Pumasok ako sa unit ko at sumalampak sa sofa.
What a tiring yet wonderful day isn't it?
Dumiretso muna ako sa kitchen para tingnan kung may dapat pa ba akong itago. Mabuti na lang yung mangga nailagay ko sa ref. Nang masigurado ko na cleared na ang area ay sumugod na ako sa kwarto ko para matulog.
Naramdaman kong parang may kumakaluskos sa labas ng kwarto ko pero baka guni-guni lang.
Maya maya ay may parang hangin sa ilalim ng kumot ko na umihip. Paano? Eh aircon lang nandito sa kwarto? Di kaya may mumu dito?
Pinikit ko lalo yung mata ko pero parang may kumaluskos ulit. Di kaya magnanakaw? Akyat condo?
Nagpasya akong bumangon at umupo sa kama. May sumitsit sa akin galing sa may bintana. Nagdadalawang isip ako kung lilingon ba ako pero sumitsit ulit.
Lumingon ako pero wala naman tao. Pagharap ko....
"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!" M-may m-multoooo!!!
Humiga ulit ako at tinaklob yung kumot sa mukha ko.
Nakarinig ako ng pigil na tawa hanggang sa naging halakhak na. Binuksan din yung ilaw at humakbang palapit sa kama.
"You should've seen your face Ela. Epic! Hahaha!"
Pamilyar yung boses niya. Si Ram! Hindi ko muna tinanggal yung kumot sakin.
"Hey labas ka na dyan!" Sabi pa niya.
Dahan-dahan kong binaba yung kumot sa mukha ko.
"Boo!" Panggugulat ni Ram.
"Aaahhh!! Huwag ka ngang nananakot!" Sigaw ko sa kanya.
Isang inch na lang yung pagitan namin. Kung tumayo ako agad malamang nagkadampian kami ng labi!
Sayang! Sigaw ng malandi kong isip.
Tawa siya ng tawa habang hindi pa din inaalis yung mukha niya malapit sa mukha ko. Amoy mint! Ang sarap tikman!
Bigla kong itinakip yung kumot sa mukha ko ulit ng may maalala ako.
Pinipilit niya alisin yung kumot pero hindi ko pa din binitawan.
"Uy galit ka. Sorry na!" Sabi niya habang tinatanggal pa din yung kumot na hindi ko binibitawan.
"Hindi ako galit. Layo ka sakin." Sabi ko habang nakikipagbuno pa din sa kumot.
"Bakit?" Tanong niya.
"Di pa ako nagtoothbrush. Layo ka muna" nahihiya kong sagot sa kanya.
"Hindi naman mabaho ah. In fact amoy chicken" tumawa ulit siya at umupo sa gilid ng kama.
"I hate you Ram!"
"Kidding! Hindi naman mabaho talaga pero amoy chicken"
Hinwakan niya ko sa ulo at pinilipit niya yung ulo ko! Joke! Haha ginulo niya yung buhok ko.
"Wait kita sa sala. Kain tayo. I'm starving."
Tumango ako at naglakad na siya palabas ng kwarto. Dali dali akong tumakbo sa banyo para magtooth brush. Tumingin muna ako sa salamin at pinusod yung buhok ko.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Ram na nasa sala habang nagtatanggal ng tie.
Tumingin ako sa wall clock at voila! 2AM pa lang! Parang alas dose na ko natulog ah! Aarrghh!!! Raaammmmmm!
Umupo ako sa tabi niya.
"Dito ka dumuretso?"
"Oo. Sorry nagising na naman kita." Sabi niya habang binubuksan yung pizza.
"Okay lang basta ba laging may pizza eh" sagot ko at saka kumuha ng pizza.
"Akala ko magtatagal ka doon Ram?"
"Nope. Kahapon pa talaga tapos kaya pinagpahinga muna ako ni dad."
Kumuha ulit siya ng pizza pangalawang slice na niya samantalang ako kakalunok ko lang ng first bite ko.
"Hindi ako pupunta ng Boston kahit bayaran pa ko ng isang milyon." Then kumagat ako ng pizza.
Huminto si Ram sa pagkagat at tumingin sakin.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Mukha kasing walang pagkain dun eh. Kita mo nga paubos na naman yang pangalawang slice mo eh --- araayy!"
Hindi ko na natapos yung sinabi ko dahil pinitik na naman niya yung ilong ko.
"Silly! Busy kasi eh."
"Kahit na Ram. Hindi ka dapat nagpapalipas ng kain. Almusal, Tanghalian at Hapunan kahit pa busog ka kumain ka pa din kahit konti."
"Nasanay na kasi akong kasabay ka sa pagkain"
Tumingin muna siya bago kumuha ulit ng pizza.
"Kahit pa. Kita mo nga oh.." tinuro ko yung dalawang crust ng pizza na hindi niya kinain at kinuha ko iyon. "..kasama yan sa bayad at kinakain naman yan." Pagpapatuloy ko saka kinain yung crust na naiwan niya.
"Napaka swerte mo Ram kasi nakakakain ka araw araw ng higit pa sa tatlong beses. Kami dati kailangan pang magpawis ng dugo para makakain kahit dalawang beses.."
Tumingin lang ako sa kanya habang siya naman nakatitig na pala sakin at nakikinig. Kinuha ko ulit yung isang crust na naiwan niya at inumpisahang kainin.
"Kaya nga pumasok ako sa 'for rent' thing na yun na naging bansag sakin ng mga schoolmates and classmates natin okay lang sakin alam mo kung bakit?"
Tumingin ulit ako sa kanya at umiling siya.
"Kasi nakakakain kami ng maayos eh. Wala naman akong mapapala sa panghuhusga ng iba at hindi din naman kami mabubusog doon."
Umurong si Ram sa tabi ko dahilan para magdikit kami at saka niya ako inakbayan. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
"Bakit di ka na kumuha?" Tanong niya sakin.
"Inaantay ko yung crust niyang pizza mo para hindi masayang"
"Kinakain ko na. Pang limang slice na nga ito eh"
"Ang takaw mo Ram"
"Hindi ah. Gutom lang"
Sinubo niya sakin yung hawak niyang pizza. Pagkatapos kong kagatan ay saka niya kinagatan ulit. Isang slice na lang ng pizza yung naiwan at pinaubaya ko na yun sa kanya. Medyo busog pa naman ako dahil sa unli rice namin sa Mang Inasal.
"Kaya hindi talaga ako pupunta ng Boston kahit kaladkarin pa ako"
Natatawa kong sabi habang nakatitig sa empty box ng pizza. Natawa na lang din siya.
Siya na din yung nagligpit ng pinagkainan namin then tumabi ulit siya sakin sa sala. Meron na pala siyang sinalang na dvd. Boruto the Movie. Haha ang anak ni Naruto. My peyborit! ^_^
Nanunuod kami hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.