Kabanata XVI

403 12 0
                                    

Si mangkukulam



UMALIS ng wala manlang pasabi si Junex. Habang si Ezekiela naman ay naiwang hawak hawak ang dibdib kung saan andoon ang kumakabog na puso niya.

You, shut up! Jan ka lang ah! Bat ba feeling ko gusto mong umalis jan at sumama dun sa lalaking nag-walk out?

Umirap naman si Ezekiela. Umismid pa siya lalo dahil sa inis niya. Kaya hindi niya napansin na nakatabi na sakaniya si Beta na kinagulat niya.

"Bayaan mo no na 'yon. Ganun talaga si Boss. Haha Pagpasensyahan mo na at broken eh. Brineak ng girlfriend niya."

Broken?

Lintik na! May girlfriend na ang mokong na 'yon? Shit!

Eh bakit parang disappointed ka?

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya dahil sa narinig. "Okay. I'll just go. I'm done in here."

Naalarma naman si Beta dahil di niya alam kung masama na ba talaga ang mood ng babae bago siya pumunta dito o sumama lang talaga.

"W-wait. Babalik ako dito. May inutos sakin si Boss at kukunin ko lang. Hintayin mo ko dito, Miss Beautiful ha?"

Tumakbo naman palayo si Beta kaya hindi na rin napigilan ni Ezekiela ang balak ng binata. Gusto niya ng umuwi dahil pagod na siya para sa araw na ito. Kahit wala naman silang gaanong ginawa pakiramdam niya ay pagod na pagod siya dahil sa mga nangyari.

Tinitigan niya ang dala dalang bag. May bakat dun ng basa dahil walang isip isip na sinuksok na lamang niya ang basang damit doon. Pagkatapos tumingin sa bag ay sa damit niya naman siya tumingin. Kaunting minuto na lang ay paniguradong babakat na dito ang suot niyang bra. Malamang dahil sa basa din ito! Lintik kasing lalaki na 'yon eh!

Ano kaya ang tingin niya? Na magdadala si Ezekiela ng bra at panty dahil alam nitong ihuhulog siya nito sa pool? Umirap na naman siya sa kawalan. Hinding hindi na yata mawawala ang galit o inis niya sa binata hangga't nakikita niya ito. Hangga't may misyon siya sa lugar na ito ay paniguradong pagtitiisan niya ang ugali ng lalaki.

Misyon.

Oo nga. Ang misyon!

Hindi lang ang misyon niya mismo na hiling ng ninong niya kundi pati na rin ang pansarili niyang misyon na kasama ang lolo niyo. Muntik niya ng maka kalimutan! At paniguradong kukulitin na naman siya ng matanda hangga't wala siyang sinasabi impormasyon na makakadagdag sa kanilang gagawin. Kailangan niya na talagang gumalaw. Dahil habang tuamatagal siya dito ay nawawaglit niya kung ano talaga ang dapat niyang ginagawa.

BUMALIK si Beta na may bitbit. Nag-jog siya palapit kay Ezekiela na andun pa rin kung saan niya ito iniwan. Steady lang ito na kala mo may malalim na iniisip.

Anong problema ba talaga ng dalawang yan?

Una si Junex na akala mo wala sa sarili nang abutan niya dito. Kala mo may sariling mundo na kahit sinong nasa paligid niya ay hindi niya papansinin dahil busy siya at wala siyang pakialam sa kahit na sinong walang halaga sakaniya.

Ngumisi na lamang si Edjan habang lumapit na. Doon lamang siya napansin ng dalaga na halatang nagulat sa presensya niya. Tama nga siya. Masyado itong preoccupied na kahit ang paglapit niya ay hindi na nito napansin. Hmm. Baka nga may something. Kasi kahit naman niya pa pahirapan pa ang sariling basahin ang mga kinikilos ng mga kasamahan niya ay halatang-halata na dahil sa pagiging observant niya. Kasi parang silang dalawa na ang nagbibigay mismo sa mga mata niya ng dapat niyang malaman.

Ngumiti siya ng matamis sa dalaga saka inabot ang dala niya.

"Wear it. Sa isa sa mga kasamahan namin 'yan dito. Para hindi ka na magsuot ng basang pambaba."

Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon