Happy reading!
°•○●○•°
Ayaw patalo
NAKALIMUTAN na ni Ezekiela na huminga dahil sa nalaman. Kaya nang mapalingon sakaniya si Junex pagkatapos pirmahan ang binigay sakaniya, naabutan nitong pinakakawalan ni Eze ang hininga niyang nakabara. Nangunot naman ang noo ng binata na nagtataka sa naging reaksyon ng dalaga. Kala mo kasi siya nakakita ng bagong kakilala.
Estranghero, kumbaga.
"Here you go, Sir."
Inabot ni Junex ang lahat ng mga paper bags na naglalaman ng mga pinamili ni Ezekiela. Doon pa lang napabalik ang atensyon at ulirat ni Eze at kaabod na kinuha ang mga ito kay Junex.
"Don't worry. I'll pay them."
Nag-umpisa na siya paglalakad at hindi pinansin ang naiwang lalaki. Naghanap si Ezekiela ng mga nakahilerang mga ATM machines para makapag-withdraw dahil hindi aabot ang cash na dala niya. Ngunit pag dating d'on ay puro offline naman ang mga machines.
Mas lalong nairita si Eze at hindi alam kung paano ang gagawin. Sa huli, nilingon niya ito sa likod niya at kinausap na.
"I'll transfer the money into your account. Anong acc--"
Nagkibit-balikat naman ito. "No need."
"It's needed! Ayoko magkaroon ng utang sa'yo na pera. Lalo na ang utang na loob." Maanghang na sabi niya. "So, tell me. What's--"
Hindi siya pinansin ng lalaki at tinalikuran na lang kaagad! This asshole is really getting into her nerves!
"H-Hey!"
Hinabol niya ito habang hawak pa rin niya ang mga paper bags. Sa sobrang pagkapikon ni Ezekiela. Tinalikuran niya na rin ito at naglakad na papuntang parking lot. Uuwi na lang siya.
Bakit nga ba niya hahabulin ang lalaki? Samantalang may sarili naman sasakyang ang babae? Nasa kaniya din ang mga pinamili niya.
Forget about the other things she needs to buy!
Forget that jerk!
Forget everything! He's the Alejandro!
Marahas siyang bumuntong hininga nang mag sink in ang lahat. Ito ang matagal na niyang hinahanap. Ang matagal na nilang hinahanap na apo ng mga Alejandro. Siya ang may hawak ng artifact! Kailangang kunin ni Ezekiela iyon!
Napahimas sa kumikirot na ulo si Eze. Hindi niya alam bakit umabot sa puntong ang leader pa nila ang kailangan niyang kalabanin. Kahit naman nagagalit siya sa lalaki dahil sa pamamaliit nito sakaniya, may karapatan naman ito lalo na at hindi kayang kalabanin ni Eze sa one-on-one ang binata.
Paano na ngayon?
Stick to the plan!
Umugong ang boses ng lolo niya sa kaniyang isipan. Napangiwi tuloy siya dahil naiisip niya na agad ang magiging reaksyon nito kapag nasabi niya na kung sino ang pakay nila.
Hindi naman niya mapigilang isipin ang lalaki. Saan na nga 'yon? Wala pa namang sasakyan dala ang binata kaya dagdag pa sa konsensiya ni Eze ngayon.
May pera naman siya! Siya nga ang sumagot ng mga pinamili ko. I mean, babayaran ko lahat ito 'pag nagkita kami.
Tumunog naman ng malakas ang cellphone ni Ezekiela. Agaw eksena iyon kaya nahihiya siyang lumingon sa mga taong kasabay niya sa elevator papuntang basement. Hirap man, ibinaba ni Eze ang mga hawak na mga paper bags saka hinahanap ang cellphone. Nang makuha niya ito saktong pagtunog ng mismong elevator sa tamang lugar niya.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
AksiAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...