Let me tell you something about myself.
Nakatira ako sa isang squatters' area. Maingay, magulo minsan, parang convenience store na bukas 24 oras pero masaya ang mga tao.
Syempre nandyan din ang chismis. Imbes na maghain ng pagkain ang mga nanay para sa pamilya nila lalabas sila para makipagkwentuhan sa mga kapitbahay.
At dito ako sa lugar na ito nakatira. Ito ang bahay na inuupahan ko simula nung college pa ako.
Pokpok, bayaran, manggagamit, slut, gold digger, babaeng nasa loob ang kulo at kung anu-ano pa. Yan ang mga madalas kong marinig sa mga kapitbahay ko.
Sino nagsabi sakin? Yung owner nitong inuupahan ko at siya na din ang nagsabi na wag ko na lang pansinin kaya ganon nga ang ginagawa ko.
Totoo naman eh. Kumbaga sa bahay, for rent ako. Anything as long as kaya ko payag ako. Tagagawa ng kung anong project, assignment ultimo thesis na hindi kalinya ng course ko pinatulan ko. Panggap na girlfriend. Kasama sa kung saan-saan, date ng isang matanda sa party, kunwaring fiancee para pagselosin yung taong mahal niya, at marami pang iba.
Hanggang sa bigla na lang may mambabato sakin. Babanggain ako. Kunwaring matitisod tapos sakin matatapon yung juice or food na hawak niya. Mapahiya sa ibang tao at ang pinakamalala ay ang sinampal sinabunutan at sinipa ako sa loob ng isang mall dahil sa mang aagaw daw ako. Muntikan na din nila akong mahubaran mabuti na lang at naawat agad sila ng guard at ibang tao kaya nakatakbo ako.
Whew! That was the most embarassing moment of my life so far!
Oo nakakababa ng pagkatao pero kung iisipin ko lahat ng sasabihin nila sakin baka patay na ako ngayon sa gutom.
Minsan iniisip ko ang unfair ng buhay sakin kasi of all the people ako pa talaga pero naisip ko din na hindi naman Niya ako bibigyan ng problema kung alam Niya na hindi ko kakayanin. Kaya nagpapasalamat pa din ako.
Ganun ang buhay. Minsan kailangan mong lumabas sa lungga mo at gumawa ng mga bagay na taliwas sa mata ng nakakarami para lang mabuhay.
Bakit kasi hindi ka pa umalis dito?
Pigilan mo ko Ela, tsitsinelasin ko yung mukhang hito na yun!
Ela! Lumipat ka na!Yan naman ang madalas sabihin ng kaibigan ko pag dumadalaw dito sa munting paraiso ko. Simple lang ang dahilan kung bakit ayaw ko umalis, memories.
Sino si Ram?
Well si Ramses "Ram" Savellano ay isa sa mga umupa sakin dati noong high school pa lang kami. Ayoko sana pero napapayag niya ako dahil sa nalaman niya ang kahinaan ko, ang nanay at kapatid ko.
Pagkatapos ng serbisyo ko sa kanya ay binayaran niya ako ng sobra sobra pa sa napag usapan namin. Sapat para mairaos ko ang pag-aaral ko at pang-araw araw namin ng pamilya ko. Patay na noon ang papa ko dahil sa aksidente sa trabaho niya. Binigyan kami ng 10,000 bilang tulong ng kompanya nila pero kulang pa iyon para sa mga utang namin.
Malaki ang naging parte ni Ram sa buhay namin ng pamilya ko at aaminin ko nahihirapan akong tanggihan siya.
Nagbago na ako. Nagbago ako dahil sa isang lalaki na tumulong at nagparamdam sakin na hindi ako nag-iisa. Pero sabi nga nila walang forever. Pero kahit ganoon ipinagpatuloy ko pa din ang pagbabago kasi unang una hindi ko naman na kailangan ng pera at pangalawa may trabaho ako para tustusan ang sarili ko.
Teacher ako sa isang day care center pero hindi Education ang kurso na tinapos ko. Nag-take lang ako ng teaching units at kumuha ng board exam. Nakapasa naman ako kaya nagtuturo ako ngayon at isang advantage ay ang pagiging "for rent" ko dati dahil sa mga thesis na ginagawa ko na hindi related sa course ko.
Bago ko pala makalimutan, ang kursong kinuha ko ay BSID (Bachelor of Science in Interior Design) and I am also a Licensed Interior Designer.
At yan ang bunga ng pagiging for rent ko.