Pirma
ANONG ibig niyang sabihin doon? Pipilitin niya bang umalis sa misyon si Ezekiela? Nahihibang na yata ang lalaking ito dahil gumagawa siya ng aksyong wala naman sa plano. Huli na ang lahat para umatras pa siya. Iilang araw na lang ang natitira para dito at hindi niya tatanggapin ang maaring maging tingin sakaniya ng mga tao lalo na ng mga kasamahan niya. Ang ninong niya. Pati na rin ang lolo niya. Hindi pa rin halos nalalaman ni Ezekiela ang tungkol sa Alejandro na dapat niyang kilalanin.
And why was I even bothered by that man?
Oo nga naman! Hindi naman dapat siyang mag-isip tungkol sa sinasabi ng binata lalo na at wala na itong pakialam sa gusto niyang gawin sa sarili niya. Wala itong karapatan! Hindi kayang isipin ni Ezekiela na concern ang binata dahil hindi naman talaga! Nakakakilabot. Ang kaaway niyang ito ay kahit kailan ay hindi magkakaroon ng pakialam sakaniya.
"Bitawan mo ko." Malamig na sabi ni En pagkatapos marinig at mapag-isip isip ang binitawang salita ng lalaki.
Lumuwag ang kapit sakaniya ni Junex ngunit hindi pa rin siya pinapakawalan.
"I said let me go!"
Hindi na naiwasan ni En na tumaas ang tono ng boses niya dahil sa kakulitang pinapakita ni Junex. Sinabi na nga niyang bitawan siya, ayaw pa rin bumitaw!
Kaya sa pagkairita ng dalaga ay marahas niyang winaksi ang kamay para alisin ang hawak ni Junex sa pisngi niya. Naiinis niyang tinitigan ito saka kaagad tinalikuran para umikot papuntang driver's seat para buksan ang pintuan. Ngunit sa mabilis na kilos ng binata, bago pa man ma-lock ni Eze ang lahat ng pintuan ay napasok na ni Junex ang shotgun seat sa tabi nito.
"What the f--" bago pa bumuga ng isang malakas na mura si Eze ay natigil na siya sa ginawa ng lalaki.
Isang mabilis na labi ang dumikit sa kaniya!
Sa gulat ni Eze ay nanlalaking matang muntik na masampal niya ang binata. Reflexes siguro ngunit nasapo ni Junex ang kamay ni Eze at hinigit palapit sakaniya para siya naman ang makahalik sa lalaki.
"Now, we're even."
Ngumisi lang si Junex pagkayari ng lahat. Ang lalaki ay malakas ang loob na tumitig pa sakaniya. Wala namang na ging reaksyon ang dalaga dahil sa gulat sa lahat ng nangyari. Hindi man lang niya mailarawan ang halik dahil sa bilis nito. Ni ang pakiramdam nga niya ay parang nawala. Pati ito ay natalo siya. Tanging mata niya lang ang may hawak ng ebidensya laban sa pangahas na binatang ito!
"I told you that you're not going to be happy on what I'm going to do to you." Nang-tutukso nitong sabi kay Ezekiela pero ang dalaga ay hindi pa rin makapagsalita.
Malalaki pa rin ang mata at namumula ang mga pisngi. Kitang kita siguro 'yon kung hindi lang dim ang liwanag na pumapasok sa kotse niya.
Nang makagising sa pagkakagulat ay tinitigan niya ng masama si Junex at sininghalan. "So, eto pala yung gagawin mo?!"
Parang batang tumango ang lalaki kaya mas lalo nag-init ang ulo ni Ezekiela at lumabas ng sasakyan niya. Para mapalayas na ang walang modong lalaking ito. Hihilahin niya ito palabas ng sapilitan!
Umikot siya at hinila ang kabilang pintuan ngunit hindi niya mabuksan! Ang damuhong lalaki ay ni-lock ang pinto!
"Junex!"
Sa unang pagkakataon ay tinawag niya ang pangalan ni Alpha. Kinabog niya ang bintana nang hindi na nag-alinlangan pa kung masira ang sariling sasakyan. Because her only concern now is to kick Junex' ass out of her car!
"Open this damn door! Now!"
Nanliliit ang mga mata namang inaninag ni Ezekiela ang salamin. Hindi niya masyadong makita ang itsura ng binata dahil sa tint ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...