Kabanata XVII

370 19 1
                                    

Alejandro

HINAWAKAN ni Eze ang mga dokumento na nasa harapan niya. It's early morning of Monday.  Isa isa niya itong sinipat para basahin bago pirmahan ang bawat isa. Some affidavits, requests and others are jurats. 

Ang dami niyang tambak na pipirmahan dahil lang sa nawala siya ng isang araw. Sumasakit ang ulo niya lalo na kapag naiisip niyang mauulit at mauulit na naman ang ganito.

Tumatanggap pa din kasi sila ng mga kliyente kahit Saturday kaya tambak siya pag lunes. Ngunit hindi na siya mismo ang kumakausap sa mga ito. She made sure that they'll only need the documents which Ernest can surely handle. If the clients needed legal counselling, Ernest will  schedule them on the right time. Not in Ezekiela's absence.

Nangangalahati pa lamang si Ezekiela sa pagpirma sa mga papel nang may marahang kumatok sa pintuan.

"Come in."

Walang lingon na nagsalita siya. Hindi na niya kailangan pang mag-angat ng tingin sa nasa harapan dahil kaagad nagsalita na ito sa kung ano ang sadya.

"It's almost lunch time. Do you want me to bring your food here or you'll eat outside?"

Ngumiwi ang dalaga nang mapagtantong hindi pa nga siya kumakain ng tanghalian. Kaagad niyang naramdaman ang pagkirot ng sikmura dahil sa gutom. She only had PB and J sandwich for her breakfast kaya nagwawala na ang sikmura niya. Nagpapapansin na ang kaniyang tiyan. Inikot niya ang mga mata sa mga nasa lamesa niya bago tumingin sa binata.

"We'll eat outside."

Ngumisi naman si Ernest dahil sa sinabi ng dalaga.

"What?" Umiirap niyang sabi saka inabot ang bag sa maliit na table sa gilid niya. "My table is a mess. I don't want to eat in here. Mawawala lang ako ng gana kapag nakita ko mga trabaho ko."

Humalakhak naman ang binata saka hinawakan ang braso niya para igaya palabas ng pintuan. "You have so many works to do, Atty. Wala pa yan sa kalahati."

Nanggagalaiti niyang sinapak si Ernest sa balikat. "Arrrgh! Hindi mo na kailangang ipaalala, 'no?"

Hanggang sa makapunta sila sa malapit na restaurant ay hindi siya tinigilan ni Ernest. Nagkwento ito lalo ng mga kinakainisan niyang bagay.

"You remember the lawyer you called fat? Meron na naman siyang kliyente na inuuto ngayon. I got this story from Atty. Sevilla since magkalaban sila sa kaso ngayon."

"Tigilan mo na ko ha? Wala kong panahon sa matanda na 'yon."

Ngisihan lamang siya nang kaharap bago kumain ng mga nakahanda sa table nito. "I know you liked him."

Agad nanlisik ang mga mata ni Eze saka inambaan ito ng hawak hawak na knife na umani lang ng tuwang tuwang halakhak galit sa lalaki.

"Ah, bago ko pala makalimutan." Inabot ng binata ang cellphone nito at nagtipa ng kaunti bago pinaharap sakaniya ang hawak hawak.

It's a picture of a big, old church na may malaking sulat sa itaas nito na St. Therese Conventus of Ecijanos. Sa ilalim naman nito ay mga batang dalaga na kung susukatin ang mga edad ay nasa lima hanggang labinlimang taong gulang o higit pa. Sa tabi ng mga ito, nandun ang mga madre na ang iba ay may hawak pang bata. Mga nasa higit lanbindalawa ang bilang nila.

"Medyo malayo ito kumpara sa pinupuntahan mo dati. Pero I think they deserved na mabisita, diba?"

"They will always deserved everything."

Kinuha niya ang cellphone. Tinignan ni Ezekiela ang nakasulat sa ilalim ng larawan. They were abused girls. They'd been raped, battered, left by their parents and some were bullied.

Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon