Kabanata XI

680 25 2
                                    

Brat

SINUOT ni Ezekiela ang kaniyang puting racerback. Hindi naman siguro siya bobosohan ng trainor niya, right? Nangisi siya naisip. Mababa kasi ang damit niya kaya may umusling bahagi ng cleavage niya na alam niyang isa sa magiging dahilan ng distraction ng lalaki.

Natawa na lamang siya. Bakit nga ba iniisip ang ganon? Diba dapat ay wala siyang pakialam sa ganito. Saka mukha itong bato na hindi tinatablan ng temptasyon!

Hindi yan ang dapat inaatupag mo, En! Babatukan ka ng lolo mo!

Umiling na lamang siya sa naisip at dali daling sinuot ang itim na jacket niya. Tight leggings ang suot niyang pambaba dahil takot na lang siya masugatan ang mga tuhod niya. Kaso kita naman ang mahahaba niyang mga binti at proud siyang sabihin na sobrang sexy ng mga hita niya dahil sa pag-jo-jogging niya tuwing umaga. Naging-firm ang mga ito at nasa tamang posisyon ang mga muscles nito.

Pinartneran na lamang niya ito ng puting rubber shoes na may malaking itim na check sa gilid. Yari na siyang gumayak kaya kinuha naiya ang kaniyang back pack. Kung makikita mo ang nasa harapan ngayon ng salamin ay hindi mo aakalaing isa siya abogada.

Abogadang laging nasa panganib ang buhay dahil sa mga kalaban niya. Hindi lang dahil sa mga kalaban niya sa kaso kundi pati na rin sa mga desperadong kliyente niya na tinantanggihan niya. Mahirap na lalo na't mga ibang klase ng kaso ang gusto ipahawak sa kaniya ng mga ito.

Tama din na ang mga taong mahal niya sa buhay ay may mga propesyong makakatulong sakaniya. Napakalaki ng pasasalamat niya sa lolo at ninong niya dahil habang tumatanda siya ay hindi sila tumigil para turuan si Ezekiela ng mga bagay na kailangan niya para protekhan niya ang kaniyang sarili. Bukod sa laki ng koneksyon ng mga ito sa military at pulisya, hindi na rin nakakapagtaka na walang kumakanti sa kanilang pamilya.

Kaya nagtataka rin si Ezekiela kung bakit kailangan niya pa ng isang buwang training. Samantalang alam niya na ang lahat ng basics na pwede sigurong ituro ng trainor niya. Pero pakiramdam niya ay mukhang papahirapan siya nito dahil alam nito ang koneksyon niya sa boss nito.

No special treatments.

Naiisip niyang sasabihin nito ng binata sa kaniyang mukha! Maisip pa lamang niya ito ay nag-iinit na ang mga pisngi niya sa inis.

Damn that guy! Iba ang epekto ng mga sinasabi nmnito kay Ezekiela. Na para bang sobra ang pagtapak nito sa ego niya bilanv babae at bilang abogada. Wala pang nakakagawa sa kaniya ng ganoon! Hindi niya papayagan gawin sa kaniya iyon.

We'll see, Junex. We'll see.

Paghahamon niya sa pag-iisip saka hinayaang bumaba sa mahaba nilang hagdanan. Hindi niya naabutan ang matanda na duda niya ay tulog pa dahil anong oras pa lamang. It's just 6 o'clock in the morning!

Bwisit kasi ang lalaking iyon at gusto 7 o'clock pa lang ay dapat nandoon na siya kaagad! Ano naman kayang gagawin nila ng ganun kaaga? Hindi na nakapag-almusal si En at nagtuloy tuloy na garahe ng mansyon.

Siguro naman ay hindi siya pahihirapan ngayong araw na ito? Baka naman may orientation muna bago ang lahat. Doon na lamang siya kakain sa kung saan man may malapit na kainan. Hindi naman kasi siya gutumin.

Pinatunog niya ang sasakyan at walang hirap na na nagmaneobra palabas sa mansyon nila at palabas sa subdivision nila.

DUMATING siya doon eksaktong alas-siyete ng umaga. Malayo ang headquarters na pinagttrainingan nila kaya inabot ng halos mag isang oras ang byahe. Pasalamat siya at walang traffic.

Hindi pa kaagad nahanap ni Ezekiela ang training hall dahil may isa siyang lalaking pinagtanungan ay hindi niya makausap ng maayos.

"S-s-sa kaliwa lang p-po. D-dulong r-room."

"Alright. Thanks!"

Tinakbo niya ang nasabing room at hindi pa man siya nakakapasok ng tuluyan ay rinig na niya ang pagkuskos ng mga rubber shoes sa sahig.

Rinig na rin niya ang pagbagsak ng mga katawan at ng mga suntok sa punching bag. Niluwagan niya ang pagbukas ng pintuan kaya nakagawa 'yon ng malakas na tunog dahilan para mapatingin sa kaniya ang mga taong naroon.

Sa pagkapahiya ay atomatikong nag-init ang magkabila niyang pisngi. Napatanga naman sa kaniya ang mga lalaki dahil siguro nagtataka ang mga ito kung bakit may babae sa training hall.

Nilibot niya ang mga mata niya at kusang tumigil ito sa lalaking naka gray tight t-shit at naka itim na shorts. Nakahalukipkip ito at mariing nakatitig sa kaniya.

Kinagat na lamang ni En ang kaniyang labi. Nang mapansin ng mga ito na patungo si Ezekiela sa lakaking may maitim na aura at saka lamang nagsipagbalikan ito sakanilang mga ginagawa.

"Just about time, Ms. Mercado."
  May halong pagkasarkastiko ang pagkakasabi nito na nakapagpakunot sa noo ni En.

"It's 7 and I'm sure as hell that I'm not late." May diin niyang sabi.

"Really, then? Why won't you look at your own watch at baka sakaling magbago ang oras."

Kaya tinignan naman ni En ang kaniyang relos. At nanlaki ang mata niyang 7:30 na! But damn it! Hindi niya aamini  sa lalaki ang pagkakamali niya!

"Nagtagal ako dahil di ko makita ang hall. At bakit sa halip na magdiscuss ka na sa mga gagawin ay bakit mo pa ko sinesermonan?"

Nagtagis ang bagang ng lalaki at naging mariin ang panga nito. Kinilabutan si En ng makita ang galit sa mukha ng binata!

"Hindi ka matuto kung simpleng instruction lang ay hindi mo masunod. What? Na pag pinalagpas ko ito ngayon ay madali mo na lamang suwayin at ulitin ito!" Tumaas ang tono ng nito. Hindi natanggal ang pagkakahalukipkip nito at nanatiking pirmi ang mga ang titig sakaniya.

"What do you mean by that? I'm not a brat na hindi marunong makinig!"

"But you're making me think that you are! What did you do? Nag-ayos pa kaya ka nagtagal? You did girly things kaya ka nalate. At naging agaw eksena ka pa sa mga trainees---"

Hindi na nayari ni Junex ang sermon nang biglang hilahin ni Ezekiela ang palapulsuhan niya at agad siyang pinasa ere. Walang kahirap hirap na ginawa sa kaniya iyon ng dalaga dahilan para mapasalampak siya sa sahig.

"Woah!"

Napahinto ang lahat ng mga trainees dahil sa ginawa ni En. Hindi niya alam kung bakit gulat na gulat ang lahat dahil sa ginawa niya. Basta ang alam niya lang ay iritang irita siya lalaki at gusto na lamang niya itong bugbugin!

"Next time that you'll tell me na isa akong brat, I won't think twice na higitan pa jan ang gawin ko."

Agad na tumalikod si Ezekiela. Alam niyang pikon siya. Pero hindi sa point na mananakit siya! Marami na siyang nakainitan ng ulo pero hindi umaabot sa pagbubuhat ng kamay.

Pero hindi pa man siya nakakalayo ay may humila na sa binti niya dahilan para madapa siya at matumba siya. Buti na lamang naitukod niya ang dalawang kamay niya kaya hindi siya gaanong nasaktan. Hindi lumagapak ang mukha smniya sa sahig! Fuck that man!

"Woah!"

Mangha na namang sabi ng mga audience nila. Mariin niyang tinignan ang lalaking nakangisi na ngayon sa kaniya habang hawak hawak pa nito ang binti niya.

"What the fuck!"

Gigil na sabi ni Ezekiela.

"Let me see how brat you are, Miss." Ngisi nito saka tinulak ang buong sarili upang makatayo ng maayos na walang kahirap hirap.




°•○☆○•°

Another chapter done,
another one to write.

Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon