You're doomed
HUMAHANGOS na bumangon si Ezekiela nang marahas niyang tinulak si Junex sa ibabaw niya. Kakaibang kilabot kasi ang naramdaman niya habang iniisip kung ano ang kaninang posisyon nila.
Umigting lang ang panga ng binata saka walang habas na tinalikuran siya.
"Let's end this training for today. Kailangan mo ng individual training. I will let Beta handle you."
Ayaw man ni Junex sabihin iyon ngunit ito ang sinasabi ng utak niya sa hindi niya malamang dahilan. Baka sakaling maiba ang pakikitungo niya dito once na hindi niya muna ito makita.
Ngunit nag-a-amok ang kalooban ng binata nang maisip na hahawakan ang dalaga ng maloko niyang kaibigan. Kilala niya ito. At sobrang mabilis ito sa babae.
Tinalikuran niya si Ezekiela para makahinga ng maluwag. Parang hawak kasi ng dalaga ang leeg niya kaya hindi siya makahinga ng maayos.
This is really bad.
AWANG ang mga labi ng dalaga nang hindi pa rin makarecover sa eksenang naganap. Maayos siyang tumayo saka pinahid ang mga pawis niya.
Tinignan niya ang kapaligiran at iilan lamang ang nagbigay pansin sa nangyari. Napatawa na lang siya ng pagak sa kaniyang sarili. Kaunti na lang at mapuputol na ang kaunting pagpipigil niya.
Anytime now, ay huhugutin na lamang niya ang sariling cellphone para tawagan ang Lolo niya. Pero alam ni Ezekiela na hindi makakatulong sakanila ng matanda ang pagiging agresibo niya. Agresibo sa pagdedesisyon.
Naalala na naman niya ang sinabi ng lalaki. Na kailangan niya ng individual training? Tapos ibibigay siya nito kay Beta? Niloloko yata siya ng lalaki at kung ano ano ang gustong gawin. Akala niya ba ay individual? Bakit kailangang may humawak pa sakniya?
AT Beta? Sino yun? I bet he's not like that jerk!
Gigil na namang napahawak sa bimpo niya si Ezekiela. Marahas niyang pinupunasan ang pawis.
"Good morning, my lady!"
Agarang bati sakaniya ng pamilyar na lalaki ngunit di niya kilala. Napakurap kurap naman ang dalaga sa pagkagulat. Gulat siya dahil biglaan na lamang sumusulpot ang binatang ito.
Kiming ngiti ang binigay niya sa binata. "Ah. Good morning." Bati niya rin saka nagpack up na ng mga gamit niya.
Humarap naman ang lalaki sakaniya nang talikuran niya. Naglahad ang binata ng kamay. "Beta is my codename but you can call me Edjan, Edj or your future boyfriend. What do you prefer, my lady?" Ngumisi naman ang binata pero sa di mayabang na paraan. Di rin makaramdam ng inis ang dalaga sa binata dahil sa medyo magpagbiro nitong itsura.
Ngumisi rin si Ezekiela sa narinig. So, ito pala si Beta? Yung maghahawak sa kaniya?
Medyo nakuha ng binata ang atensyon ni Ezekiela. Kuryoso namang sinuri ng dalaga ang itsura ng lalaki.
Matangkad ito na may well-built na katawan. Panigurado ay sabak din ito sa mga trainings kaya ganun na lamang ang hubog nito. Mukha naman din matutulungan siya ni Beta sa sinasabi ni Junex na individual training. Sana lamang ay madali lang ang ipagawa sakaniya nito.
"Done checking me, my lady?" Nagyayabang na sabi nito pero kaagad namang binawi ng binata at dinaan na nito sa masayng halakhak bago nagpatuloy sa pagsasalita.. "Kidding aside, Miss. Well, Alpha told me that you'll be needing an individual training that's why he asked me to handle you. So, are you ready?"
Ready na nga ba siya? Unang una, simula pa lang ay di naman talaga siya ready sa naging misyon niya na ito. Hindi siya handa sa magiging experience niya kasama ang mga taong di siya pamilyar. Kasama ng taong balak nilang nakawan ng Artifact. Hindi siya maaring mapalapit dito. Delikado. Baka mabulilyaso ang lahat ng pinaghihirapan nila ng Lolo niya.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...