Kabanata VI

649 25 7
                                    

Ang apo





DUMIRETSO na lang si Ezekiela sa veranda ng kwarto niya habang dala-dala ang laptop. Magsesearch muli siya ng mga taong pwedeng magturo kung sino ang apo ng mga Alejandro.





Kung malalaman niya kung sino ito ay madali na lamang nila maisagawa ang mga plano nila.





Nagtipa siya ng Alejandro sa text box at iba't ibang tao ang lumitaw doon. Iba pa nga ay mga bagay, gamit, at mga lugar. Ginawa niyang mas specific ang mga sadya.



DIOSDADO ORTIZ ALEJANDRO





Nang mapindot ni Eze ang enter at gulat siyang isang larawan lang ang lumabas doon.





Isang larawan ng matandang babae at lalaki habang nasa gitna naman nila ang isang batang lalaki.



Halata sa kulay ng litrato na medyo may katagalan na ang pagkuha nito. Hindi pa ganun katanda ang lolo at lola ng batang lalaki. Kung susumahin ang edad ng mga ito ay nasa higit singkwenta na samantalang ang bata ay nasa sampung gulang pa lamang.





He's 32, then?



Matanda na pala ito at paniguradong may pamilya ng kasama. Pero kung ganon ngang nasa maayos na pamumuhay ito. Bakit ayon sa source ng Lolo Lito niya ay ito ang nagbabantay sa artifact na gusto nila? Bakit mag-isa ito sa mansyon ng mga Alejandro kung ganon nga?





May mga pinindot pang mga pangalan doon at nagbabasakali siyang isa doon ang apo. Pero puro mga Jejemonster naman ang lumilitaw sa mga epal na mga blogs na nandoon.



Pinindot rin ni Eze ang page kung saan nandoon ang larawan ngunit hindi niya ma-a-access ito. Kahit gumawa siya ng account ay ayaw pa rin. Parang may iniiingatang impormasyon tungkol sa page na yon.





Hays! Bakit ba napakakumplikado ng mga nangyayari sakin ngayon? Ang dami kong nahahanap na bago ngunit wala namang lutas.



Napahawak na lamang sa ulo niya si Ezekiela habang dumudukdok sa table.



Masakit pa rin kasi ang ulo niya dala ng hang-over. Ang OA nga ng hang over niya na pati tanghali ay hindi pinalagpas. Napabuntong hininga siya habang may na isip na solusyon.



"Nakakapagod mag-isip. Tatanungin ko na lamang ang Lolo tungkol dito."





Sinarado ni Eze ang laptop saka agad agad na lumabas sa sariling kwarto. Bumababa siya sa mahaba nilang hagdanan at tinawid ang distansya ng kanilang Garden kung saan ang tambayan ng matanda.



Malayo pa man ay ang boses ng matanda ang nangingibabaw. Kinakausap na namn panigurado nito ang nurse na kasama.



Kung ako man yon ay baka maloka ako! Ang boring kaya!



Napapalabing sabi ni Ezekiela sa isip. Ngunit habang papalapit na siya mas naging malinaw ang pinag-uusapan ng Lolo niya at ng nurse. Pero bakit parang wala naman si Eze na naririnig na boses ng babae upang sumagot?



"Kumpadre! Kumusta? Napatawag ka?"



Rinig ni Ezekiela ang pagkatuwa sa boses ng Lolo niya. Sino kayang kausap nito at sobrang saya ng matanda? Akala niya ay ang nurse ang kausap.



"You need her? Why?"



Nagpanting naman ang tainga ng dalaga nang mabanggit ng Lolo ang salitang her.



Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon