Kabanata V

801 19 4
                                    

Inaanak





"BAKIT ngayon lang kayo?"



Bungad ng matanda sa mga magpipinsang palihim na pumapasok sa mansyon ng mga Mercado. Agad naman silang napahinto dahil sa gulat na gising pa ang lolo nila!



Hindi kasi nila inasahang magtatagal sila sa presinto.



Malay ba nilang tatanggi pa ang loko sa ginawa niya!



Kahit na pinipilit nila Jaya at Noemi si Ezekiela na palagpasin na lang ang lahat para makauwi na ay ayaw pa ring pumayag ng dalaga. All in all mukhang sasabak sila sa mahabang paliwanagan sa lolo nila.



"Balita ko may nangyari sa pinuntahan niyo." Malamig na sabi ng lolo nila. Agad naman nagsilakihan ang mga mata ng mga dalaga dahil hindi nila akalain na malalaman kaagad ng matanda.



"Lolo! Wala po yun." Si Jaya ang agad nakawala sa pagkabigla at agad nagpaliwanag. "Hindi po naiiwasan ung ganun." Kabadong sabi nito saka siniko si Ezekiela na walang imik.



Napatalon sa gulat si Eze kaya nagsalita naman siya. "Opo, Lolo. Nagawan na po namin ng paraan 'yon. Namamahinga na siya sa kulungan."



Nagbago kaagad ang timpla ng mukha ni Don Carlito Mercado at alam na nilang hindi talaga nito alam kung ano talagang nangyari sa bar. "SINONG NAMAMAHINGA SA KULUNGAN?! Sino yan?!"



Sabay sabay silang napasapak sa mga noo nila.



Patay. Huli na sila!





BANGAG na bangag si Ezekiela nang magising. Agad siyang napahawak sa sariling ulo dahil biglang kumirot ito. Nakainom rin naman siya kagabi kaya nagkakaroon siya ng hang-over.



Hinila niya ang sariling katawan para bumangon. Sabadong sabado at paniguradong wala na siyang magagawa sa buong maghapon. Nanghihinayang man pero alam naman niyang oras nilang magpipinsan ang isina-alang alang niya.



Nagbabad si Ezekiela sa kaniyang bath tub na may maligamgam na tubig para mabawasan ang sakit ng ulo. Ngunit mas lalong sumakit yata ito nang maalala ang lalaki kagabi.



Ba't ba bigla na lang sumagi sakin yon? Ah! Nakakabwisit ung mata niya! Tss.



Naiinis na hinablot niya ang tuwalya at lumabas na ng banyo para magbihis. Kita niyang magtatanghalian na at paniguradong kakatukin na siya sa kaniyang kwarto.





Nagbihis na lamang siya ng simpleng floral dress na nakahang ang mga strap sa kaniyang balikat. Malayong malayo sa abogada na ang madalas suotin ay pencil skirt o slocks. Naisip niyang baka hindi siya seryosohin ng mga kliyente niya kung hindi siya magmumukhang pormal.



Bumababa na siya para sumabay sa pananghalian. Nakita niya namang papataas na sa hagdanan si Martha na katulong nila.





"Senorita! Kumain na daw po kayo sabi ni Don." Nagmamadali namang sabi nito. Ngumiti na lamang siya sa dalaga. "Sige. Pababa naman na ako. Salamat."



"Sige po." Tumango si Martha saka dumiretso sa kwarto niya upang maglinis. Ginagawa nito ang paglilinis kapag wala na siya sakaniyang silid.





DUMIRETSO na lamang siya sa dining hall ng bahay dahil alam niyang sanay na ang lolo niya na kumain doon.





Nang nabubuhay pa kasi ang Lola Emily niya ay hindi papayag itong sa isang masikip na lamesa sila nagkakasiyang tatlo. Kahit tatlo lamang sila ay hindi nila nararamdamang kaunti sila dahil sa kwentuhan at tawanan nila.



Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon