Kabanata IV

734 26 9
                                    

If this girl

NAPAKURAP si Ezekiela para mawala na ang tingin sa lalaki. Andon pa rin kasi ito habang suot ang mga ngisi sa mga labi niya. Hindi naman namalayan ni Ezekiela na kinagat din niya ang sariling labi.

Damn! Bakit ganon siya makatingin?

Agad siyang lumayo sa sofa at tumayo para puntahan ang mga pinsan niyang sobra na ang pagsasayaw. Hindi kasi mawawala sa isip niya ang itsura ng lalaki kung mananatili lamang siya doon. Ang isa niya pang kinakainis ay bakit ba kasi glass ang pagitan ng bawat room ng VIP dito! Shit!

Kitang kita tuloy siya doon. At kitang kita rin naman niya ang lalaki na nanatiling nakatingin sa kaniya. Mali nga yatang gumana ang kuryusidad niya. Napahinga na lamang nang malalim si Eze saka naiiritang tinampal ang noo. Isa pang dagdag sa isip niya ang mga pinsan niyang nagiging wild kapag nawala sa pundya ng mga magulang.


Mahigpit kasi ang mga magulang nito kaya kapag napagbigyan sila minsan ay sagad naman ang ginagawa.

Nilingon niya ang mga nagsasayaw sa gitna. Hilo na siya sa mga iba't ibang kulay na umiikot sa buong dance floor. Buti na lamang ay agad niyang nakita si Noemi. Pero tanging ang isang pinsan niya lamang ang nandoon. Napakunot ang noo ni Eze dahil wala sa paligid si Jaya.

Shit naman oh!

Hinila niya kaagad si Noemi na nagulat sa ginawa niya. "Asan si Jays?" Aniya saka nilayo si Noemi sa maingay na dance floor para magkaintindihan sila.

"Ha? Akala ko nasa likod ko lang kanina." Gulat ding sabi ni Noemi.

"Wait. Let's go to the bouncer. I told him to guard you." Ani ni Eze saka naman dumiretso sa bouncer.

Namataan sila ng lalaki. Kumilos naman kaagad sa paghahanap ang lalaki dahil ang sabi niya ay nakaligtaan sa paningin ang pinsan niya. Mas lalong kumunot ang noo ni Eze nang may marinig siyang nagwawala at nagbabasag.

"Oh. Gosh." Bulong ni Noemi na parehas nang nanlalaki ang mga mata. Kita nilang nagwawala ang pinsan nila sa harap ng isang lalaki.

"Ma'am. Hinihintay na po kayo doon." Hinihila si Jaya ng bouncer at pinipigilan din dahil sumusugod ang dalaga sa lalaking nakangising nakatingin lamang dito. "Let me go!" Tili ng pinsan ni Eze kaya agad silang dumalo doon.

"Jays. Come on. You're making a scene, cous. " sabi ni Noemi habang pinipigilan ang pinsan. Ayaw naman paawat ang dalaga kaya agad nainis si Ezekiela.

"Jaya! Get hold of yourself!" Irita niyang sabi at agad humarap sa lalaking nakangisi pa ring nakatingin sa pinsan niya. Hindi alam ni Eze pero mas nabwisit siya sa kaharap. Parang natutuwa pa kasi itong nagkakaganun ang pinsan niya.

"What did you do?" Doon pa lamang siya binalingan ng lalaki pero hindi pa rin napawi ang ngisi sa mukha nito. "Nothing. Sumayaw lang kami. I didn't know she's such a pussy." Ani to sabay tawa.

"Aba't! Bastos kang pangit ka! Nanghipo ka, gago!" Agad na sigaw ng pinsan niya.

"Do you have any witness? If I know you're doing this because you want my attention."


Agad na napataas ang kilay ni Ezekiela. Oo nainis kaagad siya. Siya pa naman ung klase ng taong madaling mapikon. Pero kung sasabayan niya ito ay paniguradong walang mangyayari. May naisip na lamang siya. Hindi naman niya naiwasang ngumisi dahil sa sinabi ng lalaki.

Tumikhim siya para mapunta ang atensyon sakaniya ng gunggong. "Why would my cousin wants your attention? I think you're not good enough. You're not big..." aniya saka binitin ang mga salita saka naman siya ngumisi lalo. "Enough." Sinabi ni Ezekiela lahat ng mabagal na pabulong para mas mabwisit ang kausap. Dagdag pa ang nakangisi niyang mukha kaya alam ni Eze na sasabog ang lalaki.

Draw Me Close [DMC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon