linya.

Sinilip muli ng lalaki ang kaniyang notebook saka tumungin sa mga kasamang nasa mga malalayong diatansya sa isa't isa.

"No sign of Alejandros. The blueprint that Marlon gave us was true. Naitama ko na rin ang mga dapat na idagdag na detalye. What will I do now?"

Huminga ng malalim ang amo niya saka lamang nagsalita. "Make sure that all you've done is right. I won't sacrifice everything just to be ruined by you."

Napakunot ang noo ng binata saka na lamang inis na sinarado ang kaniyang notebook.

"Yes sir." Kiming sagot niya saka agad pumasok sa sasakyang nasa tabi lamang niya.

"Okay, then. Go back to the office."

Malalaman na rin naman ng mga kasamahan niyang aalis siya which means na yari na ang pagmanman nila sa ngayon. Kaya paniguradong aatras na rin ang mga ito sa kanilang mga kaniya-kaniyang posisyon.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya para maiwasang ma-late sa trabaho. Mas takot pa siyang magalit ang boss niyang ito kaysa sa amo niyang may sekretong misyon sa kaniya.

Galing sa basement ay sunod sunod niyang tinawagan ang boss niya. Hindi siya sinasagot nito kaya tinigilan niya. Napasilip na lamang ang binata sa kaniyang relong pambisig habang tinatakbo ang elevator. It's 10 before 9:00. Hindi pa naman pala siya late.

Nakakatakot kasi ito dahil halos bumuga ito ng apoy kapag siya ang late. Feeling kasi nito ay parang papasanin na niya lahat ng trabaho kapag wala siyang assistant. Oo mahirap naman talaga. Lalo na at makukulit ang mga kliyente noon. Sobrang bilis pa naman nitong mapikon.

"Good morning, Ernest."

Ngiti ng boss niya nang makarecover sa pagkapahiya sa sarili. Kanina pa kasi ito pinapanuod ng mga empleyado niya. Kung hindi nga lamang dumating ang binata ay hindi tatahimik ang mga ito.

Kumunot ang noo ng binata saka lumapit sa dalaga. Agad niyang kinuha ang mga hawak hawak nito. Bago pa man siya matulala sa ganda ng ngiti nito. Ang bibigat pa naman ng mga papeles ng boss niya.

Tsk! Bakit kasi nagdadala 'tong babaeng 'to ng ganito?

Parang hindi kasi kakayananin ng mga maliliit nitong braso ang mga dalahin. Na parang bibigay na sa bigat ang mga balikat nito.

"Thanks." Ngiti muli nito saka nagtuloy tuloy sa sariling opisina.

Sumunod naman siya saka nilapag ang gamit sa table nito. Samantalang agad namang nagbukas ng laptop ang busy na dalaga.

"I'll bring your coffee." Tipid nitong sabi saka dumiretso sa pantry.

Hindi alam ni Ezekiela ang tinatagong ugnayan nito kasama ang lolo niya.

Hindi nito alam na simula bata pa ay kinupkop na si Ernest ng matanda upang pag-aralin. Nakuha si Ernest ng lolo ni Ezekiela sa isang abandonadong lugar ng minsang nagraid sila ng mga abu sayaf. Duda nito ay anak si Ernest ng isa sa mga nakidnap noon na hawak ng mga terorista.

At sa paglaki niya ay tinuruan siyang protektahan ang mga mahahalaga nito sa buhay. Isa sa mga naging misyon niya ay ang alagaan ang apo ng matanda. Tignan at subaybayan ito hanggang sa tumanda na at magdalaga.

Kaso ay ang hindi niya inaasahan ay ang pagbulilyaso mismo nito sa mga misyon niya. Nabulilyaso ang lahat ng planado niyang gawin na hindi isinaalang-alang ang kaligtasan ng dalaga.

Ang pagkahulog ng loob niya kay Ezekiela.

Sa babaeng dapat hindi niya minamahal dahil may linyang dapat hindi niya pasukin. Hindi niya dapat tawirin.

Kaso, ano ba namang lakas niya sa puso niyang makulit pa sa amo niya?

Fuck his feelings.


°•○☆○•°

A

uthor's Note: Sorry for the short update. Till next time!

Another chapter done,
another one to write.

Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon