Kabanata VIII

686 24 4
                                    

Too much

TARANTANG nag-iwas ng tingin si Ezekiela nang mapagtanto niyang ang lalaki na nakangisi ay ang binatang nakita niya sa bar. Bakit naman kasi sa lahat ng lugar ay dito niya pa ito makikita? Diba lunes ngayon? Ano ang ginagawa ng mga ito dito? Ay shit! Government officials pala sila malamang may pasok yang mga yan!

Damn! Anong na lamang ang ire-react niya?

Teka nga, En! Bakit ba ang apektado mo sa lalaki na yan?

Sigaw ng utak niya sa kaniya. Nagsimula na naman maglaban ang dalawang side ng utak niya. Ang gulo gulo kasi bigla. Iniisip niya ang bagay na hindi naman dapat.

Napakapit na lamang siya sa ninong niya saka ngumiti dito nang mapansing niyang tinititigan siya nito.

"Oh! Let me introduce my inaanak. Ezekiela Nica Mercado. Apo siya ni Carlito Mercado na dating head ng elite force dito sa Pinas. And she'll replacing the lady lawyer na nirereklamo niyo."

Tumawa naman ang mga ito samantalang siya ay ngumiti lamang sa mga binata na nasa harap niya. Ngunit iniwasan niya talagang makipagtinginan sa lalake na sa bandang dulo.

Hindi niya kasi alam kung anong mararamdam kung sakali mang magtama ulit ang mga mata nila.

May dala kasing kakaibang kaba ang puso niya kapag may naiisip na kahit anong bagay tungkol sa lalaki.

"Ezekiela Nica."

Simple niyang sabi kahit di naman na dapat ulitin ang pagpapakilala. Parang kasi wala siyang masabing iba kundi yon lamang.

May kislap ng amusement sa mga mata ng mga nangitian niyang binata. Nakabawi lamang sila nang naglahad ng kamay ang isang lalaking tinawag na Beta kanina.

"Edjan, Atty. Mercado." Ngisi ng binata saka hinawakan ang kamay niya. So, Edjan pala ang pangalan nito.

Ano naman kayang pangalan-Ay shit! Ano ba naman yan, En!

Hinawi naman ng isa ang kamay ni Edjan kay Ezekiela. Nahihiyang ngumiti sa kaniya ang isa pang binata saka naglahad rin naman ng kamay. "Drexel, Atty."

Ngumiti lamang siya kay Drexel saka bumaling sa lalaking tahimik kanina pa. Kanina pa ito walang imik na parang hindi naman talaga ito kasama sa meeting na yon.

Tumango ang binata kay Ezekiela saka nagsalita. "Meek." Aniya saka bumaling na sa ibang direksyon. Nakakatakot naman ang lamig na pakikitungo ng lalaki. Tumango rin si Ezekiela para magkaroon ng responde sa lalaki.

Napalunok naman ng bahagya si Eze nang mapalingon sa dulo.

Nakatingin lamang sakaniya ang binata pero hindi na nakangisi ng gaya ng inaasahan niya. Parang minamatyagan kasi siya nito kanina pa.

Ano, En? Act natural. Smile and then you're done. That's it! Simple as that.

Tumaas ng kusa ang kilay ni En dahil sa ginagawang pagtitig ng binata sakaniya. Sa halip na ang nasa isip niya ang gagawin, kasalunggat nito ang kaniyang ginawa.

Tumahimik sa paligid kaya na rin siguro na isip ng matandang putulin ang nakakabingin katahimikan na iyon.

"Maupo muna kayo." Pagputol sakanila ng Ninong ni En saka iginaya sakanila ang sofa.

Hindi na siguro nito napansing ipakilala ang dalawa sa isa't isa na siya namang ipinagtaka ni Ezekiela pero hindi na lang din naman siya nagtanong. Mas mabuti na ngang mangyari ang ganoon dahil hindi rin naman niya alam kung anong sasabihin niya para hindi maging awkward ang unang pag-uusap nila.

Agad naman umupo ang mga binata samantalang si En ay nanatiling nakatayo para magpaalam na.

Kailangan niya ng umalis dahil marami pa siyang aasikasuhin sa opisina niya.

Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon