This wonderful cover photo is from EinahG
You're so amazing. Thank you so much. Mwah :*Happy reading!
°•○●●○•°
ThinkingDUMATING sila sa harap ng mansion nang nag-uusap lamang tuwing tatanungin ni Junex ang direksyon. Wala ni isa sa kanila ang bumanggit tungkol sa nangyari. Parang hindi tama na balikan nila dahil sa una pa lang, mali na ang ginawa nila.
Anong mali d'on?
Napabatok naman sa sarili si Eze nang maisip niya iyon. LAHAT. Hindi dapat nangyari ang pagkakamali na 'yon. Marami silang plano at hindi siya ang gagawa ng ikakasira noon.
Alam ni Ezekiela na si Junex ay ang apo ng Alejandro. Kaya dapat alam di niyang hindi maaring mangyari ang nangyari kanina.
Tinapat ni Junex ang sasakyan sa malaking tarangkahan. Binuksan iyon ng mga guard sa loob. Samantalang ang binata naman ay lumingon lang sakaniya.
"I'll call someone in HQ to pick me up. I'll get going. Good night."
Kahit ang pag-alis ni Junex ay hindi na binigyan pa ng pansin ni Ezekiela dahil ayaw niya nang magkaroon pa ng mahabang interaksyon sa lalaki.
Napapikit si Eze.
Gusto niyang bugbugin ang sarili dahil sa inaakto niya tuwing nagkakalapit sila ng binata.
Hindi niya mapigilang tumitig dito.
Hindi niya mapigilang humanga sa ayos nito.Napapitlag na lamang siya nang katukin ng isang nakaputing uniporme, ang bintana ng kotse niya. Nasa kanila na nga pala siya. Ang tagal niyang natulala sa labas pa rin ng mansion.
"Senyorita, ayos lang po kayo?"
Ayos nga lang ba siya?
Paano niya haharapin ang Lolo niya na hindi dinadapuan ng malaking konsensya?
Ngumiti siya ng bahagya sa matanda. "Yes, manong. Ipapasok ko na din po."
Pinagbuksan siya ng mga ito kaya agad siyang nag-drive papasok at pinarada sa kanilang malaki at mahabang parking lot. May mga nakahilera ding mga sasakyang magagara na paniguradong hindi lahat nagagamit.
"How's the day, iha?"
Lumunok si Eze sa narinig sa matanda. Nasa hapag sila ngayon. Hindi maiwasang magkakasabay talaga sila kahit na pinagpipilitan niya na sa matanda na huwag ng bumababa at sa kwarto na lamang kumain. Makulit kasi ito.
Parang si Ezekiela.
"Okay lang, Lo. Normal days."
Normal, really?
Kastigo ng utak ni Eze sa kaniya. Kahit utak niya ay kulang na lang ay bugbugin siya dahil sa mga kagagahan niyang ginagawa.
"Uh-huh. Kumusta ang plano?"
Naghanap pa ng magandang palusot si Ezekiela sa kaniyang isipan. Ngunit wala siyang ibang maisip na maging dahilan para maiba ang usapan.
"Don."
Gusto niyang bigyan ng kahit na ano ang batang nurse ng kaniyang Lolo. A bonus or whatsoever. Dahil nawala sakaniya ang pokus ng matanda.
"Yes?" Agap na tanong ng matanda.
"Kailangan na pong i-check ang blood pressure niyo."
"Already?"
"Opo, Don. Ipapadala ko po ang pagkain niyo sa inyong kwarto."
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...