Ayaw matahimik
HIRAP na hirap si Ezekiela Nica sa pag-suot ng damit na hawak dahil labag na labag ito sa kaniyang kalooban. Sino bang may gustong magsuot ng swimsuit sa harap ng trainor niya? Okay lang sana kung normal lang sakaniyang gawin ang mga ganitong bagay. Ngunit eto at unang beses niyang susubukang lumangoy sa harap ng isang lalaki dahil hindi naman siya marunong lumangoy.
Bakit nga ba hindi niya nasabi ito sa binata?
Napalunok na lamang siya nang titigan niyang muli ang kakarampot na damit.
Hindi naman sa first time niyang magswimming. Kaya nga nalaman niyang di siya marunong dahil sumubok siya minsan. Yun nga lang ay di na naulit dahil sa takot niyang malunod uli.
Walang nagawang lumabas siya ng locker room at dumiretso sa labas. Hindi niya kayang gawin yon. Kahit na mukha siyang walang kinatatakutan ay mayroon pa rin naman siyang kahinaan. Sumilip siya labas at nakitang walang tao doon.
Nangungunot ang noong tuluyan siyang lumabas. Iniwan ba siya ng lalaki? Natagalan ba ito sakaniya kaya umalis na lamang?
"What took you so long?"
Nahigit ni Eze ang kaniyang hininga nang makarinig ng baritonong boses galing sa likuran niya. Agad niyang nilingon ito. Ngunit ang inaasahan niyang si Beta ay naging si Alpha. Agad na nangasim ang pakiramdam niya. Pati ang mukha ni Ezekiela ay di naitago ang pagngiwi.
Hindi siya sumagot. Bumaba naman ang tingin ni Junex sa hawak hawak ng dalaga. Kumunot din ang noo nito.
Tumingin ito sa orasan na pambisig at tinignan siyang muli. "Magiisang oras kang nasa locker room. What did you do? You should be wearing that." Anito sabay turo sa hawak niyang swimsuit.
Kaagad inabot ni Ezekiela ang damit kay Junex. Dahilan para maging blangko ang ekspresyon nito. Nakaramdam ng kaba ang dalaga pero agad niyang sinawalang bahala iyon.
"I won't do that. Hindi ako magsswimming. Siguro naman may iba pang trainings na pwedeng kong gawin. You're smart, right? You have a lot in mind."
Tinitigan lamang siya ng binata pagkayari niyang magsalita. Kinuha nito ang damit sa hawak ng babae at tumingin dito. Hindi yata nito pinansin ang mga lintanya niya. Pilit niyang ginawang normal ang mukha niya para hindi makaramdam ng kung ano ang kaharap.
Bago pa man makapagsalita muli ang dalaga ay nagulat siya nang biglang umabante ng lakad ang binata. Sumisilip ang mumunting ngisi sa gilid ng labi nito.
"You're scared."
Agad na nagpanting ang tenga ni Eze nang makarinig nang pang-uuyam sa boses ng binata. Hinintay niyang magkalapit sila bago niya tinitigan ng matalim ang lalaki. Pinaglebel ni Alpha ang mga tingin nila bago mulibg nagsalita
"Pwede mo namang aminin na takot ka. But you know, it won't change the fact that you're a scaredy-cat."
Damn, this man!
Nang-gigil si Ezekiela. Nagpuouyos ang damdamin niya at di na rin naitago ng lalaki ang tinatagong ngisi nito. Marahas niyang kinuha ang damit at ambang maglalakad na dapat pabalik sa locker room ngunit hinablot siya ng binata sa braso.
Hinila siya nito papalapit sa pool. Agad na nanlaki ang mata ni Eze. "No. Wag na. Pwede na yang suot mo. Magsasayang lang tayo ng oras kung magpapalit ka pa."
"Wait! Stop this nonsense! Kaya ko-"
Huminto ang lalaki sa paghila sakaniya. Malapit na malapit na sila sa pool. "Oh really?" Nangingiting sabi ni Junex saka bumitaw sa braso niya.
"Then swim!"
Bago pa makapag-react si Ezekiela sa sinabi ng lalaki ay tinulak na siya nito sa malalim na pool. Napatili siya at nilamon kaagad siya ng tubig. Mabilis ang mga pangyayari. Bumagsak ang katawan niya sa pool at hindi niya alam kung paanong kawag ang gagawin niya. Wala siyang makapitan tanging ang kakarampot niya lamang na hininga.
Basang basa na ang mukha niya ng malamig na tubig ngunit ang pisngi niya ay puno ng mainit na mga luha. Masakit na ang mga mata niya dahil sa tubig.
Agad na may kumabig sakaniya. Mahigpit ang hawak nito sa maliit na bewang ng dalaga. Yakap yakap siya nito habang nanginginig din sa takot. Iyak ng iyak si Ezekiela habang yumayapos siya sa leeg ng binata.
"Tangina." Mahinang mura ni Junex.
HINDI niya alam kung anong gagawin nang makitang umiiyak ang matapang na abogada. Ang kanina lang na may tapang na mukha ay eto at umiiyak na parang bata. Nanginginig si Junex dahil sa galit. Galit sa sarili niya. Kung maari lang na bugbugin ang sarili ay baka nagawa niya na dahil sa gigil sa katangahang ginawa niya.
Bakit nga ba niya ito tinulak?
Naiinis kasi siya na ayaw pang aminin ng dalaga na takot ito at kailangan pang mag tapang tapangan. Halata namang nagyayabang na lamang ito dahil kita niyang nangingig ang mga labi nito sa takot.
Ngunit hindi pa rin tama ang ginawa niya. Sa sobrang pang iinis niya ay nasobrahan na ang biro niya.
Tuluyan pa ring umiiyak ang dalaga habang hinihingal ito. Taas baba rin ang paghinga ni Junex dahil malakas ang kabog ng puso niya sa kaba. Nakaramdam din siya ng takot. Takot na ngayon niya na lang ulit naramdaman.
Nakayakap siya sa babae kaya amoy na amoy niya ang pambabae nitong bango. Kumalma ang adrenaline rush niya ngunit malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Humigpit ang hawak niya sa babae dahil humahagulgol pa rin ito.
"Shh. I'm sorry." Alo niya habang yumapos rin ang kabilang kamay niya sa batok nito. "I'm sorry, baby." Hinahanap niya ang mga tingin ng babae pero kita niyang nakapikit pa rin ito habang patuloy na tumutulo ang mga luha nito.
Sinakal niya ang sarili sa loob ng isip niya. Binugbog at sinapak. Minura mura niya.
Pano niya nagawa ito sa babae? Kinakain na siya ng konsensya niya. Alam niyang di niya mapipilit magsalita ang babae kaya tinanggal niya hawak dito para iambang itataas na ang babae. Pero humigpit ang kapit nito sakaniya. Tinignan ni Junex si Ezekiela.
Paano kita iaalis dito?
Napabuntong hininga si Junex. "You'll get cold. Magkakasakit ka kung di pa kita itataas. Please."
Tumigil sa pag-iyak ang babae. Lumuwag rin ang kapit sakaniya. Hindi pa nga lang tumitigil ang paghikbi nito. Hinawakan niya si Ezekiela sa bewang at inangat ito sa gilid ng pool.
Nagmulat ng mata si Ezekiela. Agad na kumabog ang puso ni Junex sa kaba. Ngayon na lamang siya kinabahan muli. Para n'ong unang sabak niya isang raid ng mga drug dealers. N'ong unang nakabaril siya.
Nagwawala ang iba't ibang emosyon sa loob niya nang makitang blangko ang pinapakita ng dalaga. Kabadong kabado siya.
Hinawakan niya ang kamay ng babae. "I'm so sorry." Bukal sa pusong sabi ni Junex.
Pero bago pa man makapagsalita ang dalaga ay agad humilata ito sa sahig. Agad tumaas si Junex sa kaba na akala niyang hinimatay ang babae. Nakita niya kasi itong nakapikit.
"Hey! You okay?" Aniya saka hinawakan ang mukha ng babae. Dinungaw niya ito.
"Mukha ba kong okay sayo?"
Ito lamang ang sinabi ng dalaga ngunit agad na nawala ang kaba ni Junex. Humiga rin siya sa tabi nito. At pinakawalan ang hiningang kanina niya pa pinipigilan.
"You owe me a lot, Alpha. And tangina mo rin."
Ani ng dalaga na binigyan niya naman ng mahinang halakhak. This girl has something. Hindi pa rin nawawala ang kabog ng puso niya kahit na nawala na ang kaba. Dapat humihinto na ito. Dapat kalmado na ito ngunit ayaw pa rin matahimik.
°•○☆○•°
Author's note: Thank you so much for reading and waiting. :) Sorry for the slow update. Nawawalan kasi ako ng time. Nag-aadik ako sa pagbabasa kaysa ang pagsusulat. Haha xD Thank you guys! I'll update again soon. Please do read my other stories habang naghihintay. Lol. Haha
Another chapter done,
another one to write.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...