En
TINITIGAN lamang ni Junex ang mga pictures na nakalatag sa lamesa. Iba't ibang kuha ito mula sa mga sinusundan nilang tao. May mga kuha din ng bawat anggulo ng isa sa mga warehouses na pinagtataguan ng mga smuggled weapons ng mga sindikato.
"Here'll be the target." Tinuro ni Meek ang isang warehouse na sa likod noon ay may isang malaking bahay.
Top view ang kuha ng litrato. Kung titignan sa isang ordinaryong pananaw, makikitang para lamang isa itong bahay na may storage sa harapan. May malalaki pader na may mga wirings sa itaas. May isa nga lang problema sa kuha nito.
Lumapit si Edjan sa mga pictures at may parang hinahanap doon. "Saan papasok? Walang entrance dito. Kundi tanging-"
"Helipad." Tuloy na ni Alpha.
"We can't go inside using a helic-"
"I know." Aniya at kumuha ng isang picture doon at tinitigan lamang. "But we can." Tumingin lamang ang mga kasamahan niya na parang nahihibang na siya.
"Secure the parameters. Report all the activities daily. Kung kailan may papasok na helicopter. Kung sino ang mga nandoon. Anong oras at anong araw ang pagpunta. Wala kayong pwedeng palagpasin. We only have 2 weeks from now. Hindi pwedeng mag-adjust ang mismong araw ng misyon."
"Sa ngayon, isang linggo lang ang ibibigay kong araw para masubaybayan niyo ito. Beta, Delta kayo na ang bahala para i-secure ang lahat. Kabisaduhin niyo ang routine ng mga gwardiya sa lugar. At Charlie, hack all the CCTVs on the parameters whether it's inside or not. All of them."
Tumango naman ang mga nabanggit.
Habang siya. Ano nga ba ang gagawin niya sa loob ng isang linggo? Pinalibot niya ang mga mata sa loob ng kwarto, at wala doon ang gusto niyang makita. Then, he thought he'll stay.
To train her, what else.
"Pa'no ko?"
Biglang napakunoot ang noo ni Alpha at diretsong tinitigan ang babae sa gilid. He scowled at the girl on the edge of the table.
"Oh? Anong ikaw? Bakit kasama ka ba dito? Teka nga. Bat nga ba nandito ka?" Agad naman nagsalita si Beta sa babae.
"Hoy! Manahimik ka ngang kumag ka. At di naman ikaw ang kinakausap ko." Saka naman ito bumaling kay Junex. "Alpha?"
Tumawa naman si Delta sa sinabi ni Syr. "Savage." Pang-iinis nito. Mukhang sambakol ang napahiyang si Beta kaya nanahimik na lang siya.
Mula ron ay napangisi rin si Junex. "There's a job for you, Syr. Sasama ka sakin."
Halatang di sang-ayon si Beta at aapila pa nang mauna na sa pagkatuwa si Syr.
Nag-ningning naman kaagad ang mga mata ng babae kaya napalakpak ito. "Yey! Ano yan? Ay teka. Wag mong ssabihin dito." Ngingisi-ngising sabi nito saka lumapit sakaniya para bumulong. "Mamaya mo na lang sabihin kapag wala na ung gunggong na 'yon ah?" Ani nito saka tumalilis para pumunta na sa labas.
Lumabas na rin si Delta at Charlie pagkatapos niyang i-dismiss. Naiwan naman si Beta na di maipinta ang mukha.
Inayos niya ang mga nakakalat na mga pictures at nilagay ito sa isang kahon para ipakita kay Chief mamaya.
"Seryoso ka dun, Alpha? Ayokong kasama 'yon sa misyon!"
Nag-aalburutong sabi ni Beta habang patay malisya lamang si Alpha na nagsisinop ng mga gamit.
"Choose, then. You and Syr will be going on the mission or Syr will be going alone?"
"Wait! That's unfair!"
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...